Chapter 43:

3 0 0
                                    

Xav's POV

Tinatawagan ko si Marianne. Di naman sumasagot kaya napagdesisyonan kong pumunta nalang sa Bahay nila, alam naman ng parents niya ang tungkol sa relasyon namin. Pero ngayon lang pupunta sakanila. Pagkarating ko doon ay agad naman akong inasikaso ng Mama ni Marianne. At masasabi kong mabait naman ito, wala ang Papa niya nasa trabaho sabi ni Tita. Naliligo pala si Marianne kaya di nasasagot ang tawag ko. Hinintay ko itong matapos at yayain ko siyang lumabas. Hindi dahil sa suhol. Para maayos rin namin ang problema namin. Nagulat pa siya ng makita ako sa bahay nila. At kahit di niya sabihin alam kong galit siya sakin. Aminado akong kasalanan ko. Kaya nga babawe ako sakanya. Nag commute lang kami at gusto kong maging masaya ang Araw nato! Una naming pinuntahan ang Mall naglakad-lakad kami duon at tumingin ng mga damit na pang Couple. Holding hands kaming dalawa habang naglalakad. Akala ko talaga ay di nako papansin o kakausapin man lang ni Marianne dahil tahimik siya mula ng pumunta ako sakanila. Nagulat ako ng bigla niya kong halikan sa Pisngi. At ngumiti ng matamis. Napangiti na lamang ako doon dahil ok na kami. Kinulit niya akong pumunta kami sa Playzone ng Mall na ito. At sa di inaasahan nakita ko si Akira. Nung una di ko siya nakilala dahil sa suot niya. Saan ka nakakita ng Boyish na babae na nagsusuot ng Short sa Mall??? Laking gulat ko talaga!!! Mukhang di niya kami napansin ni Marianne, kaya dire-diretso lamang kami ni Marianne papasok sa Loob. Naglaro kami ni Marianne nung Manika na kinukuha sa loob ng machine. At kita kong nag eenjoy naman siya. Hanggang sa mapagod kaming dalawa ay nag aya naman siyang magpahinga sa Food Court. Umupo kaming dalawa doon, nagpaalam sakin si Marianne na pupunta lang siya ng Cr kaya naman naghintay nalang ako sa Inupuan namin. Ng mabaling ang tingin ko sa kabilang table na medyo malayo sa Upuan namin. Nakita ko si Akira na kumakain ng Isang Galloon na Ice cream! Halos wala siyang pakialam kung may nakatingin man sakanya! Nakatingin lang ako sakanya at di niya naman siguro nahahalata iyon dahil di man lang sumagi ang tingin niya sa gawi ko! Nagtaka ako ng may lumapit sakanyang Babae. Na sa tingin ko ay Mama niya magka mukha sila at kita mong Close sila sa isa't isa. Kung titignan ito para lamang silang Magkapatid dahil sa itsura ng Mama ni Akira. Hindi mo halata na may Anak na ito. Maya maya naman ay bumalik na si Marianne at kumain na kami sa isang fastfood chain. Mag aalas otso na ng gabi ng umuwi kami ni Marianne. Hinatid ko siya sa Bahay nila.Nagpaalam kami sa isa't isa at sinabi niyang Nag enjoy siya buong araw! Isang matamis na Ngiti ang isinagot ko sakanya at pagkatapos naman ay umuwi narin ako. Nang makauwi ako ay doon ko lamang naramdaman ang kapaguran! At sa sobrang pagod ko ay natulog na ako!!!

End Of Xav's POV

---

Marianne's POV

Sobrang saya ko ngayong araw dahil kasama ko si Xav! Buong akala ko talaga ay di kami magkakaayos, sobrang tuwa at kilig ang naramdaman ko ng madatnan ko siya sa salas kanina na kausap ni Mama. At mas nagulat ako ng sabihin niyang Magdadate kami. Agad rin akong nagbihis at umalis narin kami. Nag commute lang kami dahil gusto namin eenjoy ang buong araw ng magkasama! Napadpad kami sa isang sikat na Mall. At naglakad-lakad kami habang holding hands kaming dalawa. At pumunta sa mga botique para tumingin ng Couple shirts. Sunod naman ay inaya ko siyang pumunta sa Playzone, nakita ko si Akira na naglalaro doon at nung una ay hindi ko ito nakilala dahil ibang iba si Akira ngayon hindi ko na lamang ito pinagtuunan ng pansin dahil ayokong masira ang maligayang araw namin ni Xav. At sigurado naman akong hindi nakita ni Xav si Akira!!! Pumunta kami ni Xav doon sa may mga teddy bears sa loob ng machine dahil iyon ang gusto kong laro. Nang makaramdam kami ng pagod ay pumunta na kami ni Xav sa Food Court, nagpaalam ako saglit kay Xav na pupunta ako ng Cr at mag aayos saglit. Marami rami ang tao sa Cr kaya naman natagalan ako bago lumabas. Pumunta ako sa table namin ni Xav at kumain na kami sa isang Fasftood Chain. Ilang oras rin ang Date namin kaya inabot na kami ng Gabi. Mag aalas otso na ng gabi ng maisipan namin umuwi. Inihatid ako ni Xav sa bahay. At nagpaalam narin ito na mauuna na siya. Bago siya umalis ay sinabi ko sakanya na nag enjoy ako sa buong araw na magkasama kami! Isang matamis na ngiti ang isinagot saakin ni Xav. At pakalaan ay umalis narin ito! Ngiting tagumpay ako ng makapasok sa loob ng Bahay !!!! Sobrang saya ko at di ko iyong maipagkakaila! Pumasok ako sa kwarto at nagpahinga na. Maya maya'y naramdaman ko ang pagod kaya naman nagdesisyon akong matulog na. Bago ako matulog ay nagtext ako kay Xav. Ilang minuto ang nakalipas ay wala itong response siguro ay pagod ito o kaya naman ay tulog. Natulog ako ng may ngiti sa labi! Mahal na mahal talaga kita Xav! <3 ZzzzZzzzzzZzzzzzZzzzz!!!!!!!!!!!!!

End Of Marianne's POV

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon