CHAPTER FIFTEEN

915 28 7
                                    

Thank you sa lahat ng mga sumusuporta sa story na'to. Maraming salamat!

"Don't let the past holds you, don't make it ruin your future. Learn to live with it, make it a lesson instead.
-MatapangPuso

HALOS talunin na ni Ella ang tricycle, hindi pa man ito nakakahinto sa tapat ng kanilang munting tahanan. Lakad takbo na kaagad ang kanyang  ginawa hanggang sa makarating siya sa tapat mismo ng kanilang bahay. Agad niyang itinulak ang pintuan at pumasok sa mismong kabahayan.

"Nanay! Tatay!" tawag niya sa mga magulang, at patakbong binuksan ang munting kwarto sa kanan bahagi ng bahay.

Ngunit bigo siyang makita ang mga magulang kaya tumakbo siya sa kanilang likod bahay, ngunit kahit anino ng mga ito ay hindi nya nakita.

"Ella! Huwag ka ng magpagod hanapin sila dito. Kaninang madaling araw pa silang umalis." nahahapong sabi ng kaibigang si Dalton.

Pinuntahan siya kanina ng kaibigan upang ipaalam na umalis ang kanyang mga magulang kaya napauwi siya ng hindi oras.

"Ton, saan sila pupunta? Bakit hindi man lang sila nagsabi na aalis sila." naiiyak na wika niya at patakbong bumalik sa loob ng kabahayan.

"Sumaglit nga lang sila sa bahay upang magpaalam, ngunit ang bilin nila ay huwag muna ipaalam sa'yo na sila ay aalis." pagpapaliwanag ng kaibigan na nakasunod pa din sa kanya.

"Pero bakit sila aalis nang ganun ganun nalang, Tonton?" umiiyak habang iniikot ang paningin sa kabuoan ng bahay.

Hinarap siya ng kababata at tiningnan ng tuwid sa kanyang mga mata.

"Ang totoo mula ng may mga pumunta ditong dayo na parang mga imbestigador at nagtatanong tanong ng tungkol sa'yo, mula noon ay nakikita kong nababalisa na ang iyong mga magulang. Tinanong ko ang tatay mo kung bakit biglaan silang aalis. Ang sagot sa akin ay ayaw daw nilang makulong, lalo na sa sitwasyon ng nanay mo na lagi ng sakitin, may nagawa daw silang malaking pagkakamali na maaring ikakakulong nila habang buhay."  napapabuntunghinga na salaysay ng kaibigan.

Bigla siyang napahagulhol sa narinig, kaya maagap siyang niyakap ng kaibigan at inakay siya nitong  maupo sa kanilang kawayang sofa.

"Saan kaya sila pupunta, mahina na si nanay. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanila. Hahanapin ko sila Tonton." patuloy siya sa paghihikbi, habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa mukha.

Tumabi sa kanya ang kababata at niyakap siya nang mahigpit.

"Ella, baka naman sa mga kamag anak muna nyo sila makikituloy." pagpapalubag loob ng kaibigan.

Napayakap na din siya sa kaibigan habang patuloy  na humihikbi.

"Wala akong matandahan na may mga kamag anak kami. Kaya lalo akong nag aalala." napahagulhol siyang lalo.

"Huwag mo masyadong inaalala ang mga magulang mo. Baka mamaya lang ay tatawagan ka din nila." tumayo ang kaibigan at pumunta sa kusina. Pag balik may dala na itong isang basong tubig.

"Sana nga tawagan nila ako Tonton, masyado talaga akong nag aalala." Kinuha niya ang isang basong tubig na ibinibigay ng kaibigan at tipid itong  ininom.

Pagkatapos uminom ay ilapag niya sa maliit na lamesita ang baso at tumungo siyang muli sa silid ng magulang. Wala naman siyang nakitang kakaiba dito, maayos at malinis ang silid. Ngunit ng papalabas na siya ay may napansin siyang isang nakatuping puting papel sa maliit na altar sa may gawing palabas ng pintuan ng silid.

Kaagad niya itong kinuha at binasa ang nakasulat dito.

Kaagad niya itong kinuha at binasa ang nakasulat dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
You're Still My  Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon