Chapter 66:

3 0 0
                                    

Kira's POV

Naggising ako sa ingay ng alarm clock ko. Agad ko itong kinuha ang pinindot ang switch nito. Nag unat unat muna ako bago kinuha ang cellphone ko. Nag check lang ako kung may mga nagtext sa akin pero wala. Sunod kong tinignan ay ang facebook ko. Nag scroll scroll ako hanggang sa makita ko ang post ni Xav.

Nasa airport siya at may kasama siyang babae na sa tingin ko ay nasa edad 40's na. May naka caption sa itaas ng picture na "Goodbye Philippines, I will surely miss this place." Natulala ako sa nabasa ko.

S-saan siya pupunta? B-babalik pa ba siya? Bakit biglaan naman yata? Tumulo ang luha ko sa nakita at nabasa ko. Hindi ko naman sinabi na umalis siya ng bansa ah? Ang tanging sinabi ko lang ay layuan na niya ako pero hindi ko sinabing iwan niya ang pilipinas. Ganon ba talaga niya ka gusto na lumayo sa akin? To the point na umalis siya ng bansa ng di nagpapaalam sa akin.

Chineck ko ang profile ni Xav pero wala akong ibang nakita doon na post niya kundi yung nasa airport siya. 20 hours ago. Ibig sabihin kagabi pa siya umalis. Asan siya? Saan ba siya pumunta? Doon na ba siya titira? Nag migrate na ba talaga siya doon? Babalik pa ba siya? Ang daming tanong sa isip ko pero ni isang tanong ay di ko alam kung pano ko masasagot.

Sinubukan kong maghanap pa ng ibang post ni Xav baka nasabi niya kung saan siya pumunta pero wala. Desidido na talaga siguro siya na iwan ako. Mas mabuti na rin siguro ito. Para hindi na kami magkasakitan ito lang siguro yung tanging paraan para makalimutan namin ang isa't isa. Kung saan siya masaya ay doon na rin ako. Alam kong may dahilan siya kung bakit siya umalis ng walang paalam.

At siguro ay isa na sa mga dahilan niya ay ang makalayo sa akin. Kasalanan ko rin naman iniwan ko siya ng di ako nagpapaalam ng maayos. Kaya dapat di ako masaktan dahil ito naman yung gusto ko, ang lumayo siya at ang makalimot sa sakit na naidulot niya sa akin.

Bagsak balikat akong pumunta ng cr para maghilamos at mag toothbrush. Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina. Naabutan ko si Mama na nagluluto. Hindi ko alam pero agad kong niyakap si Mama isa lang ang alam ko, nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi umalis siya ng hindi nagpapaalam sa akin. Iniwan niya ako ng puro tanong lang ang nasa isipan ko.

Xav bakit ang selfish mo? Sinaktan mo na nga ako iniwan mo pa ako sa ere. Hindi ko mapigilan ang hindi mapa hagulgol ng iyak kay Mama agad siyang nagtaka at nagtanong kung ano daw ang nangyare. Hikbi lang ang tanging sagot ko kay Mama. Hindi ko matanggap na umalis siya. Hindi ko matanggap sa sarili ko na iniwan na ako ng taong mahal ko.

M-ma? Iniwan na niya ako umalis na siya. A-at hindi ko alam k-kung b-balik p-pa ba siya. Saad ko kay Mama agad na hinagod ni Mama ang likod ko at hinayaan akong umiyak. H-hindi ko m-matanggap na iniwan n-niya ako Ma, m-mahal na m-mahal ko siya Ma. S-sobrang s-sakit na u-umalis s-si Xav. Saad ko kay Mama

Alam ko anak alam ko. Pero wala na tayong maggagawa anak umalis na siya. H-hindi natin alam kung babalik pa ba siya o hindi na. Anak hayaan mo na siya kasi kung ipagpapatuloy niyo yan mas lalo lang kayo magkakasakitan ni Xav. Siguro anak ginawa niya yun para sayo, para sa ikakabuti mo. Saad ni Mama habang yakap yakap ako at hinahayaan akong umiyak.

H-hindi ko alam k-kung paano na ngayon Ma. Basta ang sakit sakit Ma kasi siya lang yung minahal ko ng ganito. H-hindi ko alam na aabot kami sa ganito. H-hindi ko alam na iiwan niya ako. Humihikbing saad ko kay Mama. Hinagod hagod ni mama ang likod ko habang umiiyak. H-hindi ko alam kung paano maiibsan yung s-sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Humiwalay ako kay Mama at agad na bumalik sa kwarto ko. Doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko h-hindi ko a-alam na g-ganito ang mangyayare. Niyakap ko ang unan ko at umiyak ng umiyak. Buong maghapon akong nasa kwarto. Ni hindi ako lumalabas para kumain. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa katotohanan na iniwan niya na talaga ako.

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon