Kabanata 1

471 9 0
                                    

Kabanata 01

Bago na naman.

Erin Lo's POV

Bukod sa isang taon ko na lang dito sa School at 16 years na akong walang boyfriend... kase siguro hindi ako close sa kanila? Baka? Siguro? Pwede, pwede.

Bukod dun.. wala nang bago and the rest pa ulit-ulit lang yung nangyayare sa campus.

Issues about dun at about dyan.. kesyo ganyan o ano pa man yan. Happy to say! Hindi ako kasama sa mga yun.

Subukan lang nila ako kantiin at ako mismo ang tatayo para kalabanin sila. Matapang teh? Teh ganda ka?

"Seniors pumila muna kayo doon, wag muna kayong humarang dyan, tsk! Hoy! Ano ba?!" Sigaw nang isang gwapong teacher. As far as i know bagong teacher sya last year. Close kami kaya lumapit ako sa kanya.

"Serrrrr!!!" Pang-aasar ko sa kanya. Agad nya 'kong napansin kaya mabilis yung pag harap nya. Natawa naman ako sa reaksyon nya.

"Ano? Pumila kana dun Lo nang mabawasan mga estudyanteng matitigas ang.. ay! Aray! Ano yun?" Sigaw nya ulit pero nakatingin sya sa damit nyang nabasa.

"Ay! Hala! Si Sir Gwapooo!!!" Sigaw nang grupo nang mga babae sa gilid.

Sinamantala ko na ang pagkakataon at mabilis na hinanap ang pangalan ko sa bulletin board.. at nakita ko nga.

"Pilot section.." bulong ko sa sarili.. Pilot section na naman pala ako. Masaya na hindi? Oo. Matalino ka sa paningin nang lahat pero.. nakakalungkot din minsan kasi sila at sila parin classmate mo.

"Hala Sir! Hindi ko po kasi mabuksan yung C2 kaya.. hmm.."

"Pinasa po namin sa kanya"
Sabay turo sa babaeng halos katabi ko lang.

"Ah.. ano po. Opo Sir. Sorry po." Tapos mga nakatulala sila sa mukha ni Sir.

Ok.

As i expected.

"Tsk! Pumila na muna kayo girls." Sabay turo ni Sir sa Court.. Actually naka tiles ang Court namin dito kaya sa lapag talaga kami uupo para makita ang malaking screen.. yup. Tapos lalabas dyan mamaya maya lang ang list nang mga names na magkakaklase.

Since..

Grade 10 students na ako. Ayoko man sabihin pero Senior's ang tawag... hindi ko gusto pero ganon talaga.

Hindi ko na pinansin si Sir at ang mga mga babaeng natapunan sya nang C2? Seryoso? Hahahaha

"Grabe! Huyy!"

"Aray! Aray! Makatulak?"

"Napansin tayo ni Sir noh?! Yaaahhh!!! Magandang pabungad para sa school year ko."

Napalingon ako sa mga grupo nang kabataan sa likod na nag uusap usap. Napatingin rin sila sa 'kin kaya ngumiti ako.. ewan ko kung ngiting aso or ngiting plastik. Bahala sila kung ano yung dating nun sa kanila.

Pumwesto na ko sa kung saan sama sama ang Seniors. Ang grupo nang mga kabataan, nasaan? Nasa place nang Sophomores. Tsk! Mga bata pa pala 'to.

Napapailing na lang ako minsan pag Freshmens may ka inrelationship. Ay ewan hahahah minsan transferees pa e. Bagong salta sa School na Soon to be University..

Inilibot ko yung tingin ko. Ang daming bago... ang daming transferees ngayon, kahit saang year level. Halos mapuno ang Court.. actually puno na nga, tapos maaga pa.

"Please settle down. We're about to start." Sabay ngiti nang teacher. Bago rin? O baka matagal na. Hindi ko lang napapansin.

Mabuti na lang mahangin at maganda ang panahon. Bakit kasi yung mga magulang nakikisiksik pa dito? Ayan. D na magkada ugaga yung mga bata.

"Eriiiiiin!!! LO!!!!" Kahit hindi ako lumingon alam kong sya yan.

Sya yan!

Sya talaga yan!

Sya nga sabi yan eh!

Ayoko sanang humarap kasi alam ko. Oo alam ko na halos kalahati nang populasyon dito ay nakatingin sa'min.

Agaw atensyon kasi 'tong si Trish!

"Dapat sumisigaw?"
Napataas yung isang kilay ko kaya tumawa sya.

Lagi syang ganyan. Lahat nang bagay tinatawanan kahit seryoso yung tao. Tsk! Napailing na lang ako.

"Hi. Pwedeng sumingit?" Boses ulit ni Trish.

Lumingon ako nang dahan dahan sa kanya. Nakikipag usap sya ngayon sa lalaking mukhang tahimik sa likod ko.

"Ay? Pwede ba? Parehas naman tayong Senior e." Sabay tawa ulit nya. Napa irap na lang ako.

Huwag nyo kong matanong tanong kung pa'no ko sya naging kaibigan kasi hindi ko rin alam.

Ang dami kaya naming pagkakaiba. Like? Hello! Ang friendly nya masyado especially sa boys and ako? Hindi ako close sa kanila. Besides, hindi maganda ang tingin ko dun sa mga girly girl na babae na masyadong malapit sa boys.

Tsaka just like what i've said. Friendly sya at ako? HINDI. Ayokong may epal. Basta. Siguro natatakot din sila? Mataray at maldita ang tatak sa'kin sa school.

Okay?

Kaya from 16 years of existence eh single parin ako.. Do you guys think if that was a normal?

"Thank you talaga.. uhmm?? Hindi ko alam name mo pero thank you ha!" Habang binibigkas yan ni Trish mula sa likod ko ay naiimagine ko yubg mukha nya.

"Sige ok lang, hahaha aalis na rin ako." Sagot nang lalaki. Medyo mahina pero ang gwapo nang boses.

Hindi ko sila nilingon pero yung mukha ni Trish..

Yung makinis at pinkish nyang pisnge pati ung labi nyang mapula dahil sa liptint. Tumatawa at nakangiti kabang nakikipag usap.

"Habang naghihintay pa tayo sa lahat. Let us give welcome the 'We Are One' band for the short presentation." Ngiting ngiti naman ang emcee habang nagaabang ang paglabas nang banda.

Mahilig ako sa mga kanta nang binubuo nang grupo. Nakakatuwa kasi pag nagiging united yung mga boses nila.. heaven.

But. Never ko pang napanood ito nang live. Kahit ano sa mga meet up or concert hindi naman ako uma-attend.

At sa kahit anong concerts man yan hindi rin ako papayagan. Maiipit lang daw ako sabi ni Mama, Overprotective.

Baka tulugan ko lang yung mga performers. Hays. Wag naman sana.

Gising Lo!

Gising!

Ma appreciate mo naman sana yung pagtayo nila sa maraming tao. Gising!

Hays!

Eto yung ayaw ko. Tsk! Ayokong may nasasayang na efforts or ayokong ma feel nila na hindi sila na appreciate nang tao.

"Lo!" Medyo malakas ang pagkakatawag nya habang kinakabit pa 'ko.

Tinaasan ko muna sya nang isang kilay bago sumagot. "Ano?"

"Taray?" Sabay tawa nang mahina. "Ano, Sa tingin mo ano kakantahin nila?" Natahimik ako at pinagmasdan ang Limang lalaki na sine set up yung gagamitin nilang instruments.

"Gwapo pala nila..." bulong pa nito.

Napansin ko ring yung maingay kanina at halos d magkanda ugagang Court.. natahimik.

Lahat nang atensyon ay napako sa Limang lalaki sa stage na tahimik at minsan ay nag ngingisihan habang nagbibiruan.

Umuling na lang ulit ako.

May bago na namang pagkakaguluhan...

°•○●●○•°°•○●●○•°

Don't forget to leave some comments ang voooteees heheheh lavýuù guysueee haaart haaarttt

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon