Kabanata 49

226 7 1
                                    

Kabanata 49

Awat na.

Erin Lo's POV

May iilang OA makatingin sa'kin. May isa pang bumulong na 'ang ganda sana kaso mukhang adik.' At meron pa. 'Buti naka graduate 'yan?'

Dedma na lang ako. Ang mahalaga Graduated ako plus tanggap ako nang Family ko Plus nasa'kin na ang hinihintay ko plus bonus na 'yung awards na makukuha ko. Ang dami kong dahilan para matuwa, pero bakit ganun? Bakit parang may kulang parin? Bakit parang may part sa'kin na nakokonsensya ako? Bakit? At Saan?

Pagtapos nang ilang seremonya, pagbibigay nang Medals at mga diploma konting drama ganon natapos rin.

Tapos na 'kong mag-aral! Woah! Shet. 'Yung mga pabida dyan! Ano? Naka graduate na 'ko mga kups!

Nagpicture kami nang Family picture. Katabi ko si Chase at palagi nyang sinasabi kung ga'no sya ka proud sa'kin. Kung ga'no niya ako ka mahal at hindi daw sya magsasawang mahalin ako. Gusto kong umiyak kasi nakaka touch sya pero pinigilan ko.

Ano ba ginawa ko at napunta si Chase sa'kin? Deserve ko ba 'to? Baka naman dadaan lang din sa buhay ko 'to tapos konting tambay pero aalis din pala. Pinatagal pa noh.

Napagdesisyunan nila na sa bahay namin sa Megadrillente magsalo-salo. Pumayag naman ako kase miss na miss ko na ang Megadrillente. Lahat na miss ko na.

Pagkababa ko palang sa kotse may iilan nang nakatingin at abang sa'kin. Pake ko? Ang ganda nang porma ko ngayon at feel na feel ko 'yung bagong kulay ko na buhok tapos gaganyan sila?

 Pake ko? Ang ganda nang porma ko ngayon at feel na feel ko 'yung bagong kulay ko na buhok tapos gaganyan sila?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Artista kana Nak!" Pang-aasar ni Mama. Kase naman pinagtitinginan ako.

Ngumiti lang si Chase sakin tapos nag thumbs up at nagtatanong kung ok lang daw ba 'ko. Ngumiti naman ako bilang sagot.

"May surprise kami sayo. Kung hindi ka magulat edi kunware nagulat ka ah. Para naman na ma feel namin na worth it. Ha?"

"Sige, sige. Sana lang ka gulat-gulat 'yan ah." Tinuro ko sila isa-isa. "Kayoooo, Baka pinagtitripan nyo lang ako." Nag pout ako sa kanila.

"Hindi ah! Tara na dali, pasok na tayo!" Naunang maglakad si Kuya papasok nang bahay. Patay 'yung ilaw laya madilim.

"Ready?"

Tumango-tango ako habang naka thumbs up. Ano naman kayang mga paandar neto.

Nauna akong papasukin, Sa likod ko naman si Chase. Tapos biglang bumukas ang ilaw.

"CONGRATS ERIN CHAI LO!!!" Sabay-sabay na sigaw nila. Sino-sino nga ba sila. Sila Trish, Mikky at Isha?! Pati sila Ella at Leo nandito rin. Sila CJ, Billy at Jak ay nakangiti habang nagwawagay way nang mga lobo.

"Kaninong ideya 'to, Aber?" Nagtaas ako nang isang kilay pero mababakas naman na masaya ako. Oo, Nagulat ako. Hindi ko ine-expect?

Baka dahil ang expectation ko mag-iinuman lang kami pagtapos kong gumraduate kung hindi man ako tanggapin nang magulang ko.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon