Kabanata 32

138 5 0
                                    

Kabanata 32

Wao yan eh

Erin Lo's POV

Pagtapos kong gawin ang routine na sinasabi ni Ella. eto na ako. naka upo sa harap nang salamin. Hindi na 'ko mukhang stress. Parang kakambal lang ni Erin 'yung kaharap ko ngayon. clone lang ganon.

'Myghad Erin Lo. Is that you?'

"Sabi na nga ba eh! Effective talaga si Ella na mag ayos sayo." Yan agad 'yung bungad ni Mama sa'kin nang makababa na 'ko.

"Mag-aaral ka sa Maynila next year ah. Para naman maging independent ka. Kasama mo si Ella. Pero choice mo naman kung saan ka mag-aaral." Ngumiti ako kay Papa.

Buti naman. Nasa'kin parin 'yung desisyon ko kung saan ako mas komportable mag-aral.

"Sa school na po ako kakain. Ba bye na po Mama, Papa!" Pagtapos kong mag kiss sa kanila nagmadali na 'kong pumasok sa kotse.

Hindi ako pwedeng ma late ngayon.

"Medyo maaga po yata kayo Madam."

Medyo lang?

"Opo Mang Kanor."

Pagkapasok namin sa gate nang school. Bumaba na agad ako. Ngayon kasi kami rarampa sa stage para ipakilala ang sarili namin. Name, Age tsaka mga kasabihan sa buhay. Kaya hindi ako pwedeng ma late!

"Excuse me po. Excuse." Sana tumabi sila sa daanan kahit na mabait 'yung tono nang boses ko.

ANG DAMING TAOOOOO!!!

Kasalanan ko 'to. Kahit anong event pa yan late parin ako. Grabe! Maha haggard ako nang wala sa oras neto.

"Huy! Chai. Ano ba? Kanina kapa namin hinhintay ah!" Kinaladkad na nya ako malapit sa stage. "Late ka talaga palagi!"

"Oo nga Chai. Dala mo ba lahat nang kailangan? Heels? Pang retouch? Yung-" humawak si Isha sa bibig nya. "Chai? Is that you?"

"Hala Isha! Oo nga, Hindi ko napansin. Kailan kapa natutong mag-ayos aber?" Nagtaas baba 'yung kilay ni Trish.

"Kailangan eh. No choice ako."

"Mamaya na chika! Mag retouch ka. Dali! Malapit na mag-umpisa. Dito. Oo nga! Dito tayo. Excuse us. Excuse us. Thank youu!!"

Ang ingay talaga ni Trish kahit kailan. Pumunta kami sa backstage. Nandun lahat nang candidates.

"Isha. Umpisahan mo na." Utos ni Trish.

"Saglit lang kitang aayusan ha. Maayos naman na lahat sayo e ."

Gaya nga nang sabi ni Isha. Hindi katagalan ang pag-aayos nya sa'kin. Simple lang pero masasabing maganda.

"Perfect!" Sigaw ni Isha at Trish nang makita nila 'yung kabuuan nang mukha ko.

"Candidates! Pumila na kayo sa gilid nang stage! C'mon! Ilang oras na 'yung nilaan sainyo!" Pumalakpak nang malakas at dahan dahan na parang nang-aasar sya sa'min.

Papunta na kami sa gilid. Hindi ko napansin na naka abang si Mikky sa'min. Infairness, Maganda 'yung pagkaka ayos nya. Nagmukha naman syang tao.

"Good Luck Ms. Lo!" Sarcastic na pagkakasabi ni Mikky. Inirapan ko na lang sya at nilampasan. Wala akong mapapala sa kanya. Ang mahalaga sa'kin ngayon makapag pakilala nang maayos para iboto nila ako. . . Char. Ang mahalaga sa'kin ngayon matapos ko 'to nang maayos at matagumpay.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon