Kira's POV
Naggising ako ng nasa kwarto ko. Thank god, wala ako sa hospital. Lumingon ako sa side table ko, may enveloped akong nakita. I got curious and I open it already.
Muntik ko pang mabitawan ng makita ko kung kanino ito galing. Akala ko panagip lang lahat. Nananaginip ba ako? Kasi kung oo, ayoko ng maggising pa.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi sa akin ni Xav noong panahon na iyon. Hindi ba dapat ay nagsasaya ako ngayon? Pero bakit wala na akong maramdaman? Napagod na ba ako? Napagod na ba akong mahalin siya?
O napagod na ba ako maging tanga ng paulit ulit. Huminga muna ako ng malalim bago ko binasa ang laman ng enveloped na ito. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mensahe mula kay Xav.
Dear Akira:
I hope you can forgive me for everything I did wrong to you. But please, believe me or not, lahat ng sinabi ko sayo ng magkita tayo ay totoo. Totoong mahal na kita Akira. Please I need you, let me love you please. Let me prove myself again to you. But this time hayaan mo ako na mahalin ka at masuklian lahat ng pagmamahal na ibinigay mo saakin noon. Hayaan mo akong mahalin ka gaya ng pagmamahal mo sa akin noon. Kung sakali man nababasa mo na ito ngayon, give some response please. I don't know what to do Akira. Please, give me a second chance. I love you.
-XavNakita ko nalang ang sarili ko na kinuha ang cellphone ko, wala akong number ni Xav kaya wala akong ibang choice kundi ang i-message siya sa messenger. Nanginginig pa ang kamay ko, mas maganda kung mag uusap kami ng personal. Huminga muna ako ng malalim bago nagtype ng gusto kong iparating kay Xav.
At ng masigurado ko na sent message na ay bumangon na ako sa higaan at nag asikaso. Ayoko ng sayangin pa yung panahon. Pareho lang kaming masasaktan kung ipagpapatuloy pa namin ito.
Medyo kumikirot pa rin ang ulo ko pero hindi na gaya nung mga nakaraan. Mas natitiis ko na ang sakit ngayon kumpara noon. Naligo ako at naghanap ng isang simpleng damit. Napagdesisyonan ko na makipag kita kay Xav.
Gusto ko ng malinawan at gusto ko ng makapag pahinga sa lahat ng nangyayare. Masyado na akong pagod. At hindi ko na alam kung hanggang saan ko pa dapat kayanin o kung makakaya ko pa ba.
Nang makuntento na ako sa itsura ko ay agad kong hinanap si Mama. Pumunta ako sa kwarto niya at nagpaalam, hindi sana siya sang ayon sa gusto kong gawin pero dahil mapilit ako ay pumayag na rin siya.
Para saan pa ba kung patatagalin ko pa ang pangyayare. Masyado na akong nasasaktan at masyado na akong pagod na intindihin pa ang bagay na ito.
Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko, ito na ang kahuli hulihang beses na magiging mahina ako sa harap mo Xavier Gian Ford. Dahil pagkatapos nito ay sisiguraduhin kong wala na. At sisiguraduhin ko na dito na matatapos lahat ng katangahan ko.
Pumara ako ng tricicyle at agad na sinabi kung saan ako pupunta. Hindi naman ito kalayuan kaya nakarating ako agad.
Cafe De supremo ito ang lugar kung saan kami magkikita ni Xav. Nang mapansin ko na nasa loob na si Xav ay hindi na ako nagdalawang isip na pumasok.
Pagpasok ko palang ay ramdam ko na agad yung bigat ng aking nararamdaman. Parang gusto ko nalang takbuhan lahat. Pero hindi, ayoko ng pahirapan pa ang sarili ko. Sapat na lahat ng sakit na dinanas ko. Sapat na ang pagiging tanga ko ng paulit ulit.
Umupo ako sa upuan na katapat ni Xav. Ni hindi ko siya maggawang tignan. Sinubukan niyang hawakan ako ngunit ako na mismo ang umiwas. Ayoko ng gawin tanga ulit yung sarili ko.
*Flashback*
Xav's POV
Tinawagan ko si Melvin, gumawa ako ng isang sulat para kay Akira. At ipapadala ko ito sa bahay nila Akira, at dahil wala akong lakas ng loob na magpakita kay Akira, si Melvin na ang magdadala ng sulat na iyon patungo kay Akira. Wala akong kasiguraduhan kung anong pwedeng mangyare. Ito ang laman ng sulat.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove With The Playboy
Romance"Forgive...Yes" "Forget...NEVER!!! Isang Akira Mae Villazuz babaeng nainlove sa Taong di siya kayang Mahalin, at Taong may Mahal namang Iba, at naniniwala sa Word na M.U ******** -M.U bukod sa Mutual Understanding may iba pa pala itong ibig sabihi...