Kabanata 9

217 7 0
                                    

Kabanata 09

JOIN NOW!!!

Erin Lo's POV

Hindi lang naman si Trish at Isha ang mga kaibigan ko. Hindi kase sila taga dito. Nandun sila sa Maynila at ang iba ay nasa Probinsya.

Semi-Province lang ang Megadrillente. Syempre may mga lugar na liblib tapos doon minsan nakatira yung may kaya lang sa buhay.

Kami kase nakatayo ang bahay namin kahilera nang mga mayayaman. Expensive house and lots. Hindi ko gustong ipag yabang. Ayoko nga eh. Hindi sila masyadong nag sisilabasan kasi karamihan mga babae ang anak nila. At yung iba lumuluwas nang Maynila kasi nandun yung kalayaan.

"Kamusta ang magda-dalawang buwan mo sa School? Balita ko sumisikat na naman ang Megadrillente." Kahit alam kong hindi nya ako nakikita ay umirap ako.

Palagi naman e.

"Nakakapagod. Madami na nga akong chika sayo Ella! Ang tagal tagal mong bumalik dito!" Sya si Ella yung kaibigan ko sa Maynila. May bahay rin kasi kami dun. Madalas napagkakalaman kaming magkapatid kasi over yung closeness namin. Kababata ko rin siya sa Maynila kaya hindi sya kilala nila Trish at Isha.

"Pag free time ako. Oo na. Pupunta talaga ako dyan kahit hindi mo sabihin! At anong chika yan? May jowa kana? Good for you hahaha." Medyo nilayo ko phone sa tenga dahil ang lakas nang tawa nya. Para syang si Trish kung makatawa.

"Baka may jowa? Manliligaw nga wala e. Jowa pa kaya? Ano yun? Nagtanong ako sa tao kung single sya tapos nung sumagot na Oo hinila ko na tapos sasabihin kong jowa ko ganon?" Pang gagatong ko sa biro nya. Actually. Natatawa ako sa sinabi ko.

"Kung ganon nga. Ang desperada mo naman!!" Hindi parin sya matigil sa katatawa. Napailing na lang ako. OA tumawa parang walang bukas.

Pa'no kaya pag nag join force sila ni Trish? Buti na lang si Isha hindi gan'to. May karamay pa 'ko.

"Change topic na nga, baka mapatid yang ugat mo kakatawa."

"Ok. Ok. Hahahah eto na. Wait! Hahahah"

"Ok na? Papatayan kita nang linya. Bahala ka." Pananakot ko. Medyo humina na yung tawa nya pero nakakarinig parin ako nang kaunti.

"About dun sa pagiging sikat na naman nang Megadrillente. Yung We Are One. Kilala mo ba yun?"

Sinong hindi makakakilala doon? Syempre OO!!

"Dahil ba sa kanila naging usap-usapan na naman ang lugar namin?"

"It's a big YES! ang bilis kumalat na parang epidemya. The power of social medias."

"Ah, ganon ba? Ang alam ko sikat na sila sa Montenegro's Island tapos sa Saavedra's Island. Sa Maynila ba?"

"Uhm... hindi masyado. Hindi pa kasi sila nakakapag perform dito e. Feeling ko lang naman. Ma-angkin na nila yung mundo kung ipagpapatuloy pa nila yung banda nila."

"Ganon? May alam kaba sa background nila?"

"Wala e. Bakit? Crush mo noh?! Ikaw ah! May crush kana pala! Eto ba yung isa sa mga chika mo! Ha?"

"Sira ka talaga! Pero slight siguro."

"Sus! Kung sa bagay. Sinong hindi maiinlove sa kanila. Kahit ako nga gusto ko silang lima. Mas matimbang nga lang si CED sa'kin. Ay mali! Mali! Ed pala. Hahaha hindi na kasi ako iba sa kanya. Charot!"

"Ang daldal mo!"

"Ikaw din kaya!"

*knock! knock!*

"Erin? Pakibuksan ang pinto." Boses ni Papa yun. Tapos medyo naririnig ko rin yung boses ni Mama.

"Ella. Sorry pero papatayin ko muna. Nandito sila Mama at Papa. Alam mo naman, baka sabihin puro phone na lang ako. Bye na muna! I labyah!"

"Okiee. I understand. labyatah!!"

Pinatay ko na linya at itinago yung phone sa bag ko. Binuksan ko yung pinto nang kwarto.

Wala naman akong kasalanan na nagawa. Pwera na lang kung nalaman nilang CS ako nang 5hours.

Naka line yata teacher ko e. Lahat nang nangyayare sa school nakakarating sa mga magulang namin dahil sa enrollan palang hinihingi na nila yung number. Ibig sabihin lahat nang magulang namin ay may contacts sa Adviser namin.

Itinaas ni Papa yung yellow form. Ok. Yung CS nga yun.

"Don't worry Papa. Natapos ko na yung 5hours bago umuwi." Tumalikod na'ko pero agad ding huminto.

"That was not an issue. Pakealam ko kung natapos mo na yung 5hours na yan. Diba? Ang gusto kong mangyare. Hindi kana ma le-late. Grade 10 kana. Hindi kana bata!"

Talaga? Eh kung hindi na 'ko bata bakit kinokontrol parin nila ako? I mean.. Minsan Sched. Naming pumasok nang 7 or 8. Hindi dahil gusto ko lang pumasok nang ganong oras.

"Sa'n kaba napupuyat? Sa phone ba? Sa laptop?" Nakapasok na pala sila sa loob nang kwarto at isinarado ni Tita Jo.

"Schoolworks." Tipid na sagot ko.

Ayoko nang makipag usap. Magsasayang lang ako nang laway at words sa kanila. Sa huli sasabihin nilang bastos akong bata dahil sumasagot pa.

"Gusto mo bang may mapatunayan sa'min?" Malumanay na yung boses ni Mama.

Hindi ako sumagot. Naglakad ako papunta sa kama at umupo. "Bakit po?" Hindi ko sya gets. Anong patunay ang kailangan nya?

Kada ga-graduate ako, Valedictorian tapos tuwing end nang School Year kasama pa'ko sa Recognition. Ano pa ba? Hindi ko gets.

"You're having JUST a Brain. That's good. But it's better to be called by BEAUTY and BRAIN. Erin. Wake up! Hindi ka mapapansin nang mga tao kung puro utak ka lang. Hindi ka makikilala. Eto!" Kinuha ni Tita Jo ang mga notebooks ko na puno nang Stories na gawa ko. "Yan! Eto pa! Lahat yan!" Ibinagsak nya yun sa sahig. "Hindi ka makikilala sa ganyan. Anong mararating mo? Anong matutulong mo sa Pamilyang 'to?"

"Bakit po? Yung mga anak nyo? Ano pong natutulong nila?" Magalang ako pero yung tapakan yung pangarap ko. Maliitin ang pangarap ko. Yun ang ayoko. Nasasaktan ako.

Ang alam ko. Hindi nakatapos nang pag-aaral ang anak niya. Gusto na kasing sumama sa mga boyfriend. Hindi na napigilan nila Tita dahil may laman na ang Tiyan.

Eto rin ang ikinatatakot ni Mama at Papa sa'min ni Kuya. Ayaw nilang masayang yung panahon at oras habang pinag aaral kami kaya hindi ubra na makipag mabutihan sa lalaki.

Hindi pwede.

It's either na papipiliin ako. At ayokong dumating pa'ko sa point na mangyayare yon.

Suminghap sya sa'kin.

"Tama ang Tita Jo mo. Sa mundo. Hindi sapat na matalino ka lang. Kailangan mong makilala sa Megadrillente. Kailangan mong magkaroon nang pangalan."

"Maliwanag ba?" Tumingin ako kay Papa. Tumango ako.

"Opo."

Maging isang sikat? Makilala at magkaroon nang pangalan? Choice ko naman yun diba! Malamang sa malamang ay nagpa plano na sila kung pa'no ako makilala.

I don't like so much attention. Okay na sa'kin yung hindi ako ini snob pag nagtatanong ako.

Okay na sa'kin yung kahit hindi nila ako kilala, mabait sila sa'kin. At higit sa lahat. Ayoko yung ginagamit lang ako para may maipag malaki lang.

Hindi ako kagaya nila Trish at Isha. Sanay na sa fame.

Idiniin ko yung mukha ko sa unan. Hindi ko passion 'yon. Bakit pinangungunahan nila ako.

Nakita kong pakalat kalat yung Ina akala kong CS. Nagkakamali pala ako.

You want to be a next Ms. And Mr.Guineverre This year? You're running out of the time!

JOIN NOW!

OMAYGHAD!!!!

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon