Chapter 54:

5 0 0
                                    

Kira's POV

Xavvvv!!!!!! Napabangon ako bigla sa Kama dahil sa panaginip ko! Sinilip ko ang Bintana at Mag gagabi na rin pala sakto namang dumating na si Mama at inaya na akong kumain. Kahit wala akong gana pinilit ko parin para gumaling na ako. Binuksan ko muna yung Cellphone ko at tinignan kung may text si Xav. Kaso nadismaya lang ako nang makitang walang text si Xav. Kaya naman tinext ko siya at humingi ako ng Sorry sakanya.

To: Mr.Sunget Ko ❤

Xav? Sorry! Sana pala di ganon inakto ko. Nadala lang po ako ng selos sorry na. Sana di ka galit.

Naghintay ako ng reply niya pero wala. Kumain na ako dahil ramdam ko ang panghihina ko. Habang kumakain ako biglang nanikip ang dibdib ko kaya naman napakapit ako sa lamesa para kumuha ng suporta ko dahil sa hirap akong huminga.

Agad namang napansin ni Mama kaya naman dali dali siyang kumuha ng inhaler. Bago ko makuha ang Inhaler nandilim na ang paningin ko.

>Fast Forward<

*Hospital*

Naggising ako at unang nakita ko ang puting kisame. Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakita kong nasa isang Hospital ako. Ano bang nangyare saakin? Bakit nandito ako? Sa pagkaka alala ko ay nasa kusina ako at kumakain. Tapos magigising nalang ako nasa Hospital na ako?

Bago pa man ako magtanong kay Mama ay siya namang nagsalita ito. Kinamusta niya ang lagay ko at sinabi ko na ayos lang ako. Kita ko rin ang pamumugto ng mata niya.

Gustuhin ko man magtanong minabuti ko nalang muna manahimik dahil sa pagkirot ng bandang dibdib ko at sa tapat pa ng puso ko. Nagtaka ako ng makita kong andaming nakasabit saakin na Dextrose.

At may oxygen din pala ako. Magtatanong na sana ako kay Mama ng biglang may pumasok. Yung doctor lang pala.

Iha? Nitong mga nakaraang araw ba? Madalas ng kumirot ang puso mo?

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa tanong ni Doc.

O-opo nauutal kong sagot. Bakit parang kinakabahan ako? Tumingin ako kay Mama pero umiwas ng tingin si Mama.

Iha? Wag kang mabibigla. Pero may sakit ka. At iyong sakit na iyon ay Sa Puso mo mismo. Iha, meron kang Heart Disease. At dahil meron kang sakit. Maraming magbabago sa Buhay mo. Yung mga nakasanayan mo. Magbabago lahat. Kailangan mong maoperahan bago pa lumala ang Sakit mo. Sa ngayon kailangan ko nang umalis dahil may mga test pa akong kailangan gawin tungkol sa Sakit mo. Mas mabuting magpahinga ka muna dahil bawal kang mapagod. Matapos sabihin ni Doc iyon ay nagpaalam na siya at lumabas na.

At ako? Naiwang nakatulala. May s-sakit ako? B-bakit? Bakit ako pa? Kailan pa? Gusto kong sumigaw pero di ko magawa. Di ko namalayan kusang tumulo ang luha ko. Lumapit saakin si Mama at niyakap ako. Doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Bakit ako pa? Hindi pwede! Pano na si Xav? Pano? Bakit? Panaginip lang to hindi ba? Gutso kong magwala! Gusto kong lumabas sa Hospital na to. Nagkamali lang siguro si Doc ng pasyenteng pinasukan kanina. Wala akong sakit! Ang sigla sigla ko naman ha?! Pano ako nagkasakit?! Pano?!!! Hindi ako pwedeng mawala!!! Hinablot ko yung mga Dextrose na nakasabit sa katawan ko! At dahil dun lalo akong nakaramdam ng panghihina.

Tumayo ako kahit nanghihina ako. Pero di pa ako nakakahakbang biglang nanlumo yung tuhod ko. Dahilan para mawalan ako ng balanse sa katawan at natumba ako.

Dali dali naman tumakbo si Mama papunta saakin at tinulungan akong tumayo. Niyakap ko si Mama at binuhos yung iyak ko.

Ma!!!! Bakit ako pa? Ano bang ginawa ko? Ma,mabubuhay pa ba ako?! Magtatagal pa ba ako?! Ma??? Ayokong mamatay!!! Hindi ko kaya Ma!!!! Hindi pa ako pwedeng mawala!!!! Ma, ang sakit!!! Kumikirot yung dibdib ko Ma!!! Sambit ko kay Mama habang nakahawak sa Dibdib ko. Totoong may sakit ako. At kailangan kong tanggapin yung totoo. Gagaling ako! Kakayanin ko! Gagaling ako!!! Kaya ko to'

Maya maya lang may dalawang Nurse na pumasok at may kung anong tinurok saakin dahilan para makalma ako at mawalan ng Malay. Bago man lang ako mawalan ng Malay, kita ko ang sakit na nararamdaman ni Mama. Ma, sorry kung magiging pabigat ako sayo. Pero kakayanin ko to' lalaban ako. Hindi ko kayo Iiwan. Lalong lalo na si Xav! Masyado pang maaga para Magpahinga ako. I will Fight! No matter what.

End Of Kira's POV

A/N: ⚠️ ATTENTION ⚠️

Hi guyz. Andito nanaman po ang Makulit/Baliw na Author! Btw. Thank you sa mga Nagbabasa neto' and sorry din sa Mabagal na UD. Pasensya po talaga mga Readers. Sana kahit ganito ang takbo ng storya ko suportahan niyo pa rin ako. Sa totoo lang po, hindi ko alam kung paano ko maiiraos ng maayos at matino ang Storyang ito. Dahil sa sobrang gulo po ng Buhay ko, di ko na alam kung paano ko maisusulat lahat ng mga Nangyayare saakin, Pero ito parin po ako. Kahit di ko na po alam gagawin ko, nagsusulat pa rin ako. Gusto ko pong tapusin ang nasimulan ko, kaya naman Fighting pa rin po ang Author niyo. Sad to say pero malapit lapit na po matapos ang Storyang ito. Konting kembot nalang. Until the End po Please support me. Vote and Comments naman po! Iparamdam niyo po yung suporta niyo sakin. Para magkaroon po ako ng Inspiration sa pagsusulat. Godbless and Thankyou Readers!!! Mwa :-*
-Mj 💕

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon