Kira's POV
Naggising ako dahil sa pananakit ng dibdib ko at nakita ko si Melvin na natutulog sa tabi ng kama ko. Bahagya akong nagulat, kahit pala binasted ko siya inaalagaan niya pa rin ako.
Namimilipit na ako sa sobrang sakit ng Dibdib ko. Nagulat ako ng makita ko si Xav at lumapit ito saakin.
A-anong g-ginagawa m-mo d-dito? Utal utal kong tanong kay Xav at nakakapit pa rin ako sa dibdib ko sa bandang puso ko. Wala akong nakuhang sagot kay Xav. Dali dali niya akong binigyan ng tubig.
Kaya naman ininom ko iyon agad. Nang maramdaman kong medyo nawawala na ang kirot ng puso ko ay nagsalita na ako.
Magkasama ba kayo ni Melvin pumunta dito? Tanong ko kay Xav.
"Hindi"nauna siyang pumunta dito saad ni Xav.
P-pano mo nalaman? Tanong ko ulit kay Xav
"Hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga ay magpagaling ka, dahil may mahalaga kang dapat malaman" malungkot na saad ni Xav.Anong meron? Bakit ganun siya magsalita? Naninibago ako kay Xav ha?
Good or bad? Pang aasar ko kay Xav.
M-malalaman mo nalang. Basta ba magpagaling ka. Saad ni Xav
Tumango tango ako. Pero di ko maiwasang di mag tanong ulit kaya naman "Bakit di mo na sabihin ngayon?" Bakit kailangan mo pang patagalin?
Kasi nga Batuta' kailangan. Para na rin sa ikakabuti ng lagay mo. Saad ni Melvin
Natahimik naman ako sa sinabi ni Melvin. May kung ano siyang itinanong kay Xav ngunit di ko na narinig dahil muling kumirot ang Puso ko. Natahimik kaming tatlo ng ilang minuto, at maya maya'y di ko na napigilan ang di sumigaw dahil sa sobrang pagkirot ng puso ko.
Halos mamilipit na ako sa sobrang sakit ng Puso ko' dali daling lumabas si Melvin para tumawag ng Nurse habang si Xav naman ay pinapakalma ako. Ayokong makita ako ni Xav sa ganitong sitwasyon, ayokong maawa siya sakin! Hindi ko na kaya pang magsalita dahil sa pag iinda ko sa kirot ng puso ko'. Biglang pumasok yung Nurse na tinawag ni Melvin at chineck ako. At may kung anong itinurok saakin dahilan para mawalan ako ng malay. "Gusto ko ng magpahinga" saad ko sa isip ko. Di ko na kaya!
*Blackout*
End Of Kira's POV
Joanne' s POV (Akira's Mother)
Hirap na hirap na ako sa nakikita ko. Kita ko kung gaano ang paghihirap ng Anak ko! Habang kausap ko ang Doctor may lalakeng pumasok sa kwarto ni Akira. Siguro'y kaibigan ni Akira iyon. Samantalang ako ay nandito sa labas at kinakausap si Doc tungkol sa sitwasyon ng Anak ko.
Malala na ho' ang sakit ng Anak niyo, at kailangan na siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Kung patatagalin pa natin ay baka hindi na niya kayanin. Base sa mga test na ginawa ko sakanya, kakayanin niya ang Operation. Malakas ang katawan niya at kahit papano'y kaya niyang labanan ang Operation na gagawin sakanya. Sadd ni Doc saakin
Wala na akong ibang magagawa kundi ang paoperahan ang Anak ko. Alam kong kakayanin niya. Malakas si Akira, hindi siya susuko sa ganitong sitwasyon. Sa ngayon ang kailangan kong gawin ay ang magpakatatag para sa Anak ko.
Magpapaset na ako ng Schedule kung kailan ooperahan ang Anak niyo. Kung p-pwede ay Bukas na. Mas maganda na rin habang maaga pa. Pero nasa saiyo pa rin ang desisyon kung papayag kang mapaaga ang Operation ng Anak mo' muling saad saakin ni Doc.
Kung iyon po ang makakabuti sa Anak ko, gagawin ko. Please Doc gawin niyo lahat para sa Anak ko. Salamat.
Umalis na si Doc pagkatapos namin mag usap. Pinuntahan ko saglit si Akira, dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi nila ako makita.
Nakita kong natutulog si Melvin sa tabi ng higaan ni Akira samantalang yung isang Lalake ay nakatingin lang kila Akira. Gusto ko sanang pumasok sa loob pero minabuti kong wag na lang. Kailangan ko pang asikasohin ang Operation ng Anak ko bukas.
Alam kong nasa mabuting kamay si Akira kaya walang mangyayareng masama sakanya. Sa ngayon ipagkakatiwala ko nalang muna si Akira kila Melvin. May tiwala naman ako sakanila. At sana wag nilang Sirain.
Umuwi ako sa bahay para kumuha ng gamit ni Akira at saka gamit ko rin. Paniguradong magtatagal kami sa Hospital. Ang mahalaga gumaling ang Anak ko.
End Of Joanne's POV
A/N: Pasensiya sa Mabagal at Maikli na UD sana intindihin niyo ako' vote and comments please? I badly need it. Kamsa :*
-Mj 💕
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove With The Playboy
Romance"Forgive...Yes" "Forget...NEVER!!! Isang Akira Mae Villazuz babaeng nainlove sa Taong di siya kayang Mahalin, at Taong may Mahal namang Iba, at naniniwala sa Word na M.U ******** -M.U bukod sa Mutual Understanding may iba pa pala itong ibig sabihi...