Kabanata 23
Video Call.
Erin Lo's POV
Rehearsal. Nandito sila Bea katabi nya si Bry sa gilid. Nakatingin sya sa'kin. Hindi ko alam kung para saan 'yung tingin na 'yon kaya hindi ko na pinansin. Kahit nakaka beastmode sila, Pinabayaan ko na.
Si Wayne nandito na rin kausap si Zy. Nang makita nya 'ko ngumiti sya at kumaway. Ganon rin sya sa'kin.
Sa kabila naman. Mag-isa sa Chase. Nakatutok sya sa phone. Hindi sya nag ta type. Nakatingin lang. May hinihintay yata? Text o tawag? Pake ko?
"Dito na tayo." Sinundan ko na lang si Trish at tumabi sa pagkaka upo nya.
"Sana hindi matuloy."
"Ano kaba Chai, Pag dasal mo na matuloy noh."
" at bakit ko gagawin 'yon?"
"Para makapag moment kayo ni Chase. Yiee. Kunware pa." Pinisil nya 'yung pisngi ko kaya tinanggal ko 'yun.
"Pwede ba Trish. Umiiwas na nga 'ko e."
"Hindi mo naman sya jo jowain e, Sakin lang. Magkaroon ka nang memories tapos moments dyan kay Chase bago gumraduate. Bahala ka, Pag sumikat yan pagdating nang panahon."
Napa isip ako. Kung sa bagay. May point rin naman si Trish, Pero ayoko parin. Hindi ako gano'n ka kagandahan at baka ma issue pa 'ko. Ako ang kawawa dahil ma ba bash lang 'ko. Magandang babae nga na ba bash e. Ako pa kaya?
Pinatawag na kami. Lahat kami ay pinaupo sa gitna. Sana hindi muna kami mag practice.
"Sorry sa fake news. Bukas pa pala ang last Examination nyo kaya, Bukas na lang ang Rehearsal."
Answered prayer!!
"Pagka uwian sa stage na kayo agad magkikita kita. Okay? Hindi na kayo pupunta dito."
Pagtapos nang iilang mga announcements. Hindi na muna kami umalis ni Trish.
"Ang lakas mo kay Lord noh. Tinde mo." Pumalakpak sya nang dahan dahan. Nang aasar na naman.
"Bukas wala nang makakapigil sa rehearsal. Tuloy na tuloy na talaga."
"Dapat lang. Excited na 'ko mapanood kayo!"
"Bago yun! Tuturuan mo pa pala ako kung pa'no lumakad nang tama."
"Oo nga pala. Tara na sa bahay nyo."
Papa alis na sana kami nang makita kong may tinuturuan si Chase mag gitara.
"Guitar Lesson? Magkano bayaf sa kanya? Tsk!"
"Selos ka lang e. Sus. Hindi naman taga Megadrillente yan. Halata naman."
Halata ba?
"Chase! Nagtuturo ka pala mag gitara?" Wala na 'kong nagawa nang hinila ako ni Trish sa kanila.
Ang sama nang tingin nang babae ah! Kaya naman pala! Sya yung babae dun sa room. Yung ayaw umalis sa upuan ko.
Naalala ko na! Sya si Mikky! Kala mo makakalimutan ko name mo? Tsaka yung mamahalin mong relo?
"Chase? Tuloy na natin?" Sabay irap sa'kin. Ano ba ginagawa ko sa babaeng 'to?
"Mikky! Tawag ka nang boyfriend mo!" Sigaw ni Wayne 'yun.
Masama ang tingin nya sa lalaki bago lumapit. Halos lahat kami ay naka tingin kay Mikky at sa boyfriend nya.
"Pa iba-iba daw nang boyfriend yan e. Baka nakikipag break na sya." Bulong ni Trish. Siniko ko sya nang bahagya. "Tapos si Chase naman ang lalandiin."
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Teen FictionHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018