Kabanata 39
Let the game begin.
Erin Lo's POV
Pagtapos nang scenario na 'yun at matapos ang Christmas Break. Pumasok na ulit ako nang regular na pasok. Masakit na mag mukhang tanga. Kase ang bobo ko talaga. Nagpaloko. Nagpabilog. Bwiset!
Pinipilit ni Ella na pagandahin ang image ni Chase kahit na sirang sira na. Lahat kasi nag tutugma. Kahit anong explaine nya, Nagsinungaling parin siya. Hindi man lang nya inopen na may namamagitan sa kanila ni Mikky?
Hindi ko ininda 'yung mga nalaman ko. Ayoko ma apektuhan 'yung studies ko. Kahit akala ko mas mabuti 'yung maghintay si Chase kase hindi ako masasaktan dahil akala ko, Akala ko maghihintay sya nang seryosohan. Akala ko lang pala 'yun.
Ilang beses na rin akong tumanggi kay Chase pag nag-aaya syang lumabas or sabay kaming kumain. Kahit pa gusto ko syang kasama pinipilit kong tanggihan. Dapat ngayon palang sinasany ko nang wala sya. Mas mahirap 'yung kung kelan attached na attached kana bigla kang iiwan sa ere.
Hindi ko rin alam kung nang-iines 'tong si Mikky. Ngingiti sya sa tuwing nagkikita kami sa hallway. Si Bea naman nag iiwas nang tingin. Talagang nag join force pa sila para gumanti sa'kin.
At Lastly, Nagkaroon ako nang dahilan para lumayo kay Isha at Trish. Yup, Ngayon nagiging aware na 'ko. At totoo. Hindi naman ako friendly pero dahil kay Trish at Isha nilalapitan nila ako. User ika nga.
Nilalayo ko 'yung sarili ko sa kanila. Gaya lang naman nang dati. Ang ayos ayos nang mundo ko nung wala sila, Diba.
"Nak, Nakapag isip kana ba kung saan ka mag-aaral sa SHS mo?" Tanong ni Mama habang kumukuha nang tocino sa pinggan.
"Actually Ma, Hindi pa po e. Hindi ko pa po napag-iisipan kase busy po ako ngayon." Busy talaga ako. May practice pa kami sa Completion at practice sa prom.
"Ganon? Balak kasi namin sa Manila ka Mag-aral. Hindi ka naman na bata eh. Magkasama kayo ni Ella sa dorm. Okay lang ba sayo?"
"Pa, Pag-iisipan ko pa po." Sagot ko.
Nang matapos na kaming kumain. Sumakay na 'ko sa kotse. Ngumiti lang si Mang Kanor sa'kin.Habang papunta kami sa school. Na realize ko lang na. . Alam kaya nilang lahat na may namamagitan kay Mikky at Chase? Ako lang ba hindi nakaka alam? Hindi nila sinabi sa'kin?
Ang gara nang sinabi ni ART.
Huwag daw akong maniniwala sa mga sumisira sa'min. Hello! Hindi ko alam na ako pala ginagago nila dito.
"Tulala ka Chai. Share mo naman yan. Ayokong nalulungkot ka e." Nag-aalala 'yung mukha ni Chase. Akala mo hindi ako niloloko. Akala nya ba hindi ko pa alam 'yung pagpapa ikot nya sa'kin.
Sige. Bahala sya sa buhay nya. Gusto ko sa kanya ko mismo marinig ang sinabi ni Mikky.
"Alam kong natatakot ka ulit ma issue, kaya lumalayo ka sa'ming lahat. Naiintindihan kita."
Pwe! Naiines ako sayo! Bakit kahit alam kong ginagago mo lang ako nakukuha ko paring kiligin sa pagiging concern mo.
"Chase tama na. Pagod lang ako at i pa process ko lang muna lahat. Okay?" Ano? I pa process ko muna lahat? Hindi ko kasi maintindihan. Bakit hindi kayang makuntento nang isang lalaki? Bakit kailangan may reserba?
"Okay. Basta pag na process mo na lahat. Talk to me. Makikinig ako." Hindi ako naka ilag nang kalikan nya ako sa noo.
Sa puntong 'yon. Gusto kong umiyak. Bakit parang totoo 'yung feelings nya? May posibilidad kaya na piliin nya ako over Mikky? Pero imposible.
May mga Family Dinner sila na kasama si Mikky. Alam mo 'yung welcome na welcome si Mikky sa Family nila Chase.
Practice namin ngayon. Sasayaw kami sa prom kaya dapat may dala na kaming heels para mapractice din kung kayang gawin ang step.
At ano pa nga ba? Edi magka partner kami ni Chase. Ilang beses nang sinabe na eye to eye daw pero hindi ko kayang gawin. Baka maisigaw ko pa nang harapan 'yung galit ko kasi ginago nya parin ako.
Sa point na iikot na kami mag ko cross ang mga braso pa ikot. Dahil wala ako sa focus naiba 'yung ikot ko kaya muntik na 'kong mahulog pero nasalo nya ako.
Nasalo ako ni Chase.
Naghiyawan ang mga kaklase namin. #ChaRin daw. Ngumiti lang ako nang pilit. Hindi ko pinahalata na naiilang ako.
Nang matapos ang practice at klase. Lumabas na agad ako nang room. Naghihintay na agad si Mang Kanor. Medyo advance nang 5 minutes ang pagpapapunta ko sa kanya para hindi na ako maghihintay.
Papalapit na ako nang tawagin ako ni Chase. Binilisan ko 'yung lakad ko at kunware hindi ko sya narinig. Malapit na malapit na ako sa kotse nang hawakan nya 'ko sa kamay hilahin. . Dahilan para mayakap nya ako.
"C-Chase? Ano ba?" Nagpumiglas ako pero hindi niya ininda 'yon.
"Chai. Natatakot ka bang mag open up sa'kin? Hindi ba 'ko katiwa-tiwala?"
"Chase, Let me go."
"Let you go from what? Sa yakap ko o sa Pagmamahal ko?"
Gusto ko sanang sabihin na both. Parehas eh. Tinulak ko sya. Hindi lang basta tulak 'yon. May halong galit ang pagkakatulak ko sa kanya.
Napansin nya yata 'yonat mukhang nagulat sya.
"Pagod lang ako. Pagod sa lahat. Pagpahingahin mo naman ako." Nagmamakaawa 'yung boses ko sa kanya. Mabilis akong pumasok sa kotse at nilock kaya kinalampag nya 'yung bintana.
Pagod ako. Oo, Pagod sa laro na ginagawa nya. Hindi man lang ako na inform? Sana sinabi niya para naman kahit hindi ako sporty atleast pinaghandaan ko man lang sana!
"Madam? Sino po 'yung lalaki na 'yon?" Tsismoso Mang Kanor?
"He's Just Nothing." Sagot ko.
Hindi ko alam kung narinig nya 'yon o hindi. Wala akong pakealam. Tapos na 'yung laro nya. Alam ko na e. Hindi na nya ako mapaglalaruan nang patalikod kasi alam ko na. Game over!
"Nak, may nagpapabigay nito." Inabot ni Mama sa'kin 'yung mga bulaklak na gawa sa construction paper. 'Yung tangkay natatanggal tapos nandun 'yung letter.
"Sorry nak. Ngayon ko lang naibigay. Halos araw-araw kasing may nagpapa dala nang isang bulaklak e. Inipon ko muna bago ibigay sayo."
Alam ko na kung kanino galing 'to. Kanino pa nga ba? Edi kay Chase. Grabe? Ang effort nya ah. Nag e-effort sya sa tao para mapaikot nya? Para mapaglaruan nya?
Guess what? Hindi parin pala talaga tapos ang laro. Pinagpapatuloy nya parin talaga kase akala nya hindi ko parin alam.
Now it's my turn. Ako naman ang gaganti para sa sarili ko. Ipapakita ko lang naman sa kanya kung gaano kasakit ang mapaglaruan nang walang ka alam-alam.
Hindi ako sporty Chase, pero kung gusto mong makipag laro? I'll give it to you.
Let the game begin.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Teen FictionHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018