Kira's POV
Natatakot ako. Ngayon na ang Operation ko, sana kayanin ko. Para kila Mama to' kailangan kong gumaling. Hindi dapat ako nagpapaka mahina.
Ipinasok na ako sa OR(Operation Room) bago pa man ako tuluyang maipasok doon. Nakita ko si Mama na ngumiti saakin at sinabing kaya ko to' tango nalang ang naisagot ko kay Mama dala na rin ng panghihina ko.
Inilipat nila ako sa Isang higaan na maraming mga bakal na kakailangan para sa Operation ko. Natatakot man ako, minabuti kong pumikit dahil may itinurok sila saakin at masakit iyon. Pero kailangan tiisin. Maya maya lang ay nakatulog na ako.
Magigising rin ako, at paggising ko magaling na ako. Sa ngayon kakailangin ko munang matulog. Gagaling ako! At magpapagaling ako para kila Mama.
End Of Kira's POV
Xav's POV
Ngayon na ang Operation ni Akira, kinakabahan ako. Sana kayanin niya. Alam ko naman na kakayanin niya iyon, hindi madaling sumuko si Akira.
Kaya niya yun, saka may sasabihin pa ako sakanya. Kaya dapat lumaban lang siya. Andito kami sa labas ng OR (Operating Room) habang si Melvin kanina pa lakad ng lakad. Hindi na mapakali.
Parehas lang kaming nag aalala kay Akira. Yung mama naman ni Akira andun sa Chapel nagdadasal na sana'y maging succesfull ang operation ni Akira.
*2 hours ago*
Ang tagal naman ata ng operasyon ni Akira? At dahil dun nagsimula na akong kabahan. Pero hindi pwede! Magiging succesfull yun! Hindi susuko si Akira.
Maya maya'y lumabas na ang Doctor at ang mga nurse na kasama nito. Sakto namang dumating ang Mama ni Akira, kaya naman agad-agad kaming lumapit kay Doc para alamin kung kamusta ang lagay ni Akira.
Doc? Kamusta po ang lagay ng Anak ko?' Tanong ni Tita Joanne.
Maayos po ang Operation sa Anak niyo' pero hindi pa namin alam kung kailan siya magigising. Dahil base sa test ko sakanya pwede siyang ma Comatoes. Mabagal ang Heart beat ng Anak mo Mrs. Hindi normal ang tibok nito, pero gumawa kami ng paraan para maging Stable ang lagay niya. Sa ngayon kailangan niya munang magpahinga pwede niyo na siyang puntahan sa kwarto niya. At inuulit ko ho' pwede ma Comatoes ang pasyente, at hindi po ako sigurado kung kailan siya maggigising. Pasensya na, excuse me ho'
Mahabang paliwanag ni Doc Jimenez. B-bakit? Stable na nga ang lagay ni Akira pero ano? C-comatoes? I-imposible naman ata yun? Nauutal kong saad kila Melvin.
Samantalang si Melvin naman ay natulala sa narinig niya. At si Tita Joanne naman ay napaiyak nalang. Napaupo nalang ako sa narinig ko.
Akira please? Lumaban ka! Wag kang susuko!!! Andami mo pang kailangan malaman!!! Ayokong mawala ka please??? Alam kong kaya mo! Kaya please lang! Lumaban ka! Alam kong kaya mo!! Wag kang sumuko! Maraming naghihintay sa paggaling mo.
Pumunta kami sa kwarto kung nasaan si Akira. Mahimbing itong natutulog, lumapit kami sakanya. Napaiyak si Tita joanne sa lagay ng anak niya. Mismong doctor hindi alam kung kailan siya maggigising.
Pano pa kaya kami?! Dahil hindi ko kayang makita si Akira sa ganong sitwasyon nagpaalam ako kay Tita joanne na lalabas ako. Tango lang ang naisagot ni Tita saakin. Alam kong nahihirapan rin siyang makita ang anak niya sa ganong sitwasyon.
Lumabas na ako at pumunta sa playground, sumunod pala saakin si Melvin. Umupo siya sa swing na katabi ko, pareho kaming walang imik. Nagulat ako ng bigla siyang umalis. Ni hindi man lang siya nagpaalam.
Naghintay ako ng ilang oras dun bago ko napagdesisyonan na umuwi na. Kailangan ko munang mag isip-isip.
*Fast Forward*
5 days passed. Hindi pa rin gumigising si Akira hanggang ngayon. Kakagaling ko lang sa School. Si Melvin naman ay mamaya pa pupunta dahil may inaasikaso pa siya. Nagpaalam saakin si Tita na may kukunin lang siya at may kailangang asikasuhin, kaya ako daw muna ang bahala kay Akira. Umu-oo ako at umalis na rin si Tita.
Nandito ako sa tabi ng higaan ni Akira. Nakatingin lang kay Akira na mahimbing na natutulog. Mukha kanang Anghel jan. Gumising kana! Hindi ka pa pwedeng pumunta sa langit. May mission ka pa dito sa Lupa nato' saad ko kay Akira.
Alam mo Akira, ang tanga tanga ko! Mahal ko si Marianne pero hinayaan kong makapasok ka sa buhay ko. Hinayaan kong mainlove ka saakin.
Akala ko mahal kita' pero hindi pala. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko sayo. Isa lang ang alam ko mahal na mahal ko si Marianne.
A-at n-niloko kita, sobrang tanga ko ano? Ikaw na nga tong nagmamahal saakin nagawa pa kitang lokohin. Akala ko makakalimutan ko si Marianne kapag naging M.U na tayo.
Pero nung M.U tayo hindi ko maiwasang di hanapin si Marianne minsan nga akala ko ikaw na si Marianne. Pareho kasi kayo, nakikita ko si Marianne sayo. Sa ugali maliban lang sa pagkatao niya.
Iba ka, ibang iba ka sakanya Akira. Kaya nga hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mahalaga ka saakin Akira. Pero mahal ko si Marianne.
H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo lahat ng to' gusto ko ng malaman mo to kasi ayokong malaman mo kung kailan huli na. Ayokong mas masaktan pa kita. Hinihintay kitang maggising dahil ang bigat bigat na sa Dibdib na may kinikimkim kang problema.
Ang sama ko. Oo alam ko, nagsisisi naman ako Akira. Kaya nga sana gumising kana para malaman mo na to. Hindi ko na kayang itago pa. Ang hirap Akira. Sorry! Sana mapatawad mo pa ako. Sa tingin ko, hindi na. Pero sana Akira, magawa mo pang patawarin ako sa tamang panahon. Saad kong muli kay Akira
Hindi ko alam kung naririnig niya ako. Basta ang gusto ko lang ay kausapin siya. Nagtataka ba kayo kung nasaan si Marianne? Ayon, "kami" na ulit. Pero hindi niya alam ang tungkol sa sitwasyon ni Akira. Hindi na niya kailangan pang alamin. Ayokong makadagdag sa iisipin ni Marianne.
Nakaramdam ako ng antok, kaya naman natulog ako sa Upuan na nasa tabi ng higaan ni Akira. Ilang oras din akong nakatulog. Nang may naramdaman akong gumagalaw sa tabi ko. Halos pupungay-pungay pa ako ng maggising ako.
Nawala ang antok ko ng makita kong gising na gising na si Akira. Halos nagulat pa ako dahil wala man lang akong makitang reaksyon sa mata ni Akira.
Kaya naman nagmadali akong tumawag ng Doctor para maicheck si Akira. Nang makitang maayos naman si Akira ay umalis na rin ito.
Nagulat ako sa tanong ni Akira saakin.
"Sino ka?' Bakit andito ako? Anong nangyare saakin? Kilala ba kita?"
At dahil dun, unti-unting gumuho ang mundo ko. Ito na ba? Nawala ang ala-ala niya? Tapos ganto? Hindi ako naka imik sa tanong ni Akira. Nawalan ako ng pag asang masabi pa sakanya lahat.
Dahil hindi pa niya nalalaman ang katotohanan, kinalimutan na niya ako. Ang sakit pala. Parang milyong karayom ang tumusok sa Dibdib ko dahil sa inasta saakin ni Akira. Hindi ko rin alam ang isasagot ko sa mga tanong niya. Ang alam ko lang nasasaktan ako.
End Of Xav's POV
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove With The Playboy
Romance"Forgive...Yes" "Forget...NEVER!!! Isang Akira Mae Villazuz babaeng nainlove sa Taong di siya kayang Mahalin, at Taong may Mahal namang Iba, at naniniwala sa Word na M.U ******** -M.U bukod sa Mutual Understanding may iba pa pala itong ibig sabihi...