Kabanata 30

132 6 0
                                    

Kabanata 30

Who's Mik?

Erin Lo's POV

"Ang sakiiiiiiit." Halos hindi ako makabangon. Anong oras ba kami nakatulog kagabi? Hindi ko matandaan.

"Nasan ako?!" Hindi ako magkanda ugaga sa pag alis nang makapal na kumot sa katawan ko.

Myghaaad!! Hindi ako nakauwi kagabi? Pa'no yan? Tatanggapin pa ba ako nang pamilya ko!

Ano iisipin nila! Nagalaw ako ga- Ano? Teka! Kahit ako hindi ko alam kung anong nangyare. Tumakbo ako sa c.r, Mukha pa naman akong maayos. Naghilamos na rin ako at nagmumog lang. Inaayos ko pa ang sarili ko para mukhang presintable.

Eh?? Nasaan ba 'ko? Kaninong kwarto 'to? Bat ang ganda? Bat- Tama na nga! Umupo na lang ako sa gilid nang kama. Maghi hintay sa himala. Nasa bahay parin ba 'ko nila ART? Nasaan sila Isha at Trish?

Narinig ko ang pag pihit nang doorknob. Bago pa bumukas ang pinto naka abang na 'yung mata ko. Nang makita nya 'ko. Agad syang ngumiti sa'kin at eto na naman. Chase is soooo innocence. I can't resist. Hindi na nya kailangan magpaka inosente kase natural na. Ang gwapo nya rin sa plain white t-shirt nya. Medyo bakat tuloy 'yung Christmas Ham nya. . .

Chase. . Aware kaba na nagkakasala ako dahil sayo?

"Gising kana pa-"

"Nasaan sila Trish at Isha? Akala ko ba sila mag uuwi sa'kin kagabi?"  Sapo sapo ko 'yung ulo ko. Hindi naman ako uminom pero ang sakit?

"Masakit ba? Hintayin mo 'ko dyan. Kukuha lang ako sa ba-"

"Sasama ako. Ayoko maiwan dito."

Mukhang ayaw nya pa 'kong pasamahin. Since nasa likod na nya ako at nakasunod. No choice na sya.

"Kaninong bahay 'to? Kay ART ba?"

"Hindi."

Napansin nya yata 'yung pagtingin ko- Pagtitig ko pala sa kanya. Nailang yata sya kaya medyo nag side view pa sya.

"Bahay namin."

"Inuwi mo ako? Sa bahay nyo? I mean. Dito!"

"Bawal ba? Hindi mo pa naman yata nakakalimutan 'yung usapan natin kagabi?"

Whuutttt!!!

"Alam kong hindi ka safe matulog doon kaya inuwi kita dito." Tapos ngumiti na naman sya nang pagka inosente!

"T-Talaga? Eh. Bat ako lang? Asan sila Trish at Isha? Tapos 'yung iba? Si. . . Mikky?"

"Nawala kasi sila kagabi." Tumingin sya sa taas. Taas ba o sa ulo ko? Bakit sya nakatingin sa ulo ko? "Tinawagan ko naman na sila. Papunta na dito." At umakbay sya sa'kin. Nanigas na nga yata katawan ko. Hindi ako makalakad nang maayos.Tinanggal ko ka'gad 'yon kase hindi ako sanay. Kahit sa kuya or kay papa hindi ako nakakatanggap nang akbay. Sa kanya lang.

Napansin ko lang naman. Iba 'yung tingin nang mga katulong nila sa'min ni Chase. Para bang akala mo may nagawa kaming hindi maganda. Tapos minsan may kahulugan pa 'yung tingin. Ano kaya iniisip nang mga 'to.

"Mom, Dad." Pagtawag nya sa dalawang tao na naka upo sa hapagkainan. Nakatalikod sila at mukhang millenials ang pormahan. Akala ko tuloy kapatid nya lang.

Dahil sa pagtawag nya at hindi ako ready para doon. Agad akong nagtago sa likod nya. Napahawak din ako sa white shirt nya at halos malukot ko 'yun sa kaba.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon