Xav's POV
Badtrip ako! Badtrip!!! Nakahiga ako sa kama ngayon nag iisip. Ng biglang magtext si Marianne. Date daw kami, nga pala malapit narin ang bakasyon. Saka maganda narin to. Maglilibang ako kasama ang Gf ko! Bumangon ako at naligo ulit! Hassle kasi ang Init -_- di naman ako ganon katagal maligo kaya natapos rin ako agad. Naghahanap ako ng Damit ayoko namang mapahiya si Marianne. Malay ko ba kung ito na ang Huling date namin kasi bakasyon na! Kaya susulitin ko na. Habang naghahanap ako ng Damit. Tumunog ang Cp ko nang tignan ko ito si Marianne ang nagtext. Sinabi niya kung saan ko siya pupuntahan ng basahin ko isang High Class na Restaurant ang pupuntahan namin. Pano na? Wala parin akong nahahanap na damit. Baka nandoon na yon! Bahala na. At dali dali kong hinablot yung Tshirt ko na......Binigay saakin ni Daddy. Yung favorite kong tshirt. Hindi ko naman na ito nasusuot kaya wala naman sigurong masama kung isusuot ko ito. Pagkatapos kong makakuha ng damit pantalon naman ang hinanap ko. Nang makita kong wala akong pantalon kahit isa! Nag pedal ako yung hanggang tuhod bagay naman saakin dahil Matangkad ako ^_^ hindi tulad ni Akira na maliit at bansot! Pero cute!!! ;-) Nagsapatos na ako at umalis na ng bahay. Alam ni daddy iyon kaya dumali dali na ko. Ginamit ko na iyong motor ko. Dahil baka matagalan pa ako kung mag aabang ako ng masasakyan. Gulat ba kayo? Marunong ako mag motor! Hindi nga lang halata. Ayokong may ibang makaalam! Baka pagkumalat pagkaguluhan pa ako! Hindi naman sa pagmamayabang ha? Sadyang gwapo lang talaga! Nakarating ako sa Restaurant na sinasabi ni Marianne. At di ko maipagkakaila na ang ganda ng lugar na iyon. Nang makarating ako doon nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na wala pa si Marianne. Naghintay lang ako ng ilang minuto at dumating na rin ang Girlfriend ko! Ang ganda niya sa Dress na suot niya. Siguro ay napaka especial ng araw na ito saamin kaya mas maganda ng sulitin namin ang aming Pagsasama. Ipinaghila ko si Marianne ng upuan bago ako umupo. Isang matamis na ngiti lang ang kanyang ganti. Nagtataka ako kung bakit ang Tahimik niya. Hindi naman siya ganito nagiging tahimik lang siya kapag may problema o may malalim na iniisip. May problema ba? Tanong ko sakanya tila nagulat naman siya sa biglaan kong tanong. H-ha? W-wala. Nauutal nitong sagot. Sigurado ka? Paninigurado ko at tango lang kanyang isinagot. Kaya naman kaysa kulitin ko pa siya. Hinayaan ko na lang dahil baka maudlot pa ang Date naming ito. Sumulyap ako kay Marianne at tila wala ito sa kanyang sarili. Nakatulala ito at hawak ang menu ng Restaurant. Hindi na ako nakatiis kaya naman tinanong ko siya ulit kung may problema ba o ano? Wala naman daw nag iisip lang daw siya ng kakainin niya. Ganon ba yun? Nakakatulala ba ang pag iisip ng kakainin??? Ito ang gusto ko. Turo niya sa isang Seafood na pagkain once in a lifetime lang naman siya kakain ng seafood kaya pinagbigyan ko na. Ayokong magkagulo kami ng dahil lang sa Seafood. Tinawag ko na ang waiter at sinabi ang Order namin. Yun nalang din saakin kapareho ng Order niya. Saad ko sa waiter. Pagkatapos noon ay nagbigay galang ito bago umalis. Tahimik parin si Marianne. Sa totoo lang naninibago ako kay Marianne ngayon. Minabuti ko nalang na tumahimik nalang. Maya maya ay dumating na ang Order namin kaya sinimulan na namin Kumain. Habang kumakain kami biglang nagsalita si Marianne. Xav? Usap tayo sa park mamaya??? O sa seashore? Please? May gusto lang akong sabihin sayo. I love you. Natuwa ako sa sinabi ni Marianne medyo bumalik ang sigla niya at parang masaya siya. Nang matapos kaming kumain nagpaalam itong pupunta siyang Cr. Habang wala siya ay binayaran ko na ang Bill ng kinain namin. Hinintay ko nalang sa labas ng restaurant si Marianne. Nakaupo lang ako sa motor habang naghihintay kay Marianne. Naglaro muna ako sa Cp ko habang wala pa siya. Maya-maya lang ay dumating na rin ito. Kaya naman hinila ko siya at marahang pinaupo sa Motor yung upo na hindi makikita ang kaluluwa niya dahil nga sa nakadress siya. Dala mo to? Tila gulat na tanong niya. Oo nagulat ka? Natatawang sagot ko sakanya. Ngumiti lamang ito at nag aya ng pumunta sa tabing dagat. Ito ang pinaka magandang date namin ni Marianne. Hindi sa pagiging pormal, simple pero ramdam mo ang pagmamahal. Pinaandar ko na ang motor at nagdrive ng may masayang ngiti sa labi.
End Of Xav's POV
Marianne's POV
Natatakot ako kung paano ko sasabihin kay Xav ang tungkol sa pag alis ko. Hindi naman sa hindi ako babalik. Baka kasi mabigla siya. Kahit ako nabigla rin ng malaman ko na magbabakasyon ako. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Eto na hindi ko na maatrasan pa. Nagpahuli ako ng ilang minuto bago pumunta sa Restaurant na pupuntahan ko. Huminga ako ng malalim ng makita ko si Xav na nasa loob na at tila hinihintay ako. Nakatalikod ito kaya hindi niya ako makikita agad. Pumasok ako at ngumiti sakanya. Ipinaghila naman niya ako ng upuan bago siya umupo. Ilang sandali pa para akong pipi na ewan. Alam kong nagtataka si Xav kung bakit ang tahimik ko ngayon. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakatulala sa kawalan at hawak ang menu ng Restaurant na ito. Tinanong ako ni Xav kung may problema ako. Nagulat ako kaya naman nagka utal utal ako sa pagsagot. H-ha? W-wala sagot ko kay Xav. Sigurado ka? Pangungulit niya. Tango lang ang naisagot ko sakanya. Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung paano ko sisimula o sasabihin sakanya lahat. Kaya naman para di na siya magtaka pa. Itinuro ko ang isang Seafood sa menu. At iyon nalang din ang order ni Xav. Maya maya lang ay dumating na ang Order namin. Kumain na kami. Sa kalagitnaan ng pagkakain namin. Nilaksan ko ang loob ko na sabihin ito kay Xav. Xav??? Usap tayo sa park mamaya? O sa seashore please? May gusto lang akong sabihin sayo. I love you. Tugon ko kay Xav di nagtagal ay natapos rin kaming kumain. Nagpaalam ako sakanya na pupunta akong Cr. Pagkarating ko doon ay huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili ko sa pwedeng maging reaksyon ni Xav. Medyo natagalan pa ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Bahala na. Ito lang ang nasambit ko at lumabas na ng Cr. Nakita ko si Xav sa labas ng Restaurant at nakaupo sa Motor? Kanino naman kaya yun? Paglabas ko ay naabutan ko siyang naglalaro sa kanya Cp. Tinanong ko siya kung kaninong motor iyon? Nagulat pa ako ng sabihin niyang sakanya yun. Di ko na inaksaya ang oras at inaya na siyang pumunta sa tabing dagat. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Bahala na kung anong mangyare. Mahal ko siya at sana maintindihan niya ako...........................
End Of Marianne's POV
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove With The Playboy
Romantik"Forgive...Yes" "Forget...NEVER!!! Isang Akira Mae Villazuz babaeng nainlove sa Taong di siya kayang Mahalin, at Taong may Mahal namang Iba, at naniniwala sa Word na M.U ******** -M.U bukod sa Mutual Understanding may iba pa pala itong ibig sabihi...