Kabanata 42

108 7 0
                                    

Kabanata 42

Change for what?

Erin Lo's POV

"Anong sagot ba ang gusto mong marinig?" Tanong nya.

"Katotohanan." Sagot ko.

"Kung hindi mo kayang sagutin. Pwes, ako ang sasagot." Pag singit ni Mikky. Lumapit sya kay Chase. "Oo, Kami nga. Ang dami kong binigay na proof sayo. Hindi pa ba sapat?" Galit na tumingin si Chase kay Mikky.

"Ngayon Chase." Napatingin sya sa'kin. "Oo o Hindi."

"Say it Chase. Simpleng tanong hindi mo masagot." Pagtataray ni Mikky.

"Let me explaine first." Sagot ni Chase.

"Oo at Hindi ang choices. Walang explaine explaine." Sabat ulit ni Mikky.

Huminga nang malalim si Chase. Akala ko sasagot na sya pero hindi.

"Ikaw? Excuse mo lang ba 'tong issue sa'min ni Mikky para magkaroon tayo nang rason p-"

Hindi ko na hinayaang ituloy ang sasabihin nya. Alam ko na, Alam ko na 'yung ibig nyang sabihin. Nasaktan sya? Pwes ako din!

"Oo,Kami ni Mikky. Ngayon ikaw naman ang umamin. Kayo ba ni Leo?"

Wtf? Bakla 'yun! BAKLA! BAKLA! BAKLA! Kung sa bagay. Hindi naman nya kilala si Leo at tago ang pagiging babae nya.

"Wala akong dapat sabihin." Sagot ko. Tumalikod na 'ko. Hahabulin pa sana ako ni Chase pero hinarangan sya ni Mikky.

Hahayaan ko syang mamatay sa kakaisip kung kami ba ni Leo o hindi. Nasaktan ko sya? O nasaktan nya ako.

Nasa loob nang kotse si Ella. Si Leo ang naghihintay sa'kin dito sa tapat kasama ang ibang mga magulang. Agad syang lumapit sa'kin.

"Girl? Anong nangyare? Buti naman at lumabas kana! Kalurkey teh, nilalamok na 'ko dito eto kasing si Ella iniwan ako!" Pagiinarte ni Leo. Hindi ko sya pinansin. Naglakad na kami palabas at papunta sa kotse.

Tumingin muna ako saglit sa likod ko. Nakita ko si Chase at Mikky na nakatingin sa'min. Kita kong nasasaktan si Chase. Naka kuyom ang kamao nya sa galit. Ganti ko yan. Kung kaya mong magdalawa, kaya ko rin. . Pero talo parin ako. Sila ni Mikky may totoong namamagitan pero sa'min ni Leo. Wala. kumbaga props lang. Nonesense.

Nagising ako sa sikat nang araw. Tumatama sa mukha ko kaya tumayo na ako para mag-ayos.

Pinagmasdan ko 'yung sarili ko sa salamin. Namumugto parin 'yung mata ko galing sa pag-iyak. Iniiyakan 'yung taong hindi seryoso sa kanya.

Baka naman kaya ako umiiyak nang ganito kasi mababaw lang ang pagkaka alam ko sa love.

Hindi lang pala basta pagmahal nyo 'yung isa't-isa sapat na 'yun. May mga bagay pa pala na pwedeng sumingit at manira.

Akala ko mapo-protektahan ko 'yung sarili ko kung maghihintay muna si Chase. Hindi pala, Basta pag nagmahal ka hindi pwedeng hindi ka masasaktan.

Walang ka alam-alam magulang ko sa nangyayare. Ayoko namang mag open sa kanila kase hindi nila ako maiintidihan.

"Nak, tapos na prom nyo. Bale practice na lang nang Completion 'yung iniintindi mo ano nga-"

"Ma, Nakapag desisyon na po ako. Sa Manila na po ako mag-aaral." Sagot ko. Gusto nilang sa Manila ako mag-aral kase mas maraming Opportunity na makukuha.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon