Chapter 70:

7 0 0
                                    

Kira's POV

Ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap mo Xav. Pero hindi na pwedeng bumalik sa dati hindi ko na pwedeng isugal yung pagmamahal ko lalo na kung walang kasiguraduhan na mananalo ako. Ilang beses na akong nasaktan, umiyak, nanghina at nawalan ng pag asa. Ayoko ng bumalik sa panahon na yun kasi ito na ako eh nakabangon na ako hindi ko hahayaan na madapa ulit at mahirapan bumangon ulit. Hindi na ako magpapaapekto sa mga pinapakita mo saakin Xav. Oo nga't mahal kita pero hindi na sapat yung pagmamahal na yun para maging tanga ulit gaya ng pagiging tanga ko noon sa sobrang pagmamahal ko sayo. Natuto na ako Xav hindi lahat ng bagay pwede natin ulitin hindi lahat ng bagay pwede isugal dahil lahat ng bagay walang kasiguraduhan sa mundong to.

Yakap yakap ako ni Xav pero di ko magawang yakapin siya pabalik. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko epekto rin siguro ng sobrang pagod physical and emotionally tired. Yung luha ko na kanina umaapaw ngayon ay unti unti ng natutuyo. Hindi ko rin magawang magsalita walang lumalabas na salita mula sa labi ko wala rin akong maramdaman sa panahon na to. Hindi ko maramdaman yung saya o kilig dahil sa yakap ako ng taong mahal ko. Siguro ito na yung tamang panahon para tuldukan na lahat ng katangahan ko sakanya. Mahal na mahal kita Xav pero hindi ko na kaya lumaban para sa pagmamahal na yun alam kong madami ng hahadlang at mas lalo akong masasaktan. Hindi ko magawang maniwala sa mga salitang binibitawan mo nakakatakot maniwala ulit at natatakot akong magtiwala sayo ulit. Ramdam ko yung mga luha ni Xav at nasasaktan ako kasi nasasaktan ang taong mahal ko.  Pero gaya ng sinabi ko hindi na tama na bumalik kami sa dati at magsimula muli. Hindi na namin kailangan ipilit pa yung bagay na hindi na pwede mangyare ulit. Sinubukan kong kumalas sa mga yakap ni Xav. Sa puntong to' sa oras na kumalas ako mula sa mga yakap mo Xav, kasabay nito ang desisyon ko na kumalas na rin sa pagmamahal ko sayo. Akala ko ay hihilahin niya ako at muling yayakapin pero ng kumalas ako mas lalo siyang umiyak at hindi na ako pinilit na yakapin ulit. Nanghihina siyang tumingin saakin at sobrang lungkot ng mga mata niya.

Xav? Maybe this is the right time to end this stupidity. Yes, I do love you pero yung pagmamahal na yun hindi ko na kaya ipaglaban ulit gaya ng ginawa ko noon. Kasi Xav sobra akong nahirapan bumangon noong panahon na hinayaan mo kong mahulog hindi ganon kadali magsimula muli Xav. Hindi mo alam kung gaano kasakit yung pinaramdam mo saakin tapos ngayon babalik ka at sasabihin mo na magsimula tayo ulit? Xav ang katangahan hindi inuulit na parang sirang plaka. Sa katangahan na ginawa ko natututo ako at hindi na ako babalik sa sitwasyon na yun. Yung sitwasyon na pinaranas mo saakin ang sitwasyon na hindi ko na gugustuhin maranasan ulit. Tama na Xav, wag mo na pahirapan yung sarili mo kasi ako? Aalis na ako at babalik ng pinas hindi ko ginusto na makita kita dito at makasama ka. Gusto ko ng makalimot Xav yun lang. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana pilit tayong pinagkita, isa lang ang ibig sabihin nun Xav kailangan na natin tuldukan lahat ng to. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko at hinayaan mo kong masaktan at matututo. Gusto kong bumangon Xav ng mag isa ayoko ng madisappoint ulit saakin yung mga taong nasa paligid ko dahil sa pagpapatanga ko sayo. Sobrang daming nagbago Xav. This is the last time Xav I want to say goodbye, and I want to start a new chapter to my life Xav. Isasara ko na yung libro at kwento ng buhay ko kasama ka kasi alam kong ito na yung ending natin dalawa. Mag iingat ka palagi Xav at alam kong sa tamang panahon mahahanap at makikita mo rin yung taong para sayo talaga. At sana wag mo ng saktan yung taong yun ha ingatan at mahalin mo siya hanggang sa kaya mo Xav.

Pagkatapos kong sabihin kay Xav lahat ay umalis na ako. Laking pasalamat ko na hindi na niya ako pinigilan buo na ang desisyon ko at ito yung tama at dapat kong gawin. Agad akong nagpara ng taxi at agad na sumakay uuwi na ako dahil wala naman akong ibang dapat pang puntahan. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang skype hindi online si Mama at si Melvin. Pero chinat ko si Melvin sa messenger hihintayin ko siyang mag online. Sinubukan kong kumuha ng litrato dahil sa ganda ng New York mamimiss ko ang bansa na to kapag bumalik na ako ng pinas. Tanging alaala lang ang madadala ko pagbalik ng pinas alaala at karanasan maganda man o pangit ang naranasan ko atleast alam kong may madadala akong isang alaala sa sarili ko na hinding hindi ko makakalimutan at palagi kong ipagpapasalamat sa Diyos. Tumawag bigla si Tita Laila at tinanong ako kung asan na daw ako agad ko naman sinabi na pauwi na ako. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa "pagbabago" ko. Ako ba talaga to? Parang hindi eh. Hay nako ang dami ko nanaman iniisip. Ilang minuto lang ay nakauwi na rin ako sa bahay ni Tita Laila nagmano at nagbeso lang ako kay Tita Laila bago umakyat sa kwarto ko. Gusto ko munang matulog dahil ramdam ko yung pagod sa araw na to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon