Xav's POV
Naggising ako ng bandang 9:00am ginawa ko ang daily routine ko nag jogging at nag work out ako. Pagkatapos kong gawin yun ay naglakad lakad muna ako habang naglalakad ako ay tumunog ang cellphone ko tinignan ko at nakita kong tumatawag si Mommy. Di daw siya makakauwi ng lunch dahil may inaasikaso daw siya pagkatapos namin mag usap ay napagdesisyonan ko na umuwi.
Nadatnan ko si Manang na naghahanda ng pagkain para sa tanghalian namin. Umakyat muna ako sa kwarto ko para maligo pagkatapos ay nagbihis.
Habang kumakain ay binuksan ko ang facebook ko, tagal ko rin hindi nabuksan ito mula ng umalis ako. Ang daming notifications pero hindi ko na inisa isa yun. Nag scroll lang ako at biglang nakita ko ang post ni Akira na picture latest yun dahil kagabi niya lang pinost. Natulala ako, nandito siya sa New York ang ganda niya gumanda siya lalo. Tinignan ko ang comments ang laking gulat ko ng si Melvin ang may unang comment doon."Gumanda ka yata agad? Ganyan ba talaga pag nasa New York? Hahaha. I miss you Aki comeback soon." Yun ang comment ni Melvin sa pic ni Akira, nang tignan ko kung may reply si Akira ay napa ngiti ako.
Nag react lang siya ng heart sa mga comments doon. Meron din mga comments na puro heart lang ang react ni Akira. Di ko maiwasan na hindi mag comment sa post niya hindi naman siguro siya magagalit. Napahagikgik ako sa naging comment ko.
Napansin ko ang laptop ko na tumutunog lagi kasing bukas ang laptop ko kapag nandito na ako sa bahay madalas na tumawag sakin si Melvin. Nang tignan ko ito ay si Melvin nga, sinagot ko ito agad. Agad bumungad saakin ay medyo pag aalinlangan sa mukha niya.
Oh tol? Kamusta? Ako na ang unang bumati sakanya. Nandoon parin ang pag aalinlangan sa mukha niya hinintay ko siyang magsalita pero nabigla ako sa sinabi niya.
"Tol nasa New York si Akira nagkita ba kayo? Alam ba niya na nandyan ka rin? Tol hindi ko alam na nasa iisang lugar lang kayo kaya hindi posibleng magkita kayo, ano gagawin mo kapag nagkita kayo? Tol masaya na siya, wag mo na siyang guluhin masaya na siya saakin" Ani Melvin.
Hindi ako kaagad nakasagot sakanya isa lang ang naglalaro sa isip ko ngayon sinundan niya ba ako? Pero imposible yun dahil hindi naman niya alam kung nasaan ako. Hindi kaya sadya talaga na pinagtatagpo kami pero para saan? Umiwas ako dahil ayoko na siyang guluhin pa pero bakit pinaglalapit parin kami ng tadhana? Natulala ako sa sinabi ni Melvin.
"Kailan pa siya pumunta ng New York?" Ani ko kay Melvin. Nag kunware ako na hindi ko pa alam na nandito si Akira. Hindi alam ni Melvin kung ano ang pwedeng mangyare kapag nagkita kami ni Akira ng hindi inaasahan, napabuntong hininga nalang ako.
Pano nga kung biglang magkita kami ng di inaasahan? Ano gagawin ko? Kakausapin ko ba siya? O lalayo ako? Ano bang dapat ko gawin? Frustrated nanaman ako sa mga nalaman ko. Hindi na ako nakapag paalam kay Melvin ng ibaba ko ang tawag niya sa skype. Nawalan rin ako ng gana kumain ng tanghalian kaya naman humiga nalang ako sa higaan ko.
Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko ngayon. Gaya parin kaya siya ng dati? O marami ng nagbago? Kamusta na kaya siya? Maayos naba siya? May sakit parin ba siya? Lahat ng yan ang tanong ko sa isip ko, at alam ko rin na hindi yan masasagot. Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. Bakit bigla nagkaganito? Akala ko magiging ayos na lahat kasi lumayo ako. Hindi na ako mapakali kaya naman tumayo ako sa higaan at nagbihis ulit.
Naghanap lang ako ng matinong damit at bumaba na. Hinanap ko si Manang at nagpaalam na lalabas muna ako saglit tinext ko na rin si Momny na sa labas nalang ako kakain ng lunch. Dinala ko yung isang kotse ni Mommy wala naman problema yun dahil marunong na ako mag maneho at may lisensya rin naman ako.
Napadpad ako sa isang Cafe, pumasok ako doon at agad na nagtungo sa cashier, milktea at cake lang muna siguro ang kakainin ko dahil wala talaga akong gana. 15 mins bago dumating ang inorder ko. Nasa pinakagilid na table ako umupo para hindi nakakahiya kung sakaling magtatagal ako dito.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove With The Playboy
Romance"Forgive...Yes" "Forget...NEVER!!! Isang Akira Mae Villazuz babaeng nainlove sa Taong di siya kayang Mahalin, at Taong may Mahal namang Iba, at naniniwala sa Word na M.U ******** -M.U bukod sa Mutual Understanding may iba pa pala itong ibig sabihi...