Chapter 56:

3 0 0
                                    

Kira's POV

*Saturday 7:00 pm*

Naggising ako mga 7:00pm. Nakita ko si Mama na natutulog sa Tabi ko. Minabuti ko nalang na wag siyang gisingin. Alam ko namang pagod siya sa kakabantay saakin.

Ano kaya pwede kong gawin? Bukod sa humiga sa Hospital Bed nato'? Ang sakit na rin kasi ng likod ko! Dahan-dahan akong umupo para di maggising si Mama.

Pag-upo ko ay siya namang kumirot ang Puso ko. A-aray daing ko. Bwiset na puso ko to! Wag ngayon. Kailangan ko magpaka lakas. Hindi muna ako gumalaw para mawala ang kirot nung puso ko.

Maya-maya ay nawala na rin ito. Tumayo ako at pumunta sa Cr. Bakit kaya ganon? Kahit ilang araw na akong nandito pakiramdam ko hindi ako gumagaling?'

Lalo akong nanghihina! Dahan-dahan akong lumakad. Ang bilis ko na ring mapagod. Pumasok na ako sa Cr, at pagpasok ko. Nakita ko yung reflection ko sa Salamin.

Ang payat ko, namumutla! Inshort mukha na akong patay! -_- kaya naman naghilamos ako para naman mag mukhang fresh itsura ko. Lumabas na rin ako pagkatapos ko.

Pabalik na sana ako ng Kama ng biglang maggising si Mama, tinulungan niya naman ako bumalik sa Kama. Ayoko ng ganito eh! Lalo akong nagmumukhang mahina. Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko na "Bawal nga pala akong MAPAGOD"!!

Humiga nalang ako ulit. Habang nakahiga ako, kumakain ako ng Prutas. Eto lang pwede kong kainin sabi ni Doc. Kailangan ko daw ng prutas o kaya naman gulay para bumalik ang sigla ng katawan ko.

Habang kumakain ako, biglang nagsalita si Mama.

Andami ng nagtetext sayo. Saad ni Mama at binigay saakin ang Cellphone ko.

Pagtingin ko naman ay marami na nga. Inisa-isa ko yung mga Messages. At nang makita ko yung pangalan ni Xav doon ay yun ang una kong binuksan.

Fr. Mr.Sunget Ko ❤

Sunget? Musta na? Oy? Di kana nagpaparandam saakin ha? May iba na ba? 😁😂 joke lang Sunget. Alam mo MISS na kita. Hindi ako galit sayo Sunget. Baka nga ikaw pa ang magalit saakin eh. Btw Sunget magkita tayo bukas ha? Sabado naman bukas, wala ka naman sigurong gagawin? May mahalaga lang akong sasabihin sayo. At sana kapag nalaman mo na yung sasabihin ko. Mapatawad mo pa rin ako. I miss you.

Natuwa naman ako sa Message ni Xav. Teka? Anong araw ba ngayon? Sabado? Ibig sabihin kahapon niya pa ako tinext.

Tatayo na sana ako ulit para mag asikaso, ng biglang kumirot ang Puso ko. A-arayyy!!! Nataranta si Mama kaya naman tinawag niya ang isang Nurse sa isang Nurse Station.

May kung anong tinurok lang saakin yung Nurse kaya naman nawala yung Kirot nung Puso ko. Anong gamot kaya yung tinuturok nila?. Pumasok si Doc at kinamusta lang ako.

Si Mama na ang kumausap kay Doc. Bago si Doc umalis ay may mga binilin siya saakin. Tulad nalang neto:

*Bawal kang Magpagod
*Bawal kang maexcite
*Bawal kang masobrahan sa Iyak o Tuwa
*Bawal ka rin malungkot.

Nakakabaliw naman yung mga Bawal saakin. -_- pakiramdam ko tuloy para akong nakakulong! Daig ko pa ang Preso neto'

Napansin yata ni Doc ang Facial Expression ko. Kaya naman sinabihan niya ako Ulit.

Iha? Alam kong mahirap pero tulad nga ng sinabi ko. Magiging mahirap talaga ang sitwasyon mo. Pero tiis lang, malapit ka ng operahan. Kaya magpa lakas ka Okay? Saad ni Doc.

Tango lang ang isinagot ko kay Doc. Tama nga siya. Sobrang hirap ng ganto ang Sitwasyon. Puro Bawal, naalala ko na may Text nga pala saakin si Xav.

Imbes na replyan siya ay di ko nalang ginawa. Hindi niya alam na may sakit ako! At ayokong malaman niya. Baka kasi maawa siya sakin. Ayokong kaawaan, kaya ko naman eh. Magpapagaling ako para sakanya. Pero naisip ko, alam na nga pala ni Melvin ang tungkol sa sakit ko.

*Flashback*

Nang maisugod ako sa Hospital ay sinundan pala kami ni Melvin. At inusisa niya si Doc tungkol sa sakit ko. At nung una ay ayaw sabihin ni Doc.

Pero hindi siya tinigilan ni Melvin kaya naman napilitan siyang sabihin ang Sakit ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nun. Ayokong may maka alam na kahit sino.

Pero pano na? Alam na ni Melvin, kaya naman kinausap ko siya na wag niyang ipagsasabi kahit kanino. Natahimik siya dahil sa sinabi ko. Magsasalita na sana siya ng bigla kong banggitin si Xav.

Kahit si Xav. Wag na wag mong sasabihin sakanya please? Gusto ko ikaw lang makaaalam ng sakit ko' makakaasa ba ako? Tumango naman saakin si Melvin at umalis na.

Pero bago siya umalis ay may sinabi pa siya na di ko narinig.

*End Of Flashback*

Binasa ko nalang yung mga Messages na galing sa mga Classmate ko. At ng mabasa ko na lahat ay binalikan ko yung Message saakin ni Xav. May mahalagang sasabihin? Ano naman kaya iyon? Gaano ba kahalaga yun at kailangan magkita pa kami?

Tss. Ang shunga lang Akira. Paano ka makikipag kita dun? Psh. Bakit ba pagdating kay Xav nakakalimutan ko na may sakit ako? -_-

Gusto ko talagang magreply kay Xav. Pero minabuti ko na wag na lang. Baka kasi kung ano pang masabi ko sakanya na di ko dapat sabihin sakanya. Kaya naman nagdesisyon ako na matulog nalang ulit. ZzzzZzzzzZzzzzzzzZzzzz!!!!

End Of Kira's POV

Xav's POV

*Saturday 10:00 pm*

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi saakin ni Melvin. Hindi pa rin ako makapaniwala na may sakit si Akira.

Hindi naman kasi halata kay Akira eh. Ang sigla sigla niya kasi. Tapos magugulat kana lang may sakit pala siya.

Gusto ko siyang puntahan, pero natatakot ako na baka pag sinabi ko sakanya ang dapat kong sabihin eh lalo lang makasama sa kalagayan niya.

At yun ang ayokong mangyare. 10:00 pm na pero ito, gising pa rin ako. Si Akira kaya? Gising pa kaya siya? Ano na kayang ginagawa niya? Nakakatulog kaya siya ng Maayos??? Kamusta kaya siya??? Kahit na "Rebound" lang saakin si Akira, mahalaga pa rin naman siya saakin.

Napagdesisyonan ko na puntahan siya bukas. Walang may alam na pupunta ako kay Akira. Gusto ko siyang sopresahin.

At sana gumaling na siya. Para masabi ko na sakanya ang dapat kong sabihin. Habang maaga pa, para di ko siya masaktan ng lubos. Kahit alam ko masasaktan ko siya lalo. Ewan. Bahala na si Batman.

Maya-maya lang ay nagkatulog na ako.
ZzzZzzzzZzzzzZzzzzz!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

End Of Xav's POV

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon