Chapter 55:

4 0 0
                                    

Xav's POV

Ilang araw na akong hindi nagpaparamdam kay Akira. At wala rin akong balita sakanya. Araw-araw rin akong naghihintay ng Text/Calls man lang niya. Pero wala, ang huling message niya saakin ay nung nag Sorry siya saakin.

Hindi niya lang alam ako dapat ang humingi ng tawad sakanya. Sa lahat ng pagkakamali ko! At sa mga kagaguhan ko! Sa tingin ko hindi na niya ako magagawang patawarin. Ngayon palang natatakot na ako sa magiging reaksyon ni Akira kapag sinabi ko sakanya lahat.

Natatakot akong mas masaktan ko siya. Hindi ko alam gagawin ko! Gulong gulo ako na natatakot!!! Gusto ko nang sabihin sakanya habang maaga pa. Ayoko naman na mas masaktan siya lalo.

Sinubukan kong tawagan siya. Pero ring lang ng ring ang Cellphone niya. Kaya naman nag iwan nalang ako ng Message sakanya.

To: Ms. Sunget Ko 💕

Sunget? Musta na? Oy? Di kana nagpaparandam saakin ha? May iba na ba? 😁😂 joke lang Sunget. Alam mo MISS na kita. Hindi ako galit sayo Sunget. Baka nga ikaw pa ang magalit saakin eh. Btw Sunget magkita tayo bukas ha? Sabado naman bukas, wala ka naman sigurong gagawin? May mahalaga lang akong sasabihin sayo. At sana kapag nalaman mo na yung sasabihin ko. Mapatawad mo pa rin ako. I miss you.

*Message Sent*

Kabado ako ng maisend ko sakanya iyon. Naghintay ako ng reply niya. Ilang oras na ang nakalipas pero wala pa rin siyang Reply. At dahil dun lalong nadagdagan yung kabang nararamdaman ko. Hays. Akira naman magreply ka.

Kinakabahan kong saad habang nakatingin sa Cellphone ko. Tinawagan ko siya ulit pero tulad kanina. Ring lang din ng ring.

Ano na kayang nangyare dun? Baka naman tulog? Pero imposible rin. Ilang oras na simula ng itext ko siya. O baka naman may ginagawa lang? O baka naman lowbat siya? Ganun na nga baka nga ganon.

Maya maya lang ay tumunog ang Cellphone ko. Kaya naman dali dali ko itong tinignan. Pero nagulat ako sa nagtext.

Fr: Unknown

Xav? I miss you.

Sino naman to? Akala ko si Akira na yung nagreply. O baka naman si Akira iyon? Nakitext lang siguro walang load o baka nga lowbat??? Tinawagan ko nalang yung Unknown na nagtext.

Pero dalawang ring palang ay sinagot na nito agad. Nakahinga naman ako ng maluwag. Salamat naman at sinagot na niya pero hindi boses ni Akira ang narinig ko.

Xav? Ako to si Marianne. Saka sinong Sunget ba yan??? Ang bilis mo naman makahanap ng kapalit ko. X-xav m-mahal pa kita! Sorry kung iniwan kita ng walang pasabi. Xav please? Tayo nalang ulit! Desperada na kung desperada! Pero Xav? Please maniwala ka. Mahal parin kita!!! Ikaw lang! Please. I still love you! Please tayo nalang ulit.

Nang marinig ko ang boses ni Marianne hindi ako agad nakapag react. Nagulat ako? Oo. Sobra, at natakot rin at the same time. Syempre siya yung dahilan kung bakit naloko ko si Akira.

Kasi nga Mahal ko pa Siya! Pero di ko maintindihan nararamdaman ko ngayon, natutuwa ako na natatakot. Pano na?

Andito na ulit sa buhay ko si Marianne. Pano si Akira? Paano ko susulusyunan to? Bakit nagka sabay sabay pa???!!! Lalo akong naguluhan.

Oo mahal ko pa si Marianne. At aminado naman ako dun. Hindi ko na kailangan itanggi. Pero si Akira? Pano? Ngayon palang naaawa ako kay Akira.

Gusto kong saktan ang sarili ko. Sinaktan ko ang Babaeng walang ibang ginawa kundi ang Mahalin ako. Ang laki ko ngang G*go!!! Magagalit lalo saakin si Melvin.

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon