Kabanata 12
Torture..
Erin Lo's POV
Halos nalibot na namin ang iilan sa Megadrillente. Maaga pa naman. Early Dismisal ngayon dahil may meeting ang mga Teachers. About siguro sa Intrams at Bulprisa.
"Ayan! Nandito tayo sa Park! Nako. Buti natuloy na rin tayo! Woaaah! Lamig ditooo!!" Sinundan ko lang si Trish habang nakataas ang dalawang kamay nya.
Malamig nga sa Park. Magugulo talaga yung buhok mo dahil hahanginin nang sobra.
"Upo lang ako ah. Saglit, nakakapagod!" Naghanap ako nang pwedeng maupuan.
Eto na muna yata ang huling pupuntahan namin sa ngayon. Kailangan kong maka uwi nang maaga.
"Ang daya nyo! Ang bilis nang takbo nang sasakyan nyo ah." Kakarating lang nila Bea at Zy. Nakahiwalay kasi sila nang sasakyan.
"Nakakapagod pero nag enjoy ako! Kaya naman pala sikat na sikat ang Megadrillente. Ganda kasi dito!"
Tumango ako at ngumiti kay Ed para sa pag sang-ayon. Dumaan kasi kami sa bandang kakahuyan bago makadating dito.
Sobrang Adventure!!! Ang saya pala noh. Ngayon ko lang kasi na experience ang makagala, tapos takas pa.
Paano na lang pag nalaman nila Mama at Papa? Bakit? Wala namang masama sa pag gala diba? Wala naman akong boyfriend at mataas ang mga Quizes at Activity ko lately.
Confident.
"Salamat pala Ah. Sumama ka kahit hindi namin alam kung anong sasabihin nang Magulang mo."
"Nako Zy, Hayaan mo na. Ako nang bahala."
Idagdag mo pa 'tong si Zy. Concern sya masyado hindi lang sa'kin kundi sa lahat. Mabait naman sya.
"Susunduin ako ni Bry dito." Pagkasabi ni Bea nun. Automatic na tumingin sila Isha at Trish.
"Protective kasi yun eh. Sorry ah. Okay lang ba? Baka sumama sya sa'tin-"
"De, pagtapos natin dito sa Park uuwi na ako. Kayo ba? May pupuntahan pa kayo?" Singit ko. Iba trip ni Bry sa buhay. Baka mag-aya pa sa ibang lugar yon. Inuunahan ko lang.
"Pag kulang isa sa'tin, Hindi na masaya yun! Pag uuwi ka edi uuwi na rin kami." Nakatingin si Wayne sa'kin habang sinasabi yon.
"Ok." Tipid na sagot ko.
"Hintayin na lang si Bry tapos uuwi na tayo."
Yun ang huling narinig ko sa kanila. Naka upo lang ako habang nakatingin sa araw na papalubog.
Hindi na'ko baki isyoso sa kanila. Hindi na nga rin ako lumalapit kay Chase e. Mahirap na. 16 years na 'kong walang boyfriend. Dapat 22 years old single parin ako.
Yun ang gustong mangyare nang parents ko. Yun ang gusto nila. Syempre bata pa'ko para sa kanila kaya sila ang tama.
"Chai." Boses lalaki.
Nakataas ang isang kilay ko nang tumingin ako sa kanya. Mukhang dapat hindi 'yon ang ipinakita ko. Mukhang nag-alangan tuloy sitang sabihin 'yong sasabihin nya.
"Ah- Ano, kasi.. Next time na lang."
"Chase, Sabihin mo na. Hindi naman kita kakainin."
Bigla na namang namula yung tenga nya. Anong meron? Right time siguro 'to para itanong kung sakit nya na ba 'yon.
"Bakit ka umiiyak nung nakaraan? Gusto ko sanang lapitan ka nun kaso.."
"Kaso?"
"Kaso baka..uhmm.. alam mo na. Tarayan mo ako. Ayoko kasing may nakikitang umiiyak. Ayoko nang ganon."
"Kailan kayo tutugtog ulit?"
"Sa Battle of the Bands. Sa Intrams. Kakanta kami ulit. No more Lucky Girl. Only you."
Natahimik ako sa sagot nya. Iba 'yung dating nun sa'kin. May kung ano akong naramdaman. Ugh!!! CHASE! Bakit?!
Na realize nya siguro yung sinabi nya kaya nagka bulol bulol na sya para bawiin yon.
"Okay lang. Wala akong naramdaman na kahit ano. Hindi naman ako kinilig. Walang spark! Syempre naintindihan kita na kailangan mo magsalita nang ganyan for the sake of fans-"
"Fans? Hindi Fans ang tawag namin sa mga taong nakikinig at gusto kaming mag perform."
"Edi ano? Parang ganun na rin yon. Hindi mo ba nakikita yung mga taong nagkakandarapa mapanood lang kayo?"
"Okay. Hindi kami nag pe-perform para sumikat. Nangyare lang."
Kahit gusto ko pa syang kausapin at magtanong nang magtanong about sa Banda nila hindi ko na ginawa.
"Ay nga pala! Chase." Parang napatalon pa sya nang ka unti sa pag tawag ko nang name nya. "Okay ka lang? Nagulat ba kita?" Weird nya.
Pwede pala 'yon. Gwapong Weird. Bata pa 'ko. Pero.. natural lang ba na mapansin ko yung malaking ugh! Malaking katawan nya.
Uso na talaga Gym ngayon e. Teka lang! Pagnanasa yaaah ano ba right term para ma describe 'tong iniisip ko.
"Okay lang ako. Ano itatanong mo?" Nahihiya siya.
"Lalaban ka nang MMG diba? Tapos sasali ka pa sa Battle of the Bands? Hindi mo ba alam na dapat isa lang ang pwede mong salihan?"
"Hindi ako na inform. Pa'no ba 'to." Humawak na naman sya sa batok nya.
"Mamimili ka. Isa lang. Dapat may i-give up kang isa. Yung MMG o Battle of the Bands." Nagtaas baba ang kilay ko sa kanya.
"I-gi give up ko ang, Battle of the Bands."
"Ano?! Bakeeeeet!!!!" Sigaw ni Trish mula sa likod namin ni Chase. OA talaga 'to kahit kailan.
"Anong nangyare? Bakit? Trish? Ano yon?" Sunod sunod na tanong Brixs sa kanya. Malamang ay nagkakagulo na ang atay balun balunan niya.
Back to reality!
"Hindi kayo tutugtog sa Battle of the Bands?" Teary eye syang humarap kay Brixs. Parang akala mo close sila.
"Chase?" Nagtatanong ang boses ni ART sa kanya.
"Hindi nyo naman sinabing isa lang ang pwedeng piliin. Alam nyo naman desisyon ko e." Sa puntong 'yon parang hindi si Chase ang nagsalita.
Parang ibang tao. Mukha parin siyang inosente. Gwapo at ugh! Myghad! Maganda ang katawan pero sa tono nang pananalita nya. Ang manly tapos shems.. bat ganun? Ganun ba talaga sya?
Napatingin sa'kin yung apat. Para bang inililihim nila kay Chase na iisa lang ang pwedeng piliin pero dahil sinabi ko wala na silang magawa.
Tinatry ko namang kumbinsihin si Chase na baka mag bago ang isip nya. Hindi pwedeng kulang ang WAO.
Dagdag mo pa si Trish na palihim kung magpunas nang luha.
"Chase. Bukod sa MMG yung Battle of the Bands ang inaabangan nila." Pangongonsensya ko. "Madaming nag e-expect lalo na sa banda nyo." Sana tumalab.
"Parehas lang inaabangan yun e." Naging inosente na naman ang mukha nya nang kaming dalawa ang nag-uusap.
"Sana pwede na lang dalawa, pero mahihirapan ka! Kaya mo ba 'yun?"
Ngumiti lang sya. Nawala na naman yung mata nya tapos lalo syang guma gwapo sa tuwing ginagawa ang pag ngiti na 'yon.
Dagdag mo pa ang pagiging inosente nya. Ghad.. this is torture. Bakit ko pa kasi kinakausap 'to!
"Basta ba. Wag kana ulit iiyak."
Namula yung tenga nya sa sinabi niya sa'ken. Tinignan ko lang sya pero wala yata syang balak na bawiin ang sinabi.
"Ayokong may umiiyak. Lalo kana."
Tama ba yung rinig ko. O baka nagugutom lang ako.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Teen FictionHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018