Kabanata 13

186 10 0
                                    

Kabanata 13

Promise, Masakit.

Erin Lo's POV

"CJ. Hindi mo parin gets? Hay nako." Suko na 'ko. Naka ilang explaine na 'ko pero mukhang hindi naman nya iniintindi.

"Hindi abot nang IQ ko yan."

"Weh. Pilot Section tapos hindi abot nang IQ. Minsan tamad ka rin noh!"

Bakit ba nagta-tiyaga ako magturo sa lintek na 'to. Ah! Alam ko na. Kahapon pa sya nangungulit sa'kin at hindi na daw mauulit 'to pag na gets na nya.

Ang daming epal. Si Billy, Jak tapos sunod sya. Puro umaaligid. Alam ko iniisip nyo. Baka may gusto o nanliligaw. pwe! Actually. Nafe-feel kong wala. Hindi naman ako special.

"Hindi tayo matatapos dito CJ e! Tignan mo. Tignan mo, Oh!" Pinakita ko yung relo ko. "Matatapos na yung Recess tapos hindi mo parin gets yan. Gutom na 'ko." Pagmamaktol ko.

"Wait nga lang." Hindi ko alam kung sa'n sya pupunta kaya pinabayaan ko na kesa guluhin na naman ako.

Nasa Food Court kami ngayon. Naka upo. Buti hindi ga'no masyadong tao.

Nilabas ko yung phone dahil may tumatawag. Si Ella. Try nya kayang bumisita ulit dito? Dito sya nag aral nang Elementary. Pero umalis rin kasi sa Maynila na Pinag-aral. Sayang! Hindi niya na meet si Trish.

Hindi ko sya masyadong nakakasama noon kase laging bantay sarado yun sa magulang nya.

Kaya ang ending. Si Trish ang nakakasama ko palagi.

"Elllllaaaa." Mahina ang pagkakatawag ko para hindi marinig nang ibang katabi ko.

"Ano? MMG pa more!" Tawa na naman sya.

"Tsk! Uwi ka nga dito nanng ikaw ang mag-ayos sa'ken."

"Tignan ko kung may gagawin kami. Kailan ba yung MMG na yan?"

"Wala pang specific na date e. Pero bandang October yun. Palagi naman e."

"Basta! Galingan mo. Sana makauwi ako dyan para man lang ganahan ka. Hahahha Walang sasali sa WAO? Kahit isa walang mag MMG? Sayang. Gwapo pa naman nila!"

"Meron. Isa lang yata. Si Chase lang. Hindi ko pa sure kung sasali talaga siya kasi may Battle of the Bands diba? Remember. Isa lang dapat yung kukunin. D pwedeng sugapa!"

"Ay! Nga pala noh. Huhula ako. Battle of the Bands pipiliin nun. Halata naman eh! Sya pa yung Leader. Hindi pwedeng hindi sya kasali."

"Gusto nya yatang mag MMG. Kinakausap ko nga eh. Sayang yung mga naghihintay sa kanila. Akala ko nga kaya hindi sila tumutugtog sa School Lately kasi naghahanda para sa BOTB."

"Ah, talaga. Wait? Anoooo!!! Nakakausap mo sya?!?!?! Wait ha. Okay ka lang girl? Chase Emmanuel Martin ang tinutukoy ko ah. Wag feeler."

Umirap ako sa kawalan. Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si CJ.

"Eto na. Tulungan mo lang ako." Binaba nya yung tray na may mga pagkain. Kung hindi lang ako gutom.

"Boses lalaki yun ah. May boyfriend kana?"

"Wala. Maya na lang ulit Ella ah. May nagpapa tutor sa'ken e."

"Tutor? Magkano bayad nyan sayo? Araw araw ba? Sino ya-"

"Sige na ba bye! Labyah!"

"Labyatah!!"

Nag-umpisa na'kong kumain. Hindi ako nahihiya. Sya nga dapat 'tong mahiya sa'ken kasi nagsasayang ako nang time e qala naman akong benefits na nakukuha.

"Si Trish. Minsan mo na lang nakakasama noh? Magka-away ba kayo?"

"Hindi ah. Busy lang ako at Busy din sya. Exempted na kasi ako sa mga Quizes at Activity dahil kasali ako sa MMG. Since, Hindi naman sya kasali dun kaya ayun. Para sa grades. Graduating pa man din tayo."

"Ah.. ganon ba. Parang hindi kasi maganda ang timpla nang mukha nya nito lang."

"Wag mong problemahin si Trish. Eto oh!" Tinuro turo ko pa yung book at notebook nya. "Yan ang atupagin mo. Okay?"

Nang matapos ang pagiging tutor ko sa kanya umakyat na'ko sa room pero dumaan muna ako Library.

Late ako nakapag pasa nang 1x1 pic. Kaya ako dapat ang mag a-approach o kaya dapat puntahan ko yun palagi para maalala nila.

Clearance pa man din.

"Goodmorning po. Gawa na po ba yung Library Card ko?" Semi magalang ako.

"Late nagpasa nang 1x1?" Ngumiti ako sa kanya. Mabait na Librarian. Pero yung isa halos ipagtabuyan ako dahil late ako nagpasa nang 1x1 pic.

Kaya minsan tinatapat ko talagang sa mabait na Librarian kasi nakakapag explaine ako pag may kailangan silang malaman.

"Dyan ka muna saglit. Hahanapin ko pa kung gawa naba yung sayo."

Umupo muna ako sa bakanteng upuan. Kumuha na rin ako nang isang libro. Mema basa lang. Medyo matagal kasi e.

Sa likod ko. May naglalandian pa yata? PDA? Myghad. Sa Library pa talaga noh.

"Dapat manalo ka talaga sa MMG." Boses ni Bry?

"Basta. Sure Win na 'ko. Wala namang mas magandang babae na sumali doon e." Boses naman ni Bea.

"Tsaka. Hindi ako taga Megadrillente pero kasing gaganda ko lang yung mga babae dito."

Medyo mayabang. Hindi medyo! Sobra sobra na pala.

"Yan gusto ko sayo. Palaban." Naiines ako sa boses ni Bry. Simula palang nung naging sila grade 7? Duh.. akala ko mag be break din agad pero hindi nangyare.

"Balita ko sasali si Erin Lo? Papayag kabang sya ang koronahan this year?"

Grrrr!!!! Naiines ako sayo Bry! Sa tono nang boses nya ay balak nya pa kaming pag awayin ni Bea para lang sa Korona.

"Hell no!" Tsk! Maarte. Papatunayan ko sayong kahit hindi ako maganda. Kokoronahan ako This Year

"Pag nanalo sya ibig sabihin Bias yung Judge or naawa."

Pinigilan ko yung sarili ko na wag humarap sa kanila. Plastik kang Bea ka! Bwisit. Lalo kana Bry!

Lahat nang pagkahumaling ko kay Bry ay bigla na lang nalusaw. Napalitan nang galit at inis. Hindi man lang nya ipagtanggol yung tao. Lalong lalo na si Bea!

Hindi ako makapaniwalang nagpapa Sleepover ako sa bahay nang ahas. Nagpapatulog ako sa kwarto ko nang ahas. Plastikada at Santa Santita!!

Akala ko talaga mabait 'to. Magaling lang pala magpa ikot. Magaling lang umarte na akala mo mabait nang hindi nahuhuli.

"Erin Chai Lo. Eto na yung Library Card mo."

Sabay na tumingin ang dalawa sa'kin habang inaabot ko yung Library Card ko.

Tsk! Ipagpapasalamat ko ba na late ako nagpasa nang 1x1? Kasi kung hindi ako nalate magbigay edi hindi ako pupunta dito. Hindi ko maririnig yung pagiging plastikada nya. Hindi ako masasaktan ni Bry.

Pero maganda na rin 'to. Hindi na 'ko maniniwala sa kasinungalingan at maging isang bulag sa katotohanan.

Masakit.. sobra. Promise, Masakit.

Tumingin ako nang matalim sa kanila bago tuluyang lumabas nang Library.

I need to proved myself.. I need to.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon