Chapter 52:

3 0 0
                                    

Xav's POV

Tol' walang "kayo" kaya di bigdeal kung di siya magparamdam sayo. Saad ni Melvin saakin. Nalaman na nila ni Johann yung tungkol saamin ni Akira. Nung una against si Melvin, hindi lang dahil sa gusto niya si Akira. Kundi gagawin ko lang daw panakip butas si Akira. Psh! Wala silang alam! Lagi akong binabara ni Melvin simula nang malaman niyang M.U na kami ng babaeng gusto niya.

Andito kami ngayon sa bahay nila Johann. Nag iinuman kami. Habang umiinom sila Johann at Melvin tahimik lang akong nakaupo sa kama at nakatingin sa Cp ko. Hindi pa kasi nagtetext si Akira. Tss. Nag aalala ako! Pero ito si Melvin kung ipamukha saakin ni walang "kami" ni Akira parang di ko siya kaibigan. Oo, naiintindihan ko na gusto niya si Akira.

Ang tanong gusto rin ba siya? Tsk. Kahit kaibigan ko siya di ko maiwasang di mainis sakanya. Akala ko kasi naiintindihan niya ako. Tapos hindi naman pala. Tss. Naiinis na binaba ko ang Cp ko. Tol' shot naman wag puro Cp intindihin mo lalasingin mo ata kami ni Melvin eh Haha!!! Saad ni Johann.

Kinuha ko yung alak at yung baso naglagay ako ng alak doon sa maliit na baso at ininom ito. Ibubuhos ko nalang sa alak to! Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nagturuan pa kami nila Melvin at Johann kung sino ang magbubukas ng pintuan! At sa huli ako ang nakaisip na magbukas noon. Dahil patagal ng patagal ay lumalakas ang katok doon at halata mong naiirita na ang tao sa labas. Tss istorbo to kung sino man to.

Agad kong binuksan ang pinto at laking gulat ko ng may biglang yumakap saakin at dinambahan ako kaya naman natumba kami sa sahig. Gulat na gulat naman sila Johann at Melvin sa nakita nila. Psh Catthy naman! Ang bigat mo tumayo ka naman! Bulyaw ko kay Catthy. Si Catthy ang girl bestfriend naming Tatlo nila Melvin at Johann. Nagkakilala kami ni Catthy sa Bar lasinggera kasi kaya ayan kami nila Johann ang tumulong hanggang sa naging close siya samin.

Pero ni isa saamin tatlo wala siyang gusto. Kaibigan lang talaga kami nila Catthy. Minsan na rin napagseselosan yan si Catthy ng mga naging Ex's nila Melvin at Johann.

Pano close na close eh. Agad naman tumayo si Catthy at tumakbo papunta kila Melvin hindi man lang ako tinulungan tumayo. Babaeng to talaga. Lalo akong nainis kay Catthy ng bigla niyang agawin yung alak na iinumin dapat ni Johann at walang pasabi na tinungga iyon. Kababaing tao ang lakas uminom. Ganyan si Catthy kapag may problema siya.

Saamin siya lumalapit at naglalabas ng sama ng loob. Maya-maya lang ay nalasing na si Catthy at nagsimula ng maglabas ng sama ng loob. Nasa katinuan pa naman kami nila Johann at Melvin kaya naman nakinig nalang kami kay Catthy.

"Mahal ko siya! Mahal na mahal ko!!! Kaso g*go haha! Nyeta! Ipinagpalit ako sa Laspag na babaeng yun! Hahaha di man lang nakuntento saakin! Akala mo kung sinong Inosente! Hahahaha manloloko bwiset. Hilig manggamit p*ta. Hindi ako Laruan! Tang*na mo! Hahahahaha" saad ni Catthy. Napailing nalang kami nila Johann.

Galing si Catthy sa ibang bansa. Sinundan niya yung Ex's niya na mahal na mahal niya tapos ayon siguro nakita niya na may kasamang iba. Ayan umuwi ng wala sa oras.

Hinayaan nalang namin matulog si Catthy sa kwarto ko. At lumabas na kaming tatlo nila Johann at Melvin. Hindi na kami nakainom dahil tinungga na lahat ni Catthy. Kaya naman bagsak agad si Catthy. Tol' tawag saakin ni Melvin. Oh?' Saad ko.

"Payo lang, kung nasaktan ka ni Marianne nuon. Wag mo kay Akira ibaling yung sakit na nararamdaman mo." Tao si Akira. Hindi laruan at mas lalong di panakip butas. Isa lang masasabi ko. Pag sinaktan mo siya hinding-hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo" usapang lalake lang Xav. Saad ni Melvin.

Nagkibit balikat lang si Johann dahil ayaw niyang makialam saamin ni Melvin. Sino ba nagsabing sasaktan ko lang si Akira? Tss. Una na kami Tol' paalam ni Johann.

Bumalik na ako sa kwarto para silipin si Catthy nagulat ako ng makita siyang nakaupo sa Kama at hawak ang Cp ko. Tignan mo tong babaeng to. Lasing pero nagagawa pang mangialam ng Cp. Tinignan niya ako ng masama ng makita niya yung Convo namin ni Akira.

"Bago mo nanaman Chicks?" Kahit kailan g*go talaga kayong mga Lalake. Xav babae ako wag mong gawin sa batang babae na yan ang nangyare saakin. Hindi madaling masaktan at alam kong alam mo yan. Kaya naman kung Trip mo lang yan. Mabuti pang itigil mo na habang maaga pa. Hindi yan yung Ex mo. Wag kang magpaka G*go Xav.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humiga na siya at nag selfie sa Cp ko. Minsan iniisip ko may pagka baliw din to si Catthy. Lasing pero nagseselfie tapos lasing pero nakakapag advice pa ng matino. Hinila niya ako at sinabi na Selfie raw kami.

Gusto ko man siyang tanggihan ay di ko na nagawa. Makulit to pag lasing. Lalo na kapag di nasusunod gusto niya. Upload mo ha? Para makita nung G*go kong Ex' hahaha. Psh. Matapos siya magsawa sa Cp ko ay inilapag na niya iyon at natulog na siya ulit. Hindi bigdeal kay Daddy kung may babae ako sa kwarto. May tiwala naman daw siya saakin. Na hindi ako gagawa ng anumang kalokohan.

Hinayaan ko nang matulog si Catthy sa kwarto at lumabas na. Muli kong tinignan ang Cp ko at nag bakasali na nagtext/tawag na si Akira. Pero ni Isa wala.

Ano kaya nangyare doon? Sinubukan kong tawagan si Akira. Pero ring lang ng ring ang Cp niya. Napagdesisyonan ko na iupload na ang mga pic namin ni Catthy.

Nang maupload ko na ay pumanhik na ako sa Sala at nag movie marathon nalang. Ayokong pumunta sa kwarto baka magwala si Catthy. Saakin pa mabaling.

Nalibang ako sa pag movie marathon kaya di ko namalayan ang oras. Lumabas ng kwarto si Catthy at nagpaalam na. Nahimasmasan na raw siya kaya uuwi na siya. Nagpasalamat siya bago umalis hindi na siya nagpahatid dahil ayaw niya raw makaistorbo.

Around 7:00 na ng muli kong icheck ang Cp ko. At sa di inaasahan may text mula kay Akira.

Fr: Ms. Sunget Ko💕

Nice Pic ah? Enjoy na enjoy kaba? Take your time sainyo ni Catthy mo! Nagkasakit lang ako naghanap kana agad ng Iba. Kbye.

Nataranta ako sa Nabasa ko kaya naman sinubukan ko siyang tawagan pero naka off na ang Cp niya. Namiss understood niya yung pic namin ni Catthy. Pano ba to? Ang tanga lang. Wala pa ngang "Kami" ganito na ang nangyayare.

Paano pa kaya pag "Kami" na? Knowing Catthy? Pag trip niyan ang Babae ko. Di niya talaga tatantanan. At ayokong mangyare kay Akira yun. Nag isip ako ng magandang paraan para magsorry kay Akira.

May naisip na ako kaya naman agad ko itong isinulat sa Message ko at nasa kalahatian na ako ng biglang mamatay ang Cp ko. Shet. Lowbat? Bakit ngayon pa?! Bahala na!!!!! Lagot na.

End Of Xav's POV

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon