Kabanata 20

170 5 0
                                    

Kabanata 20

Usap tayo.

Erin Lo's POV

Wala ako sa sarili. Bangag nga siguro tawag sa'kin. Walang tulog na maayos tapos nakapag review naman ako nang maayos. Maayos nga ba tawag dun?

Pabagsak kong binaba ang gamit sa upuan at yumuko. Matutulog muna ako kahit saglit lang.

Mukhang hindi ako makaka highest scores ngayon ah. Hindi. HINDI! Hindi pwede. Dahil sayo chase maapektuhan exams ko? Hell nooo!! Nooo!! Accept mo na kasi akoo!!

Sabihin nyo obsessed ako masyado. Sampalin ko kaya kayo? Kayo ba hindi kayo nangangarap ma accept nang crush nyo!

May kanya kanya kasi tayong dahilan e. Kaya gusto ko magpa accept para makita ko yung mga post nya plus para makilala ko rin sya base sa mga thoughts and post nya.

Nakakahiya naman kasi mag tanong tanong para lang makilala ko sya nang husto. Bukod sa mabait talaga sya at mala anghel at inosente ano pa bang pwedeng ibatong kabaitan sa kanya. Gusto ko pang may malamang iba sa kanya. Alam nyo yun? Masyadong common yung pagiging anghel nya.

Syempre pag may crush tayo gusto natin may mas malaman pa sa kanila. Alam nyo yun? Ikaw lang makaka alam tapos parang ang special mo? Special Child nga lang.

Eto ang epekto nang naghintay sa wala. Hindi ko naman sinasabing i accept nya 'ko dahil Vice President ako sa room. Hindi naman ganon pero.. bakit sila inaccept nya sa fb. Bat ako hindi? Bakit?!

Puno na ba fb friends nya? Nahuli na ba 'ko ganon? Ang malas naman.

"Chai. Okay ka lang?" Malumanay na 'yung tono nang boses ni Trish. Halatang puyat at pagod kaka review.

Umiling ako habang unti-unting humaharap sa kanya. Hindi ako okay at alam kong ganon rin sya.

"Parehas pala tayo. Bigti na?" Tumawa sya pero hindi ganon ka lakas. Humikab pa sya. "Eto ang ayaw ko tuwing exam. Napupuyat ako." Humikab ulit sya at sumandal sa braso ko.

"Napuyat din ako. Sobra." Dahil sa dalawang kadahilanan. Reviewer at kakahintay sa pag accept nya!

"Weh. Di nga? Kahit hindi ka mag review alam kong ikaw na naman ang highest dito." Nakapikit sya habang nagsasalita.

"Wala nga 'kong ka alam alam e. Buti na lang nag send kayo nang lectures. Love nyo talaga ako."

"Syempre namern!"

Since hindi pa naman dumadating si Ma'am kahit nag bell na. Naubos ang oras namin sa pagtulog. Ewan ko lang sa iba. Nakakainggit nga eh. Yung iba naming classmates pa petiks petiks lang yan pero mataas scores. May motivation kase..

Buti na lang ngayon naka spread yung mga upuan. Hindi kami magkakatabi at magkakadikit. Nasa unahan ko na ngayon si Chase. Sa tuwing nag pa pass nang test paper, I aabot nya sa'kin pero hindi tumitingin. Ano? Nahihiya kana ba?

Hindi ko din sya masisisi. Ayaw nyang makita ako sa newsfeed nya, pero hello! Hindi ako pala post sa fb noh! Ba- arghhh!! Mag focus ka nga Erin Lo! Exam na oh. Magsagot kana dyan!!!

Halos hindi ko masagutan yung mga tanong sa exam kasi naman! Wala 'kong maalala kagabi. Sa tuwing pipikit ako fb nya ang nakikita ko.

At sa tuwing didilat ako nakikita ko yung papel ni Chase na may sagot. Hindi ako naniniwalang tama 'yon, at isa pa. Sa tuwing nililipat nya 'yung pages nang test papers nya nakikita ko talaga! Sinasadya nya ba 'yon?

Bahala na nga!

"Woaaahh!! Buti tapos naaa!!"

"May bukas pa noh! Tsaka sa susunod pa!"

"Atleast uwian na!!!"

Ayan na naman. Nagkakagulo na naman sila. Hindi na kaya nang katawan kong tumayo at umuwi. Kailangan ko nang kaunting tulog muna bago bumaba nang room.

"Ok lang ba kayong dalawa?" Boses ni Isha 'yon. Malamang kami ni Trish ang kausap nya.

Hindi kami sumagot. Alam namin ang sagot. Yun ay HINDI. Tulog muna kami.

"Hindi ko naman kayo pwedeng iwan nang ganyan. Baka ma lock kayo nang janitor dito." Dagdag pa nya.

"Isha, Tara na." Parang pamilya ang boses nun. Si Ed yata.

"Oh? Anong nangyare sa dalawa?" Boses naman ni Wayne 'yon. Mga trespassing. Hindi kaya nila section 'to.

"Erin!! Eri-" at boses na boses ni CJ 'yon. Kukunin na kaya nya 'yung damit? Buti nadala ko.

Mula sa pagkaka yuko ko sa upuan, Humarap ako sa kanya. Sa mismong tapat at fudge katabi nya pala si Chase? Hindi ako na inform?

"A-ano, nga pala CJ. Salamat sa damit na 'to." Nilapag ko sa harap nyang table ang damit na naka balot sa plastic.

Tumingin pa sya saglit kay Chase bago tumingin ulit sa'kin. "Hindi ko pahiram yan. Bigay ko sayo. Pa-pati sayo Trish."

"Namimigay ka pala nang damit CJ?" Napatingin naman ang lahat kay ART. Nag peace sign sya kaya nagtawanan nang konti.

Kumpleto ang WAO. Buti hindi nila kasama sila Bea at lalo na si Bry. Kundi! Nakuu!!

Pumikit na lang ulit ako at yumuko. Saglit lang. Patulugin nyo 'ko saglit.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Boses naman ni Ma'am 'yon.

"Kami na lang po mag la lock nang room."

Kahit pilitin kong matulog, Hindi ko magawa. Ang ingay nila kasama si Isha.

Pupusta ako na naka pabilog sila habang nag uusap-usap.

"Buti nagkaka ayos na kayo ni Zy."

"Mema ka Brixs! Kanino mo nalaman yan?"

"Kay Bea. Hahahah"

"Bea? Parehas lang sila nun e."

"Mabait naman si Bea ah." Boses ni.. Chase 'yon. Mabait? San banda kyah? Oo. Mabait 'yon eh. Pag kaharap mo.

"Puro kayo maling akala noh.''

Tama Isha. Maling mali!

"Wala naman akong nakikitang mali kay Bea." Masyadong inosente 'tong si Chase. Nakakaines ka ah! Bat kay Bea kapa nagpapauto dyan!

"Nakakausap ko nga si Bea minsan sa chat." Kay Wayne na boses 'yun.

"Yieeee!!!"

Natawa din ako dun.

"Landi mo Wayne. Pasok pasok din minsan sa school!" Sigaw ni Ed.

"Minsan na nga lang pumasok e." Dagdag pa ni ART.

"Pero seryoso. Nag ka usap kami. Sa chat lang. Hindi ko na kasi masyadong nakakausap nang personal e."

"Anong sabi?" Naintriga ako. Buti nagtanong si Isha.

"Nagpapa accept. Hahaha"

Natahimik silang lahat nang matapos nilang magsitawanan. "Biro lang. Alam nyo naman siguro kung saan 'yon."

Nagpaparinig ba sila? Paranoid ahehehe. Kausapin ko na lang kaya sya? Accept lang e. Ikamamatay nya ba 'yon?

Ngayon na ba ang tamang panahon? Aamin na rin ako para lumayo na rin sya sa'kin. Madali lang umiwas kung parehas kayong nag iiwasan.

Inhale. Exhale.

Umayos ako nang upo. Medyo ok na rin yung mata ko. Buti effective yung pag pikit ko lang.

Buong pag uusap nila nakatingin lang ako kay Chase. Nahahalata na yata nya pati nang ilan. Nagdadalawang isip kasi ako e.

"C-Chase?"

Ang tahimik na nang room. Halos sila ay sakin lang nakatingin. Pati si Trish ay nakatingin din.

Wala nang atrasan.

"Usap tayo."

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon