Kabanata 35

121 7 0
                                    

Kabanata 35

L-O-ve You!

Erin Lo's POV

Eto na ang hinihintay nang lahat. Ngayon na ang pageant. Nung nakaraan pa ang talent portion. Ngayon lang yata ako hindi na late. As in sobrang aga ko.

Inaayusan na 'ko. Si Ella ang nag-aayos sa'kin dito sa backstage. Kaya nag pumilit umabsent sa school nya kasi gusto ring makita ang members nang WAO. Pati na rin si Chase.

"Ayan! Tignan mo muna!"

Dinilat ko 'yung mata ko at agad kong nakita ang sarili sa salamin. Lumaki nang kaunti ang mata ko dahil halos hindi ko makilala ang sarili.

"Buti naman at ginagawa mo palagi 'yung bilin ko sayo. Galing ko noh!" Humawak sya sa bewang at proud na proud na nagtaas noo.

"Ang galing galing mo nga." Halos hindi ako maka move on. Hahawakan ko sana 'yung mukha ko pero agad nyang tinapik 'yun.

"Mamaya mo na hawakan pagtapos nang rampa mo! Masisira pa yan eh! Sige ka, Ikaw rin!" Pananakot nya.

"Hindi lang ako makapaniwala. May igaganda pa pala ako?"

"Syempre! Ako nag-ayos e. May igaganda ka talaga."

Nakahiwalay ang mga boys sa'min. Mamaya kasi magbibihis kami para sa susunod namang outfit kaya hindi talaga pwedeng magkasama ang lalaki at babae.

"Sana makalapit ako sa WAO. Chai, Tulungan mo 'ko makapag pa picture sa kanila ha!" Nagmamakaawa 'yung mukha nya. Para pa syang iiyak na. "Hindi mo alam ang feeling nang isang matagal nang fangirl! Hindi mo alam!" Niyugyog pa nya ako habang kunware umiiyak.

"Oo na. Sana magkakasama sila mamaya."

"Ayan! Konti na lang matatapos na." Kasalukuyan akong kinikilayan ni Ella.

Oo beh! Umabsent sya para lang maging maganda ako sa araw na 'to at pati na rin sa WAO. Magaling daw sya sa mga ganto kaya huwag ko daw ipagkatiwala ang mukha ko sa iba. Sa kanya lang.

Hindi ko alam kung pupunta si Trish at Isha ngayon dito para panoorin ako. Nito kasing nagdaan eh hindi kami nagkakaintindihang tatlo.

May problema si Isha pero ayaw nyang mag kwento. Pag pinilit namin syang mag open up magagalit sya oh kaya hindi mamamansin. Parehas sila ni Trish. Hindi ko alam kung ano 'yung kinatatampo nya at dumaan ang ilang weeks hindi parin kami nagkaka usap.

Hindi ko alam kung bakit ganon.

Ok naman naman kami pero sa isang iglap parang walang nangyare? Parang wala kaming pinagsaluhang iyak at tawanan. Parang balewala lang lahat lahat nang meron sa'min.

"Huy! Hirap hukayin nang iniisip mo bes ah! Ang lalim e!! Ano na teh? Buhay pa?"

Tinawanan ko si Ella. "Buhay pa naman. Kinakabahan ako e."

"Sus! Ano ba! Sayang 'yung magandang pag me make-up ko sayo kung hindi mo rin lang ibabalandra dyan! Juskoday!" Humawak sya sa noo nya habang nakapamewang. "Stress ka ayu!"

"Wag mo nga akong bisayain dyan. Pag binisaya ko kita tignan mo."

"De, Basta alam mo na gagawin sa stage. Kaya mo na yan. Huwag mo na munang isipin 'yung mga taong nagpapagulo sa isip mo. Hayaan mo muna sila kahit ngayong araw lang. May dapat kang patunayan at hindi mo dapat hahayaan na hindi matupad 'yun dahil sa kanila. Kaya mo at kakayanin mo! Fighting!!"

Ngumiti ako habang nakatingin sa mata ni Ella. "Fighting!!"

Papunta na ako sa pila pero ayoko na sanang makita ang mukha nya ngayon. Ayoko munang masira ang araw ko.

Nagtama ang tingin namin ni Mikky. Tinignan nya ako mula sa pinaka maganda kong mukha award hanggang sa maganda ko ring paa dahil sa sandals. Sabay irap.

Balakajan!

Eto sana tumalab. Sana hindi ko makita si Bea o kaya naman mag krus man lang ang landas namin. Kahit pa alam ko na mag be break sila ni Bry pag hindi sya manalo. . Sorry pero hindi rin ako pwedeng magpatalo.

Since by section na ang pila ako ang unang rarampa. Kinakabahan ako pero naisip ko na hindi dapat. Sayang lahat nang efforts ko. Sayang din 'yung make-up. Sayang lahat. Kaya hindi pwedeng mahiya.

Pagka play nang music sumenyas na sila na maglakad na ako. Sumunod ako sa kanila. Taas noo at lahat na yata nang confidents na meron ako nilabas ko na sa unang rampa.

Lakad. Hinto. Ngiti. At maraming pose ang ginawa ko para sa lalaking kumukuha nang pictures.

Feel na feel ko naman 'yung pag rampa dahil sobrang lakas nang sigaw nila. Hindi ko alam kung ano 'yung sinisigaw nila pero isa lang ang alam ko. Masaya ako nang matapos na 'yung unang pag rampa namin.

Boys naman ang sunod. Nang matapos na silang rumampa, Bumalik na kami sa stage at lumapit kami sa mga ka partners namin.

Hindi pa man din ako nakakalapit nang sobra. Nakangiti na sya sa'kin at para bang hinihintay talaga ang paglapit ko.

"So proud of you." Bulong ni Chase sa tenga ko. Bruu!!! I don't want to feel this feeling again!

"Ako ren." Tipid na sagot ko.

Sa ilang araw na nagdaan. Nagkaka usap kami ni Chase at aksidente kong nasabi na hindi ko kayang humarap sa maraming tao. Gaya nang lagi nyang sabi. 'Don't be afraid.'

Sa sandaling pag sasayaw. Time na para umikot ang mga partners. Kaya napasimangot ako sa loob loob ko nang makita partner na ngayon si Mikky at Chase. Gigil talaga ako neto. Pero simplehan lang natin.

Nang matapos ang iilang mga rampa at sayaw ginawa namin time na para magpalit nang outfit. Habang nagpapalit ang girls. May banda namang kakanta. So 'yun nga noh sa tili palang nang mga tao alam ko na kung sino 'yun.

"San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala"

Yan palang ang naririnig ko. I mean yan palang ang binibigkas ni Chase pero nagugulo na naman ako.

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo’y magiging ikaw"

Aaahhhhhhhh!!! Chase!!! What are you doing to meeeee!!!!

Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw
Mundo'y magiging ikaw

Nang matapos na ang kanta. Akala ko okay na. Akala ko last na 'yun pero may sinabi pa sya sa dulo.

"Don't be afraid for i am with you because I L-O-ve you. I L-O-ve you."

Madiin ang pagkakasabi niya nang L-O pero hindi ko alam kung may naka gets or naka pansin nun? Narinig ko pa ang mahinang tawa nya. Ang kulit talaga.

Tapos eto pang mga ka band nya ang kulit rin. Patay na ang ilaw pero sumisigaw sila at ine spell pa 'yung L-O-V-E nang pa ulit ulit. Supportive talaga noh? Hayyy. Chase Emmanuel Martin ang kulit mo pero ang inosente mo talaga.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon