Chapter 49:

7 0 0
                                    

Xav's POV

Ilang araw nalang. Moving Up na namin at makikita ko na ulit si Marianne! Miss na miss ko na siya kaya naman excited ako sa pagbabalik niya. Noong mga nakaraang araw para akong baliw.

Nakatulala sa Kawalan at mukhang Zombie pero gwapo parin! Kaya ngayon pinaghahandaan ko na ang pagbabalik ni Marianne. Pero ilang araw nalang Moving Up na namin.

Wala parin paramdam si Marianne mag mula ng umalis siya. Nakakalungkot sobra. Para akong tanga na naghihintay ng Text mula sakanya. Pero lagi naman akong Bigo. Kaya kaysa mag mukmuk pumunta nalang ako ng School dala ang Long board ko. Pwede naman to' pagpunta ko sa Room walang teacher at sabi pwedeng wag na muna pumasok kasi naghahanda ang mga teacher para sa Moving Up na magaganap sa susunod na araw.

Kaya naman lumabas nalang ako ng Room at pumunta sa labas ng School. Umupo ako sa kabilang kalsada dahil naboboring ako. Maya-maya lang tumunog ang Cp ko at laking gulat at saya ko ng makita kong si Marianne ang nagtext dali dali ko itong binuksan at tila bumagsak ang mundo ko ng mabasa ko ang Text ni Marianne.

Fr:Mimi Ko
Xav? Mag break na tayo. Hindi na mag wowork ang Relasyon nato. Wala tong patutunguhan, at isa pa. Ayoko ng LDR. Nakakasawa. Kaya sana hayaan mo na ko maging masaya. Salamat sa lahat.
-Marianne.

Sa sobrang frustated ko, ginulo gulo ko ang Buhok ko at natulala ako. Ilang minuto rin akong nakatulala. Walang masyadong mga Studyante kaya walang makakakita sa itsura ko. Pero natauhan ako ng makita ko si Akira sa kabilang Kalsada. Tila naghihintay ito ng masasakyan.

Tinitigan ko lang si Akira dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagulat pa ito ng makita ako. Imbes na makaramdam ako ng Hiya. Natawa ako sa pag iwas niya ng tingin. At maya-maya lang may trycle na pumara sa harap niya at sumakay na siya. Ilang minuto bago ako nagpasiyang umuwi na. At pag uwi ko doon ko lang pinakawalan ang luha na kanina pa gustong kumuwala sa Mata ko. Mahal ko si Marianne! Pero bakit ganon lang kadali sakanya na iwan lahat??? Nangako siya. Nangako siya na babalik siya!

Bakit ganto ang nangyare? Umiiyak ako sa kwarto ngayon. Oo, tama kayo! Umiiyak ako! Nagmahal lang naman ako! Bakit ako pa yung nagago???! Di ko na kaya. Kinuha ko ang Cp ko, at naghanap ng pwedeng itext. Kung sila Melvin at Johann ang itetext ko, wala rin. Busy yung dalawa sa mga Babae!!!

Napatigil ako sa paghahanap ng itetext ko nung makita ko ang pangalan ni Akira. Ang tagal na pala simula nung huli kaming nag usap. Kaya naman nung pinagtripan ko siya, isinave ko number niya. Ewan ko nga lang kung naka save din ang Number ko sakanya. Ewan. Bahala na! Agad agad kong itenext si Akira.

Nagulat ako sa reply niya! Who you! Grabe talaga tong Babaeng to. Di man lang isave number ko. Syempre dahil kailangan ko ng karamay. Sakanya ko nilabas lahat ng hinanakit ko.

Maya-maya lang hindi na niya ako nireplyan. Kaya naisip kong tawagan siya. Pero nagulat ako ng sagutin niya ang tawag ang nakarinig ako ng mga Hikbi. May umiiyak? Sino? Pinakinggan ko lang ang hikbi na iyon at bigla nalang nawala ang Tawag.

End Of Xav's POV

Kira's POV

Naguguluhan ako. Hindi ko alam gagawin ko! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Xav! Nasasaktan ako! Sobra! Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng Luha ko.

Umiiyak ako, ang sakit kasi. Nasasaktan ako ng di niya alam. Pero kailangan pa bang malaman niya? Para ano? Para madagdagan ang sakit na nararamdaman ko?! Nagulat ako ng biglang tumunog ang Cp ko!!!

Pero sa pagkakataong to. May tumatawag. Hindi ko sana sasagutin kasi Unregistered yung number. At dahil nanlalabo rin ang mga mata ko dahil sa luha. Sinagot ko ang tawag, at hindi ko mapigilang hindi mapahikbi ng wala akong marinig na nagsasalita sa kabilang linya.

Umiyak ako ng umiyak habang nasa tenga ko ang Cp ko! Hindi ko na kaya! Ang sakit!!!!!!!!!!!!!!! Naiinis na binalibag ko ang Cp ko!! Ngayon lang ako nagmahal. Ang sakit kasi! Ang sakit sakit! Mahal ko siya pero ano to? May mahal siyang Iba.

At ang masakit pa! Yung mahal niya iniwan siya. At ako? Eto umiiyak nalang. Akala ko pag umiyak ako mababawasan ang sakit na nararamdaman ko! Pero bakit ganto?! Hindi man lang nabawasan yung sakit!!!!!

Yumuko ako at doon binuhos lahat ng luha ko. Wala akong pakialam kung may makarinig. Nasasaktan ako! Iintindihin ko pa ba yung ibang tao?! Kung sarili kong nararamdaman ko di ko maintindihan?!

Kahit ngayon lang, gusto kong maging selfish! Baka sakaling di na ako masaktan ng ganito! One sided love! Ang kinakatakot kong maranasan ko. Pero ngayon? Nangyare na! Ang sakit pala. Nagmamahal ka mag isa. At masama pa, hindi niya alam na Mahal mo siya. Love masarap maramdaman kapag alam mong Mahal ka ng taong Mahal mo.

Pano kung hindi? Edi masasaktan ka lang. Sana pala una palang pinigilan ko na tong nararamdaman ko! Sana pala hindi ko nalang siya hinanap!!! At sana pala una palang inalam ko na ang lugar ko! Sana una palang di na ako umasa! Na isang araw mamahalin rin ako ng taong mahal na mahal ko! Iniyak ko ng iniyak yung sakit na nararamdaman ko. Anong bang bago? Nung hindi ko na mahanap si Gian umiyak ako. Kasi nasaktan ako. Ba't ngayon?! Siya parin ang dahilan??? Nakakainis na eh! Nakakatanga!!!!

Nakakainis ang tadhana. Nasasaktan ako sakanya. Sa ngayon, isa lang ang alam ko! Nasasaktan ako! Lalo na ngayong nasasaktan din siya. Mas doble ang sakit noon saakin.

Kung kaya ko lang pawiin ang sakit na nararamdaman niya. Ginawa ko na! Tutal ako lang din naman yung masasaktan sa huli. Ako yung kawawa!!! Di ko namalayan nagkatulog ako sa kakaiyak. Sana di na ako magising.Pero nabigo ako, nagising pa rin ako mga hapon na.

Ang bigat ng mata ko' nasobrahan nanaman sa iyak. Nakalimutan ko rin kumain. Nalipasan ako. Magiging miserable ba ulit ako? Ngayon ganito ulit ang sitwasyon ko? Nakakapagod rin pala. Nakakapagod maging tanga ng paulit-ulit.

End Of Kira's POV

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon