Chapter 65:

3 0 0
                                    

Xav's POV

Iniwan ako ni Akira sa Cafe De Supremo. Sinubukan ko siyang tawagan kasi nag aalala ako sakanya. Naka ilang missed calls ako pero hindi talaga niya sinasagot yung mga tawag ko. Sana safe siyang nakauwi umalis na ako sa Cafe De Supremo at umuwi na. Pagkarating ko sa bahay nadatnan ko si Tita at Daddy na nag aaway.

Si Tita Anne ay step mom ko pangalawang asawa siya ni Daddy. Yung biological mom ko ay nasa States. Nang makita ako ni Dad at Tita Anne ay tumigil sila sa pag aaway nila. Lalagpasan ko lang sana sila dahil pupunta na ako sa kwarto ko para magpahinga pero hinarang ako ni Dad.

Xav? Halika dito may pag uusapan tayo. Saad ni Dad sa akin. Napabuntong hininga nalang ako gusto ko na magpahinga eh. Pagod na pagod ako. Pagod ako sa mga nangyare sa araw na to.

Dad? Di po ba pwede na ipagpa bukas nalang yan sasabihin mo? Dad pagod po ako gusto ko na magpahinga. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng magsalita si Dad.

About to sa biological mom mo. Xav dumating dito sa pinas ang mommy mo at nakipag kita siya sa amin ng Tita Anne mo kanina. At gusto ka niya isama sa States sa New York doon ka na muna anak for good. Saad ni Dad sa akin.

For good? Ilang taon ako doon Dad? Saka pano kayo ni Tita Anne dito? Dad sa tingin ko hindi ko kayang iwan kayo dito ni Tita. Siguro maiintindihan naman po ni Mom yun diba? Saad ko kay Dad.

Xav anak pag isipan mong mabuti kasi para sayo rin naman yun. Sa ilang taon anak na hiwalay kami ng Mommy mo ngayon lang kami nagkaroon ng matinong pag uusap. Ayaw pumayag ng Tita Anne mo yun ang dahilan ng pagtatalo namin kanina.

Kasi ayaw ka niyang umalis. Pero anak para sayo rin ito. Kinabukasan mo lang iniisip ko. Kapag nasa New York kana maggagawa mo lahat ng gusto mo anak. Kung gusto mo mag aral pwedeng pwede kung gusto mo magtrabaho doon sige lang.

Xav oppurtunity na yun. Saka minsan nalang humingi ng pabor ang Mommy mo sa amin ng Tita Anne mo. Kaya pag isipan mong mabuti Xav. Para sayo rin to kaya namin to ginagawa.  Para sa ikakabuti mo. Marami ka pang oras para pag isipan yun. Hindi ka namin mamadaliin ng Mommy mo. Sana pag isipan mong mabuti ang offer ng Mommy mo sayo.

Pagkatapos ni Dad sabihin yun ay umalis na siya. Agad akong pumasok sa kwarto ko hindi na nawala sa isip ko yung sinabi ni Dad. Siguro yun din ang mas magandang gawin para makalimutan ko si Akira.

Nagbihis lang ako at humiga na sa kama ko. Tinignan ko ang cellphone ko nagbaka sakali ako na may text or call na mula kay Akira pero wala. Ano pa nga ba aasahan ko? Sa sobrang galit nung tao sakin halos alisin na niya ako sa buhay niya. 

Kung sumama nalang kaya ako kay Mommy sa New York? Maraming pwede mangyare habang nandoon ako. Siguro ito yung mas magandang gawin para maibsan ko yung sakit na pinaramdam ko kay Akira.

Deserve ko rin naman masaktan eh. Wala pa nga tong sakit na nararamdaman ko ngayon kumpara sa sakit na naidulot ko kay Akira.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Dad at Tita Anne. Nadatnan ko si Tita Anne na umiiyak. Napabuntong hininga nalang ako. Nakapag desisyon na ako. Sasama ako kay Mommy sa New York yun yung magandang gawin.

Tita Anne? Nakapag desisyon napo ako. Sasama po ako sa New York alam ko po na yun po yung mas magandang gawin para maitama ko po lahat ng pagkakamali na naggawa ko. Asan po pala si Dad? Kailangan ko po siya makausap about dito. Saad ko kay Tita Anne.

Hindi ko alam. Saad ni Tita Anne sa akin. Pati relasyon nila ni Dad naapektuhan. Siguro nga tama na yung naging desisyon ko na umalis nalang dito sa pinas. Para kay Akira at para na rin sa akin. Para to sa ikakabuti namin dalawa.

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon