Kabanata 43
Completion Day.
Erin Lo's POV
"Kung ayaw nyong umattend nang practice, Edi sana sinabi nyo na agad kasi parang sinabi nyo na rin na ayaw nyong mag moving up!" Galit na pagkakasabi ni Ma'am.
"Alam nyo! Nakakahiya mga anak. Iilan lang ang uma-attend nang practice and worst napapagalitan ako kasi hindi daw ako effective na Adviser. Hindi nyo kasi ako sinusunod. Pilot pa naman kayo!" Humawak sya sa ulo at minasahe nang ka unti 'yun.
"Kilala nyo kung sino kayo." Tumingin sya nang matalim kay Chase. Hindi lang naman si Chase ang gumagawa nun pero namumuro na kase sya.
Tinignan ko 'yung reaksyon ni Chase. Nag smirk lang sya kay Ma'am na parang hindi iniinda 'yung mga sermon na halos para sa kanya lahat.
Kunware wala akong pakealam. Inirapan ko lang sya kahit na alam kong hindi nya makikita 'yon.
Umiling iling si Ma'am. "See you later mga anak." Tsaka lumabas nang room namen.
Buong araw kaming tahimik. Sana lang ay umattend na si Chase. . . Oo, Concern din naman ako sa kanya tsaka sa Adviser namin.
Pauwi na 'ko nang mapadaan ako sa restroom nang boys. Rinig na rinig ko 'yung boses ni Mikky. Nasa bungad lang kasi sila ni Chase at hindi nila ako napansin.
"Chase, may practice bukas. Baka naman hindi ka na naman umattend?" Boses ni Mikky.
"A-attend ako kung gusto ko at kung hindi ko gusto. Huwag mo 'kong pangunahan."
"Nagkakaganyan ka dahil kanino? Kay Erin Chai Lo?" Madiing pagkakasabi ni Mikky sa pangalan ko.
"Shut up!!" Sigaw ni Chase. Narinig kong may kumalabog kaya naisip kong sinuntok nya 'yung pader.
"Omg, Chase? Ok ka lang? Dumudugo kamao mo oh! Gamutin natin."
"Leave me alone." Papalabas na sya kaya paalis na rin ako. "Kung nagkaka ganito ako, Walang kinalaman si Chai dito."
Ok.
Nag assume ako? Umasa ako na kaya sya nagkaka ganun ay dahil sa'kin. Ok. Sorry ha? Ganun kasi talaga 'yung nararamdaman ko. May part na kaya sya nagkaka ganun ay dahil sa'kin.
Lumipas pa ang ilang araw. Mas lalong lumalala si Chase. Nakikita kong pumapasok sya nang room na may band aid ang kamao nya. Minsan ay may pasa pa sya.
Naawa ako. Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin. Gusto ko syang tulungan at kausapin. Nami-miss ko na 'yung dating siya. 'Yung dating kami. . Kaso hindi, Hindi pwedeng nawiwili akong gumawa nang kasalanan.
"ART!" Tawag ko. Nasa baba kaming lahat. Nasa Court kami nag pa-practice.
"Uy! Erin." Malamig na bati nya. Alam ko, Alam ko na may galit din sya. Kinausap nya na 'ko about kay Chase sa Café diba? Huwag daw akong maniniwala, pero kay Chase ko naman na mismo narinig ang gusto kong marinig. So hindi ko kasalanan.
"Magtatanong lang sana ako." Malungkot ang tono nang boses ko. Malungkot pati ang mukha ko. Malungkot.
"Saan?"
"K-Kay Chase."
"Anong gusto mong malaman?" Tumawa sya nang mahina pero sarkastiko naman.
"Bakit? Anong meron? Ba't ganon?" Sunod sunod na tanong ko.
"Diba hindi kana nya nililigawan? Bakit concern ka parin sa kanya? Gusto mong saktan ulit sarili mo?" Ngumiti sya na akala mo kasalanan ko pang magtanong at maging concern sa tao.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Ficção AdolescenteHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018