Kabanata 15

184 10 0
                                    

Kabanata 15

Spark.

Erin Lo's POV

"Sorry kung hanggang ngayon hindi parin ayos yung sitting arrangement nyo ah." Binaba ni Ma'am ang makapal na Papers. "Bukod sa Busy ako dahil sa MMG, Busy din sa pag gawa nang Reviewers. Ay mga anak. Lalong lalo na pala kayong dalawa."

Kahit hindi ako tumingin ay alam kong sa'min sya ni Chase nakatingin.

Nakaka agaw kasi nang pansin yung mga babaeng nasa tapat nang room. Halos magkanda putukan yung mga labi sa pula. Tapos kahit hindi ko alamin, Alam kong naka make-up sila. Although kahit wala namang ganon masasabi kong maganda sila.

Megadrillente kaya 'to noh! Home of the Beauty and Brain.

Kaya siguro sila nakaganon dahil grade 10 na kami. Malapit nang mag college. Hay.. Medyo mabilis kasi pagtapos nang First Grading. Second na agad-agad.

"Huy, Chai!"

"Aray, Bakit ba?" Naiinis na pagkakasabi ko. Siniko kasi ako ni Trish tapos tumama sa tagiliran ko.

"Ms. Lo? Lutang ka Lately. There's any problem?" Halos lahat ay nakatingin sa'kin at kay Ma'am.

"Wala po. Pagod lang."

"Good news! Pag tapos nang mga meeting ninyo pwedeng hindi na kayo pumasok sa Klaseng hindi nyo napasukan. Makakapag pahinga kayo. Okay? Mr. Martin?"

"Yes Ma'am." Mala anghel na boses nya galing sa likudan. Myghad! Pinapagod ako ni Chase.

Napupuyat ako sa kanya.

Sya at sya na lang pumapasok sa isip ko. Lahat nang bagay naiisip ko sya. Ang lakas nang charm nya.

Nababaliw na 'ko. Minsan kahit pagod na pagod na 'ko sa paghahabol sa SchoolWorks, Sa pag rereview at sa Meetings ayun, Bigla bigla na lang syang papasok sa isip ko.

Eto yung iniiwasan ko.

Naramdaman ko na rin 'to kay Bry eh. Eto yung Feelings ayoko na ulit ma feel nang matauhan ako kay Bry.

Ayoko na. Nakaka apekto sa Acads ko. Omg! Ang bilis talaga makuha nang Focus ko!

Hindi ko na nga sya pinapansin pagtapos nung Audition sa BOTB. Hindi parin ako nakakapag Thank you man lang sa VIP Ticket na 'yon.

Umiiwas na rin ako. Ewan ko kung napapansin nya 'yon o hindi.

Kahit kailan. Hindi parin ako nagtatanda. Kahit na alam kong hindi pwede, ayun. Nalaglag parin.

Chase. Why naman ganon?

"Anyway, Bago ko ipamigay lahat to." Tinapik nya yung mga papers. "Tayo na kayo. bring your bags."

"Ma'am? San po tayo pupunta?"

"Sitting Arrangement."

What?! NOOOOOOOOOOOO!!!!!

Bakit ngayon pa? Lord? Bakit po? Parang nananadya nang slight? Medyo lang naman po.

Halos hindi ako makalakad papunta sa harap. Hindi pwede. Dapat nung nakaraan pa 'tong arrangement na 'to e!

"Erin. Ok ka lang? Masakit ba yung paa mo?" Luluhod pa sana si ART para tignan 'yon pero pinigilan ko sya.

Si ART naman ang medyo nakakasabay ko. Nagiging kaibigan ko na nga sya e. Walang malisya yung mga sweet words nya. Halos lahat naman nang babae ganon nya itrato. Tulad ngayon.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon