Chapter 53:

4 0 2
                                    

Kira's POV

Ano ba naman to? Bakit ngayon pa ako nagkasakit? Nilalagnat ako kaya naman nakahiga lang ako sa kama para magpahinga. Ilang araw na rin akong di nagpaparamdam kay Xav dahil nga may sakit ako. Pero ngayon pinilit kong makatayo. Panigurado nag aalala na yun.

Dahan dahan ako tumayo nung una nakaramdam ako ng pagkahilo. Hinintay ko munang mawala yung pagka hilo ko saka ako tumayo. Nanghihina pa rin ang tuhod ko. Pero kailangan ko makuha ang Cp ko. Ipapaalam ko kay Xav na may sakit ako kaya di ko siya maitext man lang.

Nang makuha ko na ang Cp ko ay umupo nalang muna ako sa Kama. Binuksan ko ang Cp ko at laking gulat ko ng makitang andami ng text ni Xav at missed calls. Napangiti nalang ako ng makita ko ang mga iyon. Binuksan ko ang Fb ko at tinignan kung ano ng balita -_- di na rin ako nakaka Online. Scroll lang ako ng scroll ng may makita akong pic! Hindi lang basta Picture.

Picture ito ni Xav at may kasama siyang Babae! Hindi lang ako nagparamdam ng ilang Araw naghanap na siya agad ng iba? Pero ano bang karapatan ko?

Wala! Kahit 1% wala akong karapatan. M.U lang kami. Walang Label nagkakaintindihan lang yung Feelings namin. Pero walang "KAMI" tinignan ko yung Picture ni Xav at nung girl. Ansaya nilang tignan dun sa Pic.

Psh. Catthy ang pangalan nung Girl -_- masyadong maCatthy eh!!! Hinanap ko yung Cp ko. At tinext si Xav.

To: Mr.Sunget Ko ❤

Nice Pic ah? Enjoy na enjoy kaba? Take your time sainyo ni Catthy mo! Nagkasakit lang ako naghanap kana agad ng Iba. Kbye.

Pagkatapos kong isend kay Xav ay inioff ko na ang Cp ko. Masisisi niyo ba ako? Mahal ko lang talaga si Xav. Nagseselos ako. Hindi ko na itatanggi pa. Pero yung Selos na yun. Wala lang yun dahil wala kaming Label. Kahit saang anggulo tignan wala akong Karapatan sakanya.

Nang ioff ko ang Cp ko ay humiga nalang ako ulit dahil nga sumama nanaman ang pakiramdam ko. Kailan ba ako gagaling?! Nakaramdam nanaman ako ng Hilo. Nakatitig lang ako sa Kisame at nag isip.

Nabasa na kaya ni Xav? Ano kayang reaksyon nun? Baka wala lang sakanya. Ang daming Negative signs sa Isip ko. Pero dapat di ko inisip na may ginagawa siyang Mali. Nagpadala kasi ako sa Selos! Ano ba naman yan Akira! Ang tanga mo nanaman!!! Hindi ka nag iisip.

Gusto ko ng sabunutan sarili ko! Naiinis ako!!!! Ang tanga lang. Napaka! Maya maya lang ay nagkatulog na ulit ako.

End Of Kira's POV

Xav's POV

Ang tagal naman mapuno ng Cp ko! Bakit ngayon pa kasi! Nakisabay pa! Kailangan ko itext o tawagan si Akira. May sakit pala siya! Sh*t bakit di ko man lang nga naisip na baka may sakit siya! Ang tanga lang! Dapat kasi nag isip muna ako. Pano na to?

Tinignan ko yung Cellphone ko at meron naman na itong 20% pwede nato. Sinubukan kong tawagan si Akira pero Unattended parin. Tinext ko na rin pero wala.

Kaya naman pala di siya nakakatext o tawag man lang kasi may sakit siya! Ang g*go ko lang. Di ko man lang inisip na uso ang magkasakit. Tinignan ko si Catthy sa kwarto wala bagsak parin si Catthy.

Ganyan ba talaga pag Broken Hearted? Bakit ako? Hindi naman ako naging ganyan ah? ^_^ kay Akira kaya? Magiging ganyan kaya ako? Ano ba tong iniisip ko.

Umiling iling ako sa mga naiisip ko. Imposible naman na saktan ako ni Akira. Mahal ako nun. Di niya yun gagawin, tama nga si Catthy iba si Akira kay Marianne. Ibang iba! Kaya kung ano man ang nagawa ni Marianne saakin. Malabong malabo na gawin rin ni Akira yun.

Biglang may pumasok sa isip ko na tanong. Ano nga ba si Akira para saakin? Hindi ko alam kung Mahal ko siya o ano. Pero masaya ako kapag andyan si Akira. At nasasaktan rin ako kapag naalala ko si Marianne. Panakip butas ko nga lang ba si Akira? Gulong gulo nako! Hindi ko na alam! Pero alam ko sa sarili ko na Mahal ko parin si Marianne.

Pero di ko kaya kapag nawala saakin si Akira. Siguro nga talaga nadala lang ako ng emosyon. Tinake advantage ko si Akira kasi alam kong Mahal niya ako. Kaya gagawin niya lahat para saakin.

At ako naman tong selfish, di inisip si Akira. Kahit saang anggulo tignan mali ako! Mahal ko pa si Marianne tapos pinapasok ko na sa Buhay ko si Akira.

Tama nga si Melvin. Ginagawa ko lang panakip butas si Akira. Pano na to? Anong gulo ba pinasok ko?! Sana pala inisip ko muna lahat! Bago ko pinasok tong sitwasyon na to.

Akira sorry!!! Ngayon palang humihingi na ako ng tawad sayo. Patawarin mo ako! Sorry kung masasaktan ka dahil sakin! Di ko na alam kung ilang beses na kitang nasaktan! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang laki kong G*go!!! Sobrang bait ni Akira para saktan ko lang! Nagmamahal lang si Akira pero bakit ganto ang isusukli ko sa pagmamahal niya!!! Hindi ko alam kung pano ko kakausapin si Akira.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin sakanya lahat!!! Ayokong saktan si Akira. Pero sa ginagawa ko nasasaktan ko na siya ng di niya alam.

Mas lalo akong naguilty ng may sunod sunod na Text ang dumating sa Cellphone ko. At halos lahat galing kay Akira.

Fr: Ms.Sunget Ko 💕

Xav? Sorry! Sana pala di ganon inakto ko. Nadala lang po ako ng selos sorry na. Sana di ka galit.

Lalo akong napaiyak sa message ni Akira.
Hindi niya alam ako dapat ang humingi ng tawad sakanya! Hindi niya alam ako yung may kasalanan sakanya!

End Of Xav's POV

A/N: Hello Guyz' 😁 sad to say pero malapit na rin matapos ang Story nato' sana suportahan niyo parin ako hanggang huli. 😂💯✔ Sabi nga nila Kapit lang wag bibitaw. As a Author gusto kong maramdaman na appreciated niyo tong Story na to kahit minsan lang ako mag UD. Sobrang thankyou sa mga sumusuporta at salamat rin sa mga naghihintay ng UD ko.Sa mga kakilala ko na nagbabasa nito. Gusto ko lang sabihin sainyo na Kayo ang Inspiration ko sa pagsulat nito. Pati na rin ang mga Readers na matiyagang naghihintay sa Matagal kung UD. Gusto ko lang pong ipaalam na lalagyan ko ng Twist ang Story. Para naman po hindi masyadong Detailed yung True To Life na story ko. And again salamat talaga Guyz. Kapit lang hanggang Huli at syempre wag kakalimutan mag Vote and Comments Kamsa 😘❤
-Mj💕

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon