Kabanata 22

148 5 0
                                    

Kabanata 22

Awkward talaga.

Erin Lo's POV

Nakaka kalahati na 'ko sa pagsusulat nang sa mga letters. Sana lang ma appreciate nila. Hindi pa naman kagandahan sulat ko.

Halos natatawa na lang ako. Ang dami ko kasing masabi sa bawat classmates ko. 4 years ko din silang nakasama at yung iba simula prep palang classmates ko na kasi pilot section.

Hindi ko parin chine-check ang messenger ko. Natatakot ako na baka i message niya ako nang hindi maganda. I me-message na lang nya sa'kin yung gusto nyang sabihin kanina. Halata naman e. Ayaw nya lang ako masaktan para kunware okay kami.

Hindi naman ganon ang gusto kong mangyare. Karamihan kasi ganon e. Pag nalaman mong crush ka nang isang tao syempre lalayuan mo. Ayaw mong ma issue eh.

Ayokong ma issue. Hindi dahil sa hindi totoo ang feelings ko. Syempre. Ayoko ring mapahiya si Chase. Mai-issue na lang din sya sa kagaya ko pa? Sa 'kin pa? Tsaka hindi ko keri 'yon. Mapapatalsik ako sa pag-aaral.

Pero wala sa iniisip ko ang nangyare. Pag bukas ko nang messenger nandun sya. Inadd nya 'ko sa messenger plus nag wave din siya.

Galawang paasa?

Gusto kong magwala sa kilig that time. Parang may something sa'min pero wala. Friendly lang talaga sya.

Ayoko namang umasa na may meaning yun diba? Kung ayaw mong masaktan edi wag kang mag e expect. Ganun lang 'yon. Kaya pigilan mo!

Hindi na 'ko nag social media. Sapat na sa'kin na nalalaman ko kung ol ba sya o hindi. Kahit hindi ko na rin makita yung mga post nya. Okay lang rin.

Ang mahalaga. Maging maayos na ulit ako sa pag take nang exam. Natapos ko lahat nang pinagagawa na ipapasa bukas. Nakapag review ako nang matiwasay at nakatulog nang maayos.

Naka upo na ako sa upuan ko. Hindi naman na 'ko masyadong kinakabahan kasi confident akong hindi na nya ako papansinin. Magiging madali na lang ang pag iwas at makakapag focus na 'ko sa pag-aaral.

"Blooming ka yata ah!" Ngumiti lang ako kay CJ. Blooming talaga ako! Masaya ako na babalik na ulit ako sa sarili ko.

"Chai. Pagtapos nang exam may meeting sa 3rd floor lobby." Si Chase 'yun habang inosente na naman ang mukha at boses. Ah, Inaantok lang ako kahapon kaya naging manly ang boses nya.

Ngumiti ako. Kunware hindi ako umamin sa kanya. "Sige."

Naging maayos naman ang takbo nang pag e-exam ko. Siguro dahil wala naman akong pinagpuyatan kagabi. Si Chase naman ang wala sa sarili. Sa tuwing matatapos ang isang subject. Yuyuko sya at pipikit.

Sya naman ang puyat. May pinagpuyatan kaya sya? Kung sa bagay. Imposibleng wala syang girlfriend. Sya pa ba? Nasa kanya na kaya ang lahat.

Break na kaya sila?

Nang matapos ang exam. Pa ikot ikot na at nagkakagulo na 'yong mga kaklase ko. Pinamimigay na kasi nila yung mga letters nila. Grades din kasi 'yon. Pag complete 'yung letters automatic 50 points na 'yun plus yung design ang creativity pa.

Nilabas ko 'yung box na may designs tapos nandun sa loob 'yung mga letters nila. Kung sino na lang yung unang makuha ko 'yun ang pagbibigyan ko. May mga names naman e.

Shake! Shake! Shake!!!

"Who's the Lucky One." Bulong ko.

Okay. Si...

Sino ba 'to? Hindi ko mabasa! Ganito na ba ako ka antok ka gabi at ganito na lang 'yung pagkakasulat ko nang name nya?!

Binasa ko na lang yung letter. Ayon sa sinulat ko kagabi eto ang nakalagay.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon