Chapter 63:

10 0 0
                                    

Xav's POV

Nakatulala lang ako nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mas masasaktan ko ba si Akira kapag nalaman niyang mahal ko na siya?

Masasaktan ko ba siya kapag sinabi ko sakanya lahat ng nararamdaman ko? Oo, sobrang gago ko. Para saktan siya. Pero wala eh. Nasaktan ko na siya. Hindi ko na maibabalik yung kagaguhang nagawa ko sakanya.

Pumunta muna ako sa Cafeteria at naghanap ng makakain. Nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Melvin.

Melvin may sasabihin ako sayo nag-- pinutol ni Melvin ang sasabihin ko. At bago ko pa maituloy ang dapat kong sasabihin ay sumeryoso ang mukha ni Melvin at nagulat ako sa sinabi niya.

Xav. "Bumalik na ang ala-ala niya" saad ni Melvin.

H-ha? Tanging sagot ko sakanya. Kahit hindi niya sabihin kung sino iyong tinutukoy niya alam ko kung sino iyon. Bumalik na ang ala-ala ng babaeng mahal ko.

Napabaling ang atensyon ko kay Melvin.
Saan niya kaya nalalaman ang tungkol kay Akira? Hindi ko na napigilan magtanong kay Melvin.

Melvin? Tol? S-saan mo nalalaman ang mga ito? Yung tungkol kay Akira? Yung mga impormasyon na nakukuha mo. Gusto ko lang malaman. Saad ko kay Melvin.

Kailangan mo pa ba talagang malaman? Tila nanunuya niyang sagot saakin.

Oo. Matapang kong sagot sakanya. Desidido akong malaman kung saan niya nalalaman lahat.

Nagkita kami ni Akira noong Graduation Day. Hindi ko alam na magkikita kami. Hindi ko napigilan ang sarili ko Melvin.

Hinawakan ko siya sinapak niya ako tapos bigla siyang umalis--

Alam ko. Saad ni Melvin.

Ba't ba hindi mo pinapatapos ang sasabihin ko? Saad ko sakanya.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Tsk. Nakita ni Melvin ang reaksyon ko. At halatang nagpipigil siyang tumawa.

Alam ko lahat-lahat Tol. Kaya hindi mo na kailangan sabihin lahat. Saad niya.

Naguguluhan ako. P-pano mo nalaman? Tanong ko sakanya.

Noong nagkita kayo ni Akira naglalakad ako papunta sa Cafeteria nagulat ako ng biglang lumabas si Akira mula sa Cafeteria at alam kong nandon ka sa loob at nagkita kayo.

Nakahawak siya sa Ulo niya at may tinatawagan siya sa cellphone niya. Nagulat ako ng bigla siya bumulagta sa sahig. Dali dali ko siyang pinuntahan nun. 

Dinala ko siya sa Hospital. At ako rin ang tumawag kay Tita Joan gamit ang cp ni Akira. Agad namang dumating si Tita nun. At nagpasalamat saakin.

Hindi ko na hinintay na maggising si Akira. At umalis na ako. Saad ni Melvin

Kaya kung ako sayo Tol. Kausapin mo na siya at sabihin mo na sakanya ang lahat. Kumbaga para isang sakit nalang sakanya.

Alam kong hindi lang naman siya yung nasasaktan dito. Pero kahit saan natin tignan Tol si Akira yung pinaka nasaktan sa nangyayare.

Kaya hindi ko din siya masisisi kung kamumuhian ka niya. Pero Tol, mas maganda na yung huwag mo ng patagalin. Para hindi mas masakit. Muling saad niya.

Tinapik tapik lang niya ang balikat ko at umalis na rin siya. Gulong gulo parin ako sa dapat kong gawin. Ano ba ang dapat? At ano ba ang nararapat?

Alam kong napaka gago kong lalake. Hindi ni Akira deserve to eh. Hindi niya deserve masaktan ng ganito. Masyado ko lang pinapalala yung sitwasyon.

Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Akira, natatakot ako na kamuhian niya ako. Natatakot ako na ipagtabuyan niya ako. At mas lalong natatakot ako na mawala yung pagmamahal niya saakin.

Ngayon pa ba? Ngayon ko pa ba papakawalan? Kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko. Kung kailan siya na ang tinitibok ng puso ko? Hindi ko kaya.

Hindi ko kakayanin kung mawawala siya ulit saakin. Sapat na yung mga panahon na nagpapakagago ako at hindi siya napagtuonan ng pansin.

Sapat na yun para pagsisihan ko lahat. At ito na rin yung tamang panahon para masuklian ko yung pagmamahal ni Akira sa akin.

Pero hindi ko alam kung tatanggapin pa ba niya akong muli. Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos niyang maranasan lahat ng sakit ng dahil saakin? Napaka komplikado ng sitwasyon namin ngayon.

Gusto kong sabihin sakanya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ako nagsisisi na binalewala ko siya noon. Na mas pinili ko yung maling tao. Sobrang sisingsisi ako Akira! Please, give me another chance to prove myself to you.

Give me another chance to say what I feel, and to say 'I love you'. Hindi ko alam ang gagawin ko, bakit ba umabot sa ganito?

Bakit kailangan ko pang masaktan ang isang inosenteng gaya ni Akira? Saan ba ako kumuha ng lakas para balewalain siya? Hindi ko na alam. Hinding hindi ko na alam.

I'm so fvck up!!! Hindi naman ako ganito noon hindi ba? Pero bakit ganito? Hindi ko na maintindihan yung dapat kong gawin. At hindi ko alam kung paano ko sisimulan to lahat. Fvck this. Bakit sa dami ng pwedeng magmahal saakin ikaw pa Akira? Dapat sinukuan mo nalang ako Akira, sana noon pa bumitaw kana lang.

Kasi mas nasasaktan ako sa sitwasyon natin ngayon, natatakot ako na masaktan nanaman kita. Masaktan kita dahil alam ko sa sarili ko na mahal na kita. Alam ko na totoo na to lahat. Will you let me be part of your life again Akira? I hope you would.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Nagbihis ako at tinawagan si Melvin. Sa ngayon, siya lang ang alam kong makakatulong saakin. Napabuntong hininga nalang ako. Sana, sumang ayon ang tadhana saakin ngayon. ?

End of Xav's POV

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon