Chapter 69:

2 0 0
                                    

Xav's POV

Pagkagaling sa gym ay umuwi ako agad. Nagbihis ako at kumain bago bumalik ulit sa kwarto. Humiga lang ako at nakatitig sa kisame ng biglang tumunog ang cellphone ko naka open pala ang wifi kaya pumapasok ang mga notifs sa cp ko. Agad ko itong kinuha at ganon nalang ang gulat ko ng makita ang picture ni Akira nagchat siya saakin? Dali dali ko itong binuksan.

From: Akira Mae Villazuz

Are you free today? Let's meet at the Cafe' 3:00pm kung saan tayo nagkita kahapon. Seeyou, thank you.

Dali dali akong nagreply sakanya.

To: Akira Mae Villazuz

I'm free, ok see you there Akira :)

Nang maisend ko yun ay agad na akong nag asikaso. Naligo ako ulit at nagbihis dapat ay mauna ako sakanya sa Cafe nakakahiya kung siya ang mauuna saakin. Nang makapagbihis na ako ay pumunta ako agad sa kwarto ni Mommy at nagpaalam sakanya na may pupuntahan muna ako agad naman siyang pumayag at sinabi na dalhin ko nalang daw yung kotse. Bago mag 3:00pm ay nasa Cafe na ako humanap ako ng maganda pwesto at agad na nag order. Matcha De Luna flavor ang kinuha ako para kay Akira samantalang saakin naman ang Okinawa Miljie umorder narin ako ng dalawang slice ng cake. Maya maya lang ay dumating na si Akira naka dress siya ngayon na black at black heels ngayon ko lang siya nakitang magdamit ng ganoon siguro nga ay maraming nagbago sakanya.

Tipid siyang ngumiti saakin bago siya nagsalita. Halata sakanya na hindi siya mapakali at mukhang naiilang siya saakin.

Xav? Kailangan natin mag usap tungkol doon sa nangyare 6 months ago mula ng umalis ka we need to clarify things bago ako bumalik ng pinas." Saad niya

Natahimik ako sa sinabi niya maya maya lang ay dumating na ang order namin at agad niyang kinuha ang milktea niya nang magsalita ako ay binalik niya ulit sa table ang milktea at nakinig sa sasabihin ko.

"Akira? I mean Aki, siguro hindi na talaga tayo babalik sa dati masyado na ngang huli ang lahat. Pero gusto ko lang malaman mo na totoong mahal kita hindi ko alam kung bakit hindi ko agad naramdaman yun kung bakit hinayaan kong mahuli na ang lahat bago ko pa masabi sayo. Alam kong masaya kana kaya umalis ako para mas maging masaya ka ng wala ako kasi hindi na ako ang kailangan mo siguro ay masyado na tayong nagsasayang ng panahon kaya ito na ang tamang panahon para tapusin na natin lahat at magkaroon ng closure." Ani ko.

"Yes, I do love you pero hindi na sapat na dahilan yun para manatili tayo sa ganito gusto ko ng makalimot Xav gusto ko ng mag move on sa lahat ng sakit na pinaramdam mo saakin. I want to move forward Xav away from you please sabihin mo kung ano pa ang kailangan kong gawin para matigil na tong nararamdaman ko sayo. I want to get enough to you kasi sobra sobra na hindi ko na alam kung kakayanin ko pa Xav. Tulungan mo akong kalimutan ka ayoko ng maramdaman ulit yung sakit." Saad ni Akira.

Natahimik ako sa sinabi ni Akira, napansin ko rin ang namumuong luha sa mga mata niya hindi niya namalayan na tumulo na ang mga luha niya kaya bago pa man lang niya ito punasan ay inunahan ko na siya. Agad siyang tumayo at sinubukan akong iwan pero hinigit ko ang kamay niya at hinila siya patungo sa parking kung nasaan ang kotse ko. Hindi ko siya binibitawan dahil alam kong aalis siya iiwan niya ako at ayoko ng mangyare yun. Tuluyan ng bumuhos ang mga luha at hikbi ni Akira hindi ko alam ang gagawin ko. Wala na akong pakialam kung itulak niya ako o ano hinigit ko siya palapit saakin at niyakap ramdam na ramdam ko ang sakit na pinadama ko sakanya. Nang yakapin ko siya ay nagpumiglas siya at hinampas ako sa aking dibdib ramdam ko ang galit at hinanakit niya saakin. Hinayaan ko siyang saktan ako hanggang sa mapagod siya huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Akira, let's start over again please magsimula tayo ulit ayusin natin to." Ani ko sakanya.

Wala na akong ibang alam kundi ang sisihin ang sarili ko dahil sa mga nangyare kay Akira. Gusto kong bumawe at ayusin lahat ng pagkakamaling naggawa ko sakanya. Ito lang ang tanging paraan na alam ko mahal na mahal ko siya, at alam kong ganon rin ang nararamdaman niya sa akin pero masyado siyang takot. Takot na baka iwan at saktan ko lang siya ulit gaya ng ginawa ko noon. Pero paano ko ipapakita at ipaparamdam sakanya na sigurado na ako? Pano ko sasabihin sakanya na nasaktan rin ako na pinagsisihan ko din lahat? Paano? Kung ang nakikita niya lang saakin ay ang mga maling naggawa ko sakanya. Huli na ba talaga para gumawa ako ng paraan? Para itama to lahat. Masyado ba akong huli sa pagkakataon na to? Wala na ba talagang paraan para maitama ko lahat ng pagkakamaling nagawa ko? Kailangan pa ba humantong sa ganitong sitwasyon, bakit kailangan ko pa siyang saktan.

Selfish na bang matatawag kung pipilitin kong mahalin niya ako ulit? Alam ko nagkamali ako pero gusto kong itama lahat ng pagkakamali na yun. Pero bakit ayaw maki ayon sakin ng sitwasyon. Bakit? Dahil ba sa karma ko to? Ito na ba yung kapalit sa lahat ng pagkakamali ko? Gustong gusto kong yakapin at aluhin si Akira pero hindi ko magawa. Naduduwag ako lalo baka mas lalo ko lang siya masaktan kapag itinuloy ko pa to kagaguhan nato. Siguro tama nga siya mas mabuti nga siguro na mag move on na ako dahil ganon rin naman ang gagawin niya. Iniisip ko palang parang hindi ko na kakayanin. Nagmahal ako pero huli na pala yung pagmamahal na yun kahit anong pilit pa gawin ko wala na din silbi. Hinayaan ko siyang mawala saakin. Hinayaan kong kamuhian ako ng babaeng mahal ko.

Anong kailangan kong gawin para bumalik siya sakin? Hindi ko alam na sa huli ganito pala ang mangyayare saakin. Hindi ko alam na lahat ng karma saakin pala mapupunta. Ganito rin ba yung naramdaman ni akira nung mga panahon na hinahabol niya ako? Nung mga panahon na tanga siya sa sobrang pagmamahal saakin? Ngayon naiintindihan ko na. Ang hirap pala, ang hirap maghabol sa taong pilit tumatakbo palayo sayo. Kahit madapa ka man hindi siya titigil para tulungan ka dahil ayaw niyang madapa rin at masugatan muli. Natahimik kami ng sabihin ko ang mga katagang iyon. Siguro ay masyado ko nanaman naapektuhan yung nararamdaman ni akira wala na akong nagawang tama para sakanya. At sa hindi malaman dahilan tumulo yung luha ko kasabay ng pag iyak ni akira nasasaktan kaming dalawa yakap ko siya pero hindi niya magawang yakapin ako pabalik. Hindi ko na mapipilit na mahalin niya ako ulit pero sana hayaan niyang bumawi ako sa lahat lahat ng pagkakamali at pananakit na nagawa ko sakanya.

End Of Xav's POV

Unexpectedly Inlove With The Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon