Chapter 51:

6 0 0
                                    

Xav's POV

Ilang araw akong naging miserable dahil kay Marianne. Nung Moving Up hindi siya pumunta. At ni isang Hi/Hello wala. Di ko akalain na sa isang iglap. Mawawala ng ganon kadali lahat.

At heto ako' nakatulala at nakatingin sa kisame. Katulad nga ng sinabi ko naging Miserable ang Buhay ko. Umiinom ako gabi-gabi. Nagyoyosi at di ko kinakausap pamilya ko. Bakit? Dahil gusto ko mapag isa. Masasabi kong narerebelde ako, bakit alam ba nila nararanasan ko ngayon?

Alam ba nila ang pakiramdam ng maiwan? Hindi. Kaya wag nila akong husgahan. May dahilan ako!!! Hindi ako basta-basta nalang magkakaganito. Kung sa akala niyo. Mga Babae lang ang nasasaktan pwes Kami rin mga Lalaki.

Hindi niyo alam kung gaano kahirap masaktan. Hindi niyo alam kung gaano kasakit masaktan. Pero sa tingin ko ngayon. The Feeling Is Mutual. Nasasaktan ang mga Babae dahil saamin mga Lalaki. Ngayon nasasaktan kaming mga Lalaki dahil sa Babae.

Hindi ko na alam kung ilang araw/linggo o buwan ang nakalipas. Nang mahimasmasan ang buong pagkatao ko. Parang bangungut ang nangyare saakin. Na kahit gusto ko ng gumising di ko magawa.

Pero ngayon? Napag isip-isip ko na, ang dami rin mga tao sa paligid ko ang nasasaktan dahil sa Kagaguhan na ginagawa ko. Ewan ko ba nagising nalang ako na ang Gago ko pala. Hindi ko naman kailangan maging ganto. And just a Snap. Ayon inayos ko na ang sarili ko. Walang mangyayare sakin kung lagi akong magpapaka miserable. Nung tinawagan ko si Akira yun na ang huling gamit ko ng Cp ko. Kaya naman ngayon lang ako ulit magbubukas nun. Panigurado andaming text/tawag dun. -_-

Pagka open ng Cp ko hindi nga ako nagkamali. Sunod sunod na nag Vibrate ang Cp ko. Hinayaan ko muna ito at inilapag sa Higaan.

Tumayo ako at lumabas ng Kwarto. Gusto kong makausap si Daddy. Simula kasi nung naging miserable ako kahit si Daddy hindi ko kinausap. Ayoko siyang madamay sa problema ko. Nang makapunta ako kay Daddy niyakap niya ako at sabay sabing "Mabuti naman at Ok kana" nagsorry lang ako kay Daddy at bumalik na sa Kwarto.

Pagbalik ko sa Kwarto, hindi na nag vivibrate ang Cp ko' buti naman at tumigil na. Binasa ko ang mga Message dun. Yung iba galing kay Melvin at Johann. Yung iba naman puro Gm lang ng mga kaklase ko. Akala ko may text na galing kay Marianne. Pero wala talaga. Sisikapin kong maka Move On kay Marianne. Kaya ko to'

Days Passed. Medy nagiging Maayos naman na ako. Nakikipag bonding na ako sa Pamilya ko' sa mga kapatid ko. Masaya kaming naglalaro ng mga kapatid ko. Nang makaramdam ng pagod naisipan namin na mag movie marathon nalang kami. Hindi na rin ako nagmalay ng oras 6:00 pm na mahigit. Kaya naman pinapahinga ko na ang mga kapatid ko. At ako naman pumunta na sa kwarto ko. Pagpasok ko Cp ko agad ang hinanap ko. Naalala ko kasi tinawagan ko nga pala si Akira nun. Tapos puro hikbi lang ang narinig ko.

Nagtext ako kay Akira. Akala ko hindi siya magrereply saakin. Naging maayos ang Convo namin ni Akira. Halos araw-araw kaming magkatext. At araw-araw ko rin hawak ang Cp ko. Hanggang sa nagtanungan kami tungkol sa Buhay namin.

At ako naman umandar ang pagka pilyo ko. Kaya naman sinabi ko sakanya na "Ang galing mo nga Sumayaw" naaalala mo pa ba? At ayon trip na trip ko siyang asarin. Kung saan saan napunta ang Usapan namin. Hanggng sa Napaamin ako ng wala sa oras. Sinabi ko sakanya na Crush ko siya. At nagulat ako ng aminin niya saakin na AKO yung matagal na niyang hinahanap. Ibig sabihin totoo nga na matagal na akong Gusto ni Akira? Pagkatapos ng aminan na yon. Lalo kaming naging malapit sa isa't isa.

Masaya ako sa presensiya ni Akira. Pakiramdam ko may Kulang kapag di siya nagtetext o ano. Pero hindi ko alam kung naka move on na ba ako kay Marianne. To be honest simula ng makatext ko si Akira hindi na pumapasok sa Isip ko si Marianne. Masasabi ko ba na Rebound ko si Akira?

Hindi ko rin alam. Namalayan ko nalang isang araw nag kwento ako kay Akira ng problema. Yung tungkol sa Ex's ko. Akala ko hindi siya makikinig. Pero nakinig siya. Naguilty ako sa ginawa ko. Pakiramdam ko niloloko ko si Akira.

Mahal niya ako. Ramdam ko pero ako? Hindi ko alam kung mahal ko na siya. Pero hindi ko kaya ng wala si Akira. Pakiramdam ko may kulang kapag wala si Akira. Masasabi kong M.U kami ni Akira. Parehas namin gusto ang Isa't isa. Pero kung karapatan na ang pag uusapan. Walang-wala kaming karapatan sa isa't isa.

Masaya ako sa presensiya ni Akira. At alam kong masaya rin siya. Hindi ko na papalagpasin pa ang pagkakataon nato' bahala na kung anong mangyare. Basta alam kong mahalaga saakin si Akira. Sapat na yun para masabi ko na Kaya ko siyang mahalin. Mahal niya naman ako, kaya hindi niya hahayaang mawala ako sa buhay niya. Ganon rin ako. Hindi ko na hahayaang may mawala ulit sa buhay ko.

End Of Xav's POV

Kira's POV

*Ring* *Ring* *Ring*

Ano ba yan? Ang aga aga pa naman.Sino ba tong tumatawag nato? Antok na antok kong kinapa ang Cp ko. Nakapikit ako ng Sagutin ko iyon. Di ko na inabala pang tignan kung sino yung Caller. Antok pa ko! Antok pa! Huhu. Istorbo tong caller na to!

Hello? Wala sa sarili kong sagot dun sa Caller.

"Sunget ko? Antok kapa? Aww bangon na. Miss na po kita"! Tugon nung caller ko.

Hmm? Teka? Sunget ko?! Saka bakit kaboses ni Xav?! Nawala ang antok ko ng tignan ko kung sino yung Caller. Patay na! Si Xav nga! Nakakahiya. Nakalimutan ko palang sabihin sainyo na may Call sign na kami ni Xav. "Sunget Ko" or "Ms.Sunget" unique yan. Kaming dalawa nakaisip niyan. Ano ba naman to si Xav kaaga aga mambolabog! -.- antok na antok pa talaga ako.

Anong oras na ko natulog kagabi. Maya-maya ay binaba na ni Xav ang tawag. Buong akala ko makakatulog na ako ulit ng matiwasay ng biglang mag vibrate ang Cp ko. Napatalon pa ako sa gulat. Tinignan ko at si Xav lang naman.

Fr: Mr.Sunget Ko ❤

Sunget ko? Mag almusal kana po. Wag kang magpapalipas. :*

Iloveyou <3

Aww may pahabol pa talaga! Oo na. Kinikilig ako. Nagpa gulong gulong ako sa kama sa sobrang kilig. First time niyang mag Iloveyou sakin eh. Xav naman wag kang ganyan lalo tuloy akong naiinlove sayo. Nireplayan ko muna si Xav bago tumayo sa kama.

To: Mr.Sunget Ko ❤

Opo. Thankyou!

Iloveyou too <3

Kung si Xav may pahabol ako din syempre. Bumangon na ako sa Kama at nag asikaso na. Maganda ang Mode ko ngayon. Hayyyyy wala nga palang "Kami" pero kung mag lambingan daig pa namin ang Lovers. M.U nga lang pala kami!
M.U-Mutual Understanding. Less than Lovers tss. Teka nga bakit ko ba iniisip yun? Basta alam kong masaya si Xav saakin sapat na yun. Hindi ko papansinin ang sasabihin ng Iba.

Dahil wala naman sila sa Sitwasyon na meron ako. Pero sa mga gaya ko? Kapit lang! Wag tayong bibitaw hanggang kaya natin kumapit! Tanga na kung tanga. Nagmamahal lang talaga tayo. Kung di man nila tayo naiintindihan. Wag nalang natin ipilit. Kasi kahit kailan hindi nila maiintindihan ang bagay na ginagawa natin para sa mga taong Mahal natin. Ika nga nila "Love Will Make You STUPID"

End Of Kira's POV

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon