Chapter 47:

8 0 0
                                    

Marianne's POV

Nakarating na kami ni Xav sa tabing dagat. Agad akong bumaba sa kanyang Motor at sinalubong ang sariwang hangin. Umupo ako sa isang tabi at dinamdam ang kagandahan ng lugar na ito. Umupo narin si Xav sa tabi ko at sumandal ako sa Balikat niya.

Kahit medyo nakaramdam ako ng antok ay binalewala ko nalang iyon. Dahil may mas mahalaga pa akong kailangang gawin. Ito na siguro ang tamang pagkakataon. At sana maintindihan niya ko. Xav? Panimula ko.

May gusto sana akong sabihin sayo, pero sana maintindihan mo ako. Ganito kasi iyan. Diba? Di magtatagal ay bakasyon narin. A-ano kasi, aalis ako. Pero babalik din ako. Kaso baka matagalan. Kasi syempre bakasyon diba? Hindi ko lang sigurado kung kailan ako babalik pero babalik ako promise.

Sa totoo lang ayokong umalis kasi ayokong iwan ka. Kaso ano pa nga bang magagawa ko? Diba? Mahal kita at sana maintindihan mo ako. Hindi naman tayo maghihiwalay. Diba? Paninigurado ko. Pero nabigo ako ng wala akong nakuhang sagot mula sakanya.

Napa buntong hininga nalang ako. Xav naman? Tila naiiyak kong sambit sakanya. Maya-maya lang ay nagsalita na rin ito. Naiintindihan ko naman, basta wag mo kong ipagpapalit ha? Mahal kita kaya iintindihin kita. Girlfriend kita eh. Oo syota kita pero hindi ibig sabihin nun hawak ko na buhay mo. Saka isa pa may tiwala ako sayo.

Kaya kahit maging LDR tayo walang hiwalayan na magaganap ok? Sagot ni Xav saakin. Buong akala ko talaga hindi niya ako maiintindihan. Nayakap ko siya sa sobrang saya. Yung mahigpit na mahigpit. Promise hindi kita ipagpapalit! Kaya ako rin! Wag mo kong ipagpapalit ha?

Magbabakasyon lang naman ako! Hindi ako mawawala Xav!!! Kaya magtino ka! Ha? Hahaha natatawa kong saad sakanya. Ngumiti lang siya saakin at hinayaan niyang sumandal ako sa balikat niya. Marahan niyang ipinatong ang ulo niya sa Ulo ko na nakahandusay sa balikat niya. Promise is a promise. Mahal kita Marianne. Saad ni Xav.

Mahal rin kita Xav ikaw lang walang iba! <3 Sobrang saya ko akala ko kasi mahihirapan akong sabihin sakanya. Ang swerte ko sa Boyfriend ko. Maintindihin na, gwapo pa. Mabait pa! All in One na!

Kaya hinding hindi ko hahayaang mawala siya saakin. Tanga lang ang gagawa nun. At hindi ako tanga para gawin yun. LDR? Oo mahirap, pero kung anjan ang tiwala at pagmamahal nyo sa isa't isa, hinding hindi kayo maghihiwalay. At napatunayan ko iyon ngayon. Alam kong may babalikan pa ako.

At alam kong may naghihintay saakin. At si Xav iyon. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito!!!! Magkamatayan na. Hinding hindi ko siya isusuko kahit kanino. Ako lang ang may karapatan kay Xav. Dahil Girlfriend nya ko.

Kaya kung sino ang humarang sa daanan ko babanggain ko. Wala akong sinasanto. Kapag mahal ko na ang pinag uusapan. Sabi nga nila kapag Mahal mo handa mong ipaglaban. Kahit kanino, at kahit sino!

End Of Marianne's POV

Xav's POV

Aalis siya. Iiwan niya ako! Aalis si Marianne magbabakasyon daw siya. Matapos niyang sabihin iyon nagulat ako. Inisip kong mabuti ang sasabihin ko. Ayokong masakal siya sakin. At sigurado naman akong babalikan niya ako kaya walang kaso saakin kung matagalan siya.

Basta ang mahalaga bumalik siya. Mag momoving up pa naman kami bago magbakasyon. Mahal ko siya kaya iintindihin ko iyon. Hindi naman kasi habang buhay ipilit ko ang gusto ko sakanya. Kaya ngayon, hahayaan ko siya.

Alam kong babalik siya. Nakaplano na ang Future namin kaya naman imposibleng di siya bumalik. Hihintayin ko siya. Nakakalungkot man pero kailangan. Ayaw niyang umalis pero wala na siyang magagawa. Bakasyon na rin naman kaya natural lang siguro na umalis siya at magsaya.

Maya-maya lang ay sumandal siya sa balikat ko. Andito kami ngayon sa tabing Dagat. Kaya siguro natagalan siya kanina dahil hindi niya alam kung paano niya sasabihin saakin ang tungkol sa pag alis niya. Yun nga siguro.

Sumandal ako sa ulo niya at sinabing "Mahal kita Marianne" mamimiss ko siya ng sobra-sobra. Kaya pala ganito nalang ang pakiramdam ko na especial ang Date namin dahil baka ito na din ang huling magkakasama kami. Dahil nga aalis siya!

Sana nga bumalik siya! Hindi ko alam gagawin ko kapag hindi niya ako binalikan! Hindi lang ako mababaliw!!!!! Baka mamatay pa ako! :<

*Fast Forward*

Days passed. Parang ang bilis ng panahon. Andito kami ni Marianne sa Terminal at hinihintay ang Bus na sasakyan niya. Aalis na muna siya dahil kinakailangan, pero babalik rin siya para sa Moving Up namin. Tapos pagkatapos ng Moving Up aalis siya ulit! Ano ba to? Ilang sandali lang dumating na ang Bus na kanyang sasakyan.

Tinulungan ko siyang buhatin ang bagahe niya. 10 pm ang byahe ko. Saad ni Marianne tango lang ang isinagot ko.

Bilang boyfriend niya hindi ganon kadali na makitang umalis ang taong mahal mo. Kaya masisisi nyo ba ako kung tahimik ako? Mahal ko siya kaya naiintindihan ko siya. Pero nalulungkot rin ako. Bago umalis si Marianne binilhan ko siya ng pagkain kung sakaling magutom siya sa byahe. Ilang oras na lang at aalis na siya. Hindi ko hinayaang lamunin ako ng lungkot.

Pinakita ko kay Marianne na ok lang ako. At hihintayin ko siya. Bago umalis ang Bus. Sumilip siya sa tabi ng Bintana para magpaalam at dun doon siya umupo. At nagsulat siya sa salamin ng Bintana ng Bus na "Mamimiss kita Xav Ko! ILOVEYOU" ngumiti ako sakanya at nagbabye na dahil paalis na sila.

Nilingon ko siya hanggang sa mawala na ang Bus sa paningin ko. At pagkaalis nun ay ang pagkawasak rin ng puso ko. Tantya kong hindi magiging masaya ang Bakasyon ko. Umalis na ako sa Terminal at umuwi na. Nakarating rin agad ako sa bahay. Bago ako matulog tinext ko muna si Marianne.

To:Mimi Ko
Mi? Ingat ka! Mamimiss kita Iloveyou :-*
-Xav 💕

Pagkatapos kong itext si Marianne, inioff ko na ang Cp ko at natulog na.

*Kinabukasan*

Arrrgh! Ang lungkot ng araw ko. Pakiramdam ko may kulang. Tinatamad akong bumangon ng kama, kaya naman tinignan ko ang Cp ko at nag baka sakaling may text galing kay Marianne. Pero? Wala! Kahit isa wala akong nareceived. Simula ngayon sasanayin kong wala si Marianne sa tabi ko. Tumayo na ko. Gusto kong maglibang. Mag lolongboard nalang ako.

End Of Xav's POV

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon