Kabanata 21
Eto naaaa.
Erin Lo's POV
Ang lakas nang loob ko o makapal lang talaga ang mukha ko.
Hindi ko alam kung alin sa dalawa pero ang alam ko lang sana hindi ko na lang sya tinawag sa kalagitnaan nang paguusap usap nila.
Nakakahiya.. Sa puntong 'yon naramdaman ko talaga ang hiya.
Nauuna akong maglakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Mas lalo lang lumalakas yung pagwawala nang puso ko pag naririnig ko yung yapak nya. Yung pag sunod nya.
Hindi sya tumigil sa pag sunod sa'kin. Pakiramdam ko tuloy ang special ko. Lodi! Argh! Feeling special na naman!
Sa hinaba haba nang nilakbay ko. Nakaramdam na ako nang pagod. Na hinto kami malapit sa fire exit. Hindi naman masyadong ginagamit 'yung hagdan na 'yun kaya walang masyadong dumadaan.
Pa'no ko ba sisimulan 'to.
"Chai.."
Nagulantang ako sa boses nya. Napatalon ako nang konti. Nakita kaya nya?
"C-Chase?" Kahit ayoko, Humarap ako sa kanya.
"Tungkol sa sasabihin ko-"
"May sasabihin din ako, Pero ikaw muna."
Mas lalo tuloy nagwala ang puso ko. Sasabihin niya bang puno na yung friends nya sa fb? Wala nang paglagyan sa'kin?
Sasabihin ko pa ba 'yung 'pa accept' thingy? O dun na agad sa crush kaya kita! Omg!!
"Hindi mo ako inaccept sa fb kagabi."
"Ah.. Tungkol do'n..."
"Hindi ka ba nag e fb? Mi-Minsan lang?"
"Kailangan ko pa bang i accept ka? I mean, Ganon ba 'ko kahalaga?"
Halos manigas ang buong katawan ko. Yung dila ko parang hinila pabalik sa loob. Wala akong masabi. Hindi pwede! Magpalusot dapat ako.
"Oo. Vice President kaya ako sa room."
Tumango tango sya sa'kin.
"I a-accept mo ba ako?"
Hinihintay ko 'yung sagot nya. Nakatingin ako sa labi niya shet sana sabihin niyang 'oo'.
"Yun lang? Yun lang sasabihin mo?"
Ano ibig nyang sabihin? Nagpa ikot ikot kami hanggang sa makarating nang fire exit tapos mag papa accept lang ako?
Naramdaman ko na naman yung pagka antok. Pagod na nga talaga ako.
"Hindi lang 'yon. Pero.. pero kaya ako ganito kasi hinihintay ko yung pag accept mo. . . Sa'kin."
Umupo ako sa hagdan kasi kung hindi matutumba na 'ko sa pagkakatayo. Inaantok na talaga ako. Bakit kasi ngayon ko pa naisipang umamin sa kanya?
"T-Talaga?"
"Talagang talaga. Tsaka Crush din kita. Okay? Layuan mo na 'ko kasi habang tumatagal lumalalim yung pag tingin ko sayo."
Nakapikit na 'ko habang sinasabi ko 'yan. Hindi ko na nga rin nakita yung ekspresyon nya e. Hindi ko na rin narinig yung sinasabi niya.
Basta. Umamin lang ako habang antok na antok na 'ko.
"Tara. Iuuwi na kita. Inaantok ka lang."
Talaga ba? Pagtapos kong umamin sayo sasabihin mong inaantok lang ako? Maniwala ka nga! Hindi ako lasiiiiing!!
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Teen FictionHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018