Chapter 42:

3 0 0
                                    

Kira's POV

Nagkatulog pala ako? -.-7 sino kaya yung Tumawag sakin???? Kaboses talaga ni Xav! Imposible naman na si Xav yun! Pero posible rin. Pano kung si Xav nga? Saka bakit naman siya tatawag? Para saan? Biglang nag flashback sakin yung Iniisip ko kanina.

*Flashback*
Sabado ngayon kaya naisipan kong matulog na lang maghapon, nagising ako ng Tumunog ang Cp ko. Nang sinagot ko iyon wala man lang akong narinig na Sagot mula sa kabilang linya! Hinayaan ko nalang at natulog na ulit. Tapos yun na nga natulog nalang ako ulit! Pero ngayon isang tanong ang bumabagabag sa isip ko! Yun ay ang ...............

Pano nga kong Umasa ako ulit kay Xav? Ako lang rin naman yung masasaktan! Hindi ko rin naman alam gagawin ko.Saka pano si Melvin??? Pano kung manligaw siya? Anong gagawin ko?! Ayokong manligaw siya pero ayaw naman niyang makinig. May mahal na ko. Pero di naman ako mahal nung taong minamahal ko ngayon. Masakit. Sobra. Ang hirap. Kung sabihin ko nalang kay Melvin na may mahal nako baka sakaling tumigil na siya. Baka naman tanungin niya kung sino! Di ko alam isasagot ko!!!!!!!! Sa ngayon ayoko muna makita si Melvin at si Xav.

Isipin niyo ng Baliw ako! Pero ang hirap naman talaga!!!!! Parang Math Problem na di mo alam kung pano mo Isosolve!!!! Buti nalang sabado na ngayon! Ang bilis lang ng panahon. Sana ang Love ganon lang kabilis. Nakahiga pa rin ako habang iniisip yung Caller nayun.

Teka? Bakit ko nga naman yun Iniisip??? Baka mamaya nantitrip lang yun, masyado lang akong malisyonado! Bumangon ako at nagsuklay. Habang nagsusuklay ako tumunog ang Cp ko na nasa Ibabaw ng kama ko.

Kinakabahan ko naman yung kinuha. Nagdadalawang isip ako kung titignan ko yung "Text" na nareceive ko. Bumuntong hinga muna ako saka ko tinignan kong Sino yung nagtext saakin. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makitang si Kuya Jay lang iyon. Isang Gm lang ang nareceive ko galing sakanya! Di ko alam pero kabadong kabado ako sa tuwing tumutunog yung Cp ko.

Tinanggal ko yung mga Unknown number sa Cp ko. Baka sakaling matanggal ang takot ko sa tuwing tutunog ang Cp ko. Lumabas ako ng Kwarto at pumunta sa sala. Naghanap muna akong makakain at umupo na sa Upuan binuksan ko ang Tv.

Nang wala akong magustuhan na palabas sa Tv ay napagdesisyonan ko nalang na mag Movie Marathon. Kadamihan sa Collection ko ay mga CD's, karamihan dun ay ang K-dramas. Sobrang hilig ko sa mga Korean Dramas. Hindi halata saakin dahil kilala ako bilang Boyish Type na Babae -_- habang nanunuod ako di ko maiwasang di ma carried away sa pinapanuod ko!!!

Kumbaga, nakikita ko yung Sarili ko sa bidang Babae. May lihim siyang pagtingin sa Isang lalaki na alam niyang di siya papansinin! Pero kahit ganon hindi parin niya sinukuan ang Lalaki. Pano kaya ako? Pano kung gawin ko din yun? Mahalin kaya ako ni Xav? Hays. Syempre hindi! Ang isang katulad ko. Malayong-malayo sa Tipo ng babaeng hinahanap ni Xav! -.-

Natapos ang pinapanuod ko na lutang ang Isip. Hindi maalis sa Isip ko yung Ending nung pinapanuod ko. Naging Sila sa huli dahil hindi sinukuan ng bidang babae yung lalaking Mahal niya. Kahit di siya nito pinapansin! Ayokong gawin yun! Di naman ako tulad nung nasa palabas eh! Saka sa Movies lang yun. Di naman totoo yun! Scripted lang yun!!!! Ini off ko na yung Tv at naglinis nalang ng Bahay.

Walang pasok ngayon dahil sabado. Nung nakaraang araw umiyak ako ng Husto! Syempre pero ngayon sa tingin ko medyo ayos na ko. Kaya naman heto nagpapaka busy ako, para narin malibang ako. Ayoko namang magmukmuk lang ng magmukmuk sa loob ng kwarto!!! Pano nalang ang Pamilya ko? Diba??? Diba???

Kaya habang naglilinis ako nag soundtrip ako. At syempre puro K-Music ang nasa Cp ko. Hinding hindi yun mawawala sakin! Sumasayaw ako habang nag lilinis ng kwarto,sala,kusina at ang Huli ay Cr. Nagpahinga ako ng matapos akong maglinis. Hooooo! Ang pagod! Tumingin lang ako saglit sa Cp ko at nagbaka sakali na may Text doon na galing sa Unknown! Kaso.....

Wala! Bakit parang nadismaya ako? Eh dapat nga masaya ako kasi wala ng Unknown na nangungulit sakin!! Ng makapag pahinga na ko ay napag desisyonan ko ng Maligo. Pumunta ako sa Cr at naligo na.

*After 30 minutes*

I'm Done!!!!!! Malakas na sigaw ko paglabas ng Cr. Nakatapis lang ako ng Tuwalya at may nakabalot naman sa Buhok ko para di tumulo ang Basa.

Habang naghahanap ako ng Damit. Tumunog ang mahiwaga kong Cellphone! Naiinis na dinampot ko ito at tinignan ang Hudas na nagtext -_-!!! Gm lang naman ng mga Classmate ko. May iba pa ba? Nagbihis ako ng mabilisan at baka may makakita saakin na ganon ang itsura!

Simpleng maong shorts at black na tshirt ang Damit ko. Nagsusuot ako ng Shorts kapag nasa Bahay lang! At dahil ako'y naboboring. Lumabas ako ng Bahay at pumunta sa Mall. Di narin ako nag abalang mag palit ng damit dahil sabado naman at bihira lang akong magsuot ng ganto kapag lalabas ako ng Bahay o pupunta sa Mall!

Tinext ko si Mama na nasa Mall ako agad rin naman siyang nagreply at sinabing hintayin ko nalang siya sa doon. Habang naghihintay kay Mama. Napag isipan kong maglaro muna sa Playzone. At pumunta agad ako sa Basketball Station. Ito ang pinaka paborito ko sa lahat.

Mahaba-haba naman ang Short ko kaya hindi hassle sa Paglalaro ko. Nakailang points rin ako kaya naman ilang Round din ang natapos ko bago ako nakaramdam ng pagod. Pawisan ako pagkatapos kong maglaro. Kaya naman pumunta ako sa Cr at nagpunas dun di sakin uso ang Retouch -_-

Palabas na ko ng makita ko ang isa sa mga kaibigan ni Xav! Yung Yuhan? Jonan? Johan? Ata yun. Basta yun di ko na sana ito papansin ng bigla siyang tumigil sa harap ko at ngumti lang! Hindi ko alam kung bakit siya ngumiti. Dahil una sa lahat hindi niya ko kilala at di rin kami close nuh' binalewala ko nalang siya at umupo sa Foodcourt at lumamon ng Ice Cream ^_^

Yung isang Galoon!!! At dun ko nalang hinintay na dumating si Mama. Makalaan ang Ilang oras dumating na ito kaya napag pasyahan namin na Umuwi na.

Nang maka uwi kami ay dun lang ako nakaramdam ng kapagudan kaya nagbihis ako ulit at humiga na sa Kama. Hanggang sa Dinalaw nako ng Antok! Di narin ako nag abalang kumain dahil sa kapaguran !!!!! At ako ay natulog na!
ZzzzzzZzzzzzzZzzzzz!!!!

End Of Kira's POV

A/N: ⚠️ ATTENTION ⚠️

Mahaba-haba ang Update! Nasa Mood si Author hoho! <:* Keep reading Guyz! Vote and Comments :* Godbless ;* Kamsa ❤
-Mj ♡

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon