Kabanata 7

222 8 0
                                    

Kabanata 07

Walang next time.

Erin Lo's POV

"Ang swerrrrrteeeeee!!!"

Rinig na rinig ko yung sigawan nang mga estudyante sa harap ko. Oo. Nasa stage ako ngayon kasama yung lima.

Naka upo ako. Hindi ko kasama si Trish dahil bigla na lamang akong pinag hihila nang mga kapwa ko Grade 10 para makapunta sa stage at nang makapili na ulit nang bagong Lucky Girl.

Nanginginig ako. Hindi ako sanay na may nakatutok na spotlight tapos nagsisigawan sila. Nakakatuwa kasi yung iba nag e-enjoy lang pero karamihan pa yata ay nagagalit o naiines sa'kin.

Hindi ko tuloy mapigilang magtaas nang isang kilay. Oo. Alam ko. Nagmumukha na naman akong maldita o matapobre. Wala 'kong pake. Ganito na 'ko. Since birth! Tanong nyo pa kay Trish.

"Guys. I don't want to be called by CED. Can you call me.. MINE."

Nagwala na naman ang mga Estudyante. Ilang lunok na ba ang nagawa ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung pa'no mag re-react sa kanila.

Bukod doon. Habang tumatagal ako sa stage ay lalong sumasama ang tingin nang mga kababaihan sa'ken.

Oo. Eto na ah! Okay. Madaming magaganda dito sa Megadrillente. Actually. Halos lahat na yata nang magagandang babae ay nandito nakatira.

Kaya siguro nandito ang WAO? Kaya siguro dito sila nagpapasikat dahil gusto nilang maghanap nang babae?

Kung ganon. Hindi ako Lucky Girl. Hindi ako maganda tulad nila. Hindi ako pala ayos at tanging Talino lang ang kaya kong ipagmalaki.

Yun lang.

Yumuko na lang ako dahil sa hiya. Nahihiya ako syempre. Hindi ako sanay sa ganito. Napansin yata nila 'yon.

"Ang pangalan nang Lucky Girl natin ay?" Nakatingin silang lahat kay Wayne habang nakatutok na sa'ken ang mic.

"ERIN CHAI LOOOOOO!!!!" Napapikit na lang ako sa sumigaw. Nakuha ni Trish lahat nanng atensyon.

Bwisit talaga to! Hindi ko nga gusto yung name ko e! May galit kaba sa'ken? Please.

"Nice Name." Bulong ni CED sa gilid ko. Hindi ko alam kung may nakarinig paba non bukod sa'ken. Hindi naman sya naka mic.

"Seryoso na 'ko. Please call me Ed. Since hindi naman kayo iba sa'ken." Nag strum si CED uh.. Ed pala. Tapos syempre! Nagsigawan na naman sila.

"May request ka?" Bulong ni Chase sa gilid ko. Nilayo nya yung mic. Kaya ako lang nakakarinig.

"Wala akong maisip." Napakamot ako sa ulo. Hindi ako makapag isip nang kanta.

Ngumiti sya sa'ken. Tapos napansin nya yatang nakatingin ako sa kanya kaya namula yung tenga nya.

"Para sayo."

"Y-yung kanta?"

"Alam mo yun? G-gusto mo bang iyon na lang?"

Since alam ko naman yung kantang 'yon kaya tumango na lang ako. Ilang minutes lang kaming nagka usap ni Chase pero.. mukhang napatay na nila ako.

Napairap na lang ako sa kanila. Wala akong ginagawang masama. Hindi ko na ikagugulat kung may magpaparinig sa'ken pag tapos nito.

Kung si Trish o Isha siguro ang nandito sa kinatatayuan ko ay baka matanggap pa nila kesa yung ganyan.

Nagmumukhang dinaya ko lang yung Lucky Girl na'to kaya napili.

"Okay, Let's Start!!" Nag umpisa na namang nag-ingay ang mga Students.

Ako lang ba nakaka feel nito? Si Chase yung tahimik at mukhang inosente sa kanilang Lima pero sya yung higit na mas tinitilian.

Siguro dahil sa mala perfect nitong Features. Although gwapo naman silang lima pero iba si Chase.

Ugh! Paanong iba si Chase? Gwapo oo. Pero Lo! Hindi pwede. Focus!!!!

Baka kasi sya yung nagtayo nang WAO kaya sya yung mas sikat. Oo! Tama. Dahil don nga 'yon.

Nag-umpisa na sila sa pag kanta. Kasabay nun ang pag sigaw nila nang Fan Chants.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang iilan na nakatingin sa WAO.

Ang ganda kasi nila tignan kapag nasa stage ka. Hindi sila mukhang nag sisiksikan tapos hindi halatang nagkakagulo.

"Lumayo ka na sa akin.
Wag mo kong kausapin.
Parang awa mo na wag kang magpapa akit sa 'kin..."

Kahit ako ay sumasabay sa pag kanta nila. Bukod sa alam ko yung kanta madalas nagiging jamming namin 'to ni kuya.

Hindi ko maiwasang mahiya sa lahat nang taong nakatingin sa'kin sa tuwing lalapit sila para bigyan ako nang bulaklak.

Tapos minsan hinahawi nila yung buhok ko.

Minsan ay may pag akbay pa silang ginagawa. Okay. Ang Lucky Girl nga talaga.

Ang daming nagsisi-sigaw na hindi pa daw ba matatapos 'to? Pili na daw sila nang bago.

Malapit nang matapos ang kanta. Halos hindi ko na marinig ang sinasabi sa lyrics. Lalo pa ngayon na kay Chase yung mic.

Puro sigawan. Tilian. Mura at nagkakagulong mga tao. Yung iba ay hindi naman students sa School pero nandito rin.

"Bakit may umiiyak?" Eto na naman ang inosenteng mukha ni Chase. Ang pagiging concern nya na lalong nagpa hagulgol sa mga babae.

OA? Ganon lang siguro talaga. Hindi pa kasi ako nagiging fangirl nang kahit anong fandom e.

"Naiipit na kamiiii!!!" Sigaw nang iilan.

"Kami naman sunoood!!"

"Magwawala kami talaga ditooo!!!"

"Woaaahhh!!! Kami namaaan!!"

Sumenyas silang tumayo na ako. Kaya naman tumayo na 'ko. Magkakatabi na kami sa harap.

Tapos na rin ang kanta. Binitawan na nila yung mga instruments at tanging si Chase lang ang tahimik.

The rest sa grupo ay nakikipag ngitian at sigawan para makasagot sa mga babae na nakikipag-usap.

Curious lang talaga ako. Okay? Hindi naman sa gusto kong makipag kaibigan? Pwede rin. Kaibigan lang naman.

"Tahimik mo pala?" Nagulat yata sya sa tanong ko kaya ang bilis nang pag tingin nya sa'kin.

Napataas na naman ang isang kilay ko. "Bakit? Magugulatin ka din ba?"

Humawak na naman sya sa batok nya at namula na naman ang tenga.

May sakit ba 'to?

"Mahiyain ka rin noh?" Hindi ko alam kung ano ang dating nang tanong ko sa kanya.

Baka isipin nya na ang matanong kong tao tapos madaming napapansin tapos nakataas pa kilay ko.

Gusto ko lang makipag kaibigan? Ha?  Kailan pa?

Kailan pa ako nagka interes na makipag kaibigan sa lalaki? Hahaha nakakatawa ka Lo!

"Hindi masyado." Sagot niya.

Hindi rin sya madaldal? Pa'no sya minamahal nang mga nag 'fa-fan sa WAO' eh parang kalahati nang tao sa School ay mas baliw na  baliw sa kanya.

"Tungkol nga pala dun sa Lucky Girl." Seryoso ang mukha ni Brixs.

"Sorry Girls." Si Ed naman ang naka simangot ngayon.

"Wala nang next time.." napatingin naman ako nang bigla kay Chase at nanlalaki pa mata ko.

"Walang next time?"

Ngumiti sya sa'kin habang tumatango.

Isa lang masasabi ko.

Ang gwapo ni Chase Emmanuel Martin...

Sobra....

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon