Marianne's POV
Buwan din ang lumipas simula nang iwan ko si Xav ng walang paalam. At ginawa ko iyon para saaming dalawa. Bumalik ako dahil gusto ko, at bumalik ako dahil akala ko'y may babalikan pa ako.
Hindi ko napigilang hindi i-message si Xav. Kaya naman kinuha ko ang Cellphone ko at agad ko siyang iniwan ng Message.
To: Xavier Gian Ford
Xav? I miss you
Naghintay ako ng reply ni Xav pero wala. Di kaya alam na niya na andito na ako? Nagulat ako ng biglang tumunog ang Cp ko.
*Xavier Gian Ford Calling*
Dali-dali ko itong sinagot.
Xav? Ako to si Marianne. Saka sinong Sunget ba yan??? Ang bilis mo naman makahanap ng kapalit ko. X-xav m-mahal pa kita! Sorry kung iniwan kita ng walang pasabi. Xav please? Tayo nalang ulit! Desperada na kung desperada! Pero Xav? Please maniwala ka. Mahal parin kita!!! Ikaw lang! Please. I still love you! Please tayo nalang ulit.
Hinintay kong sumagot si Xav pero wala. Ni isang salita wala akong narinig mula sakanya. Maya-maya lang ay nawala na ang tawag sa kabilang linya.
Bumuntong hininga ako. Ano ng gagawin ko? Alam kong nasaktan ko si Xav, kaya nga ako bumalik para sakanya. Para humingi ng tawad sakanya at magsimula kami ulit.
Pero di ko naman inaasahan na meron na siyang nahanap na iba. Saka sino naman yung Sunget na sinasabi niya? Ang bilis naman niyang makahanap agad.
Lokohan ba to?' Wala pang taon simula ng maghiwalay kami. Kaya paanong nakahanap siya agad ng iba???
Di kaya "Rebound" niya lang yung Babae? Kung sino naman yun?. Di kaya si Akira? Si Akira lang naman ang alam kong may gusto sakanya at isa rin sa dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Xav.
Sa kakaisip ko ay napagdesisyonan kong pumunta ng Mall. Ilang buwan na ang nakalipas simula ng huling pumunta ako dito. At nung mga panahon na iyon, si Xav ang kasama ko.
Masaya pa kaming dalawa, naglalakad na ako papasok sa Mall ng may mabangga ako. Kaya naman nahulog ang Bag ko. Pwede naman kasing tumingin sa daan eh. Sino ba to?
Marianne? Saad ng nakabangga ko.
Tinignan ko ito at nagulat ako ng makita ko si Melvin.
Kamusta ka? Ilang buwan ka rin nawala. Ni hindi ka umattend ng Moving Up natin. Alam ba ni Xav na andito kana? Saka anong ginagawa mo rito? May kasama ka ba? Tanong ni Melvin saakin.
Ok lang naman ako. Oo nga bumalik ako dito para kay Xav. Saka alam mo ba kung asan siya? Saad ko kay Melvin
Pero hindi niya sinagot ang tanong ko. O sige mauna na ako ha? May bibilhin pa kasi ako. Pagpapaalam ko kay Melvin
Kung ayaw niyang sabihin kung asan si Xav. Ako nalang ang gagawa ng paraan para malaman kung nasaan si Xav.
End Of Marianne's POV
Melvin's POV
Sa dinami dami nga naman ng pwedeng makasalubong si Marianne pa. At hinanap pa niya saakin si Xav. Tsk hanggang ngayon ba naman desperada pa rin siyang bumalik sakanya si Xav?! Kung sabagay hindi na siya mahihirapan dahil mahal pa rin naman siya ni Xav.
Andito ako sa Mall ngayon mag g-grocery ako dahil pupunta ako kay Akira sa Hospital. Dadalawin ko siya, walang nakakaalam na pupunta ako kay Akira.
At si Xav? Ayon nagkukulong siguro sa Bahay nila. Matapos kong sabihin kay Xav lahat-lahat. Saka ko lang napag tanto na Hindi nga pala ni Akira pinapaalam sa kahit sino ang tungkol sa sakit niya.
Nag usap na rin kami tungkol dun. Pero wala eh kailangan kasing malaman ni Xav ang totoo. At kailangan na rin niyang masabi kay Akira lahat.
Pumunta ako sa section ng mga Bisquits muna, hinanap ko yung paboritong pagkain ni Akira. At nang makita ko na agad naman akong kumuha at pumunta na sa section ng mga Prutas.
Sabi nila kapag may sakit ang isang tao. Vegetable/Fruits ang kailangan nito' kaya naman dinamihan ko na ang prutas na bibilhin ko at puros paborito ni Akira lahat.
Papunta na ako sa Cashier nang makita ko ulit si Marianne. Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa kausap niya sa Telepono. Nang mabayaran ko na ang mga pinamili ko ay lumabas na ako at naghintay ng masasakyan papunta sa Hospital.
Maya-maya lang ay may trycle na pumara sakin. "Kuya sa Heaven Hidalgo Hospital po" saad ko sa Trycle driver. Nakarating naman ako agad kaya naman dumiretso na ako sa Room ni Akira.
Kumatok muna ako bago ako pumasok. At biglang bumukas ito, nakita ko ang Mama ni Akira. Nag bigay galang ako at inilagay sa Table ang mga pinamili ko. Nagpaalam saakin ang Mama ni Akira na lalabas muna siya sandali at ako muna raw ang bahala kay Akira.
Tumango naman ako. Nang makalabas na ang Mama ni Akira agad akong lumapit kay Akira. Samantalang si Akira ay mahimbing na natutulog. Ni hindi man lang namalayan ang presensiya ko. Hinaplos ko ang buhok nito habang nakatingin sakanya. Kung tutuusin hindi deserve ni Akira ang masaktan.
Ngayon palang natatakot na ako sa mangyayare kay Akira kapag nalaman na niya ang totoo. At sana naman sabihin sakanya ni Xav lahat kapag naoperahan na si Akira. Dahil baka makasama lang kay Akira kung malalaman niya agad ngayon may sakit siya.
Kung ako lang sana ang minahal ni Akira sisiguraduhin kong di ko siya sasaktan. Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi naman natuturuan ang puso. At mas lalong hindi mo ito madidiktahan. Kung titignan mo si Akira, mukha siyang anghel na mahimbing na natutulog. Kahit ako, nagulat ako ng malaman kong may sakit si Akira.
Hindi naman kasi halata sakanya. At mas lalong hindi mo siya makikitaan ng kahinaan. Kaya laking gulat ko ng malaman ko ang sakit na dinaranas niya. Ang tanga lang ni Xav para saktan niya si Akira. Mas pinili niya pa rin si Marianne kaysa kay Akira. Mas pinili niya yung taong nangloko at nang iwan sakanya ng walang paalam.
Kung ako ang nasa posisyon ni Xav. Hinding hindi ko hahayaang mawala pa saakin si Akira. Laking kawalan si Akira! Hindi siya basta bastang babae. Siya yung tipo ng babae na kailangan mong alagaan at mahalin. Hindi iwan at lokohin.
Kumuha ako ng upuan at itinabi ito sa gilid ng kama ni Akira. Natulog ako sa upuan. Ako na muna ang magbabantay sayo "Batuta". Hinding hindi kita iiwan tulad nila. Hinding hindi! Kasi mahal kita. Kahit alam kong hindi mo kayang suklian ang pagmamahal na iyon' maya-maya lang ay nakatulog na ako. ZzzzzZzzzzZzzzZ
End Of Melvin's POV
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove With The Playboy
Romance"Forgive...Yes" "Forget...NEVER!!! Isang Akira Mae Villazuz babaeng nainlove sa Taong di siya kayang Mahalin, at Taong may Mahal namang Iba, at naniniwala sa Word na M.U ******** -M.U bukod sa Mutual Understanding may iba pa pala itong ibig sabihi...