Kabanata 17
Why naman ganon?
Erin Lo's POV
Kahit umiwas ako nang madaming beses tadhana pa talaga ang naglalapit sa'min.
Pwede ba tadhana, Tigilan mo na yung pagiging makulit mo? Hindi pwede, ok? Pag nagkataon e. Pahintuin pa 'ko sa pag-aaral para sumama na lang sa boyfriend ko - kung meron man. Sana si Chase.
So ayun nga, Gaya nang pag-iwas ko dito kay Chase syempre, Lalong lalo na 'tong kay Bry. Katabing section ko lang kaya siya noh.
Pag alam kong magkakasabay kami sa hallway o kaya mag ku-krus ang landas namin ako na mismo ang tatakbo palayo.
Nakakahiya lang kasi nung nag sleep over sila Bea sa'min may mga topic na hindi na dapat inuungkat- Tulad na lang nang pagka baliw ko kay Bry sa mahabang panahon.
Alam ni Bea. Oo bes! Alam ni Bea na Crush ko 'tong syota nya ngayon. Akala ko ok lang sa kanya. May pa tawa tawa effect pa sya, tapos ' Natural lang 'yon.' Plastik.
Akala ko naiintindihan nya yung feelings ko. Hindi naman pala!
*crack!*
"Chai. Bakit binali mo? Hahaha Yan wala kana tuloy Kutsara."
Natauhan lang ako sa sinabi ni Trish pati ang pag batok nya sa'kin nang mahina.
"Alam kong pinapatay mo 'yang si Bea sa isip mo pero wag mo naman pahalata." Kumindat si Trish na akala mo effective yung advise nya.
"Nandyan ba? Wait. Asan?" Tumingin tingin si Isha sa mga kumakain dito sa Foodcourt. Hinila ko sya pa upo kasi masyado syang obyus.
"Tama na nga. Naiines lang ako at correction ah, Hindi ko pa sya napapatay sa isip ko." Inirapan ko nga.
"Ah, nagpa plano palang." Tumango tango si Trish.
"Sama kami ah!" Tinignan ko nang masama si Isha tapos nag peace sign sya.
"Kaibigan mo yan diba? Si Bea at Zy, pati yung WAO." Pagka klaro ko.
Baka kasi sinasabutahe ako nitong ni Isha. Naningkit yung mata namin ni Trish habang naka tingin sa kanya.
"What's with that face?" Seryoso na yung mukha nya pero tuloy parin ang tingin namin sa kanya.
"4 years na tayong magkakaibigan Karieshma Saavedra. Hindi mo pa nakukwento yang si Bea at Zy sa'min. Baka naman?" Umikot yung mata nya na parang nagpaparinig.
"The're just my friends. Hindi ko close friend kaya ano ikina ba-bothered nyo dyan?"
Hindi padin ako naniniwala? Ma sikreto kasi 'tong si Isha kahit noon at ngayon pa man.
"Ok? Fine." Hinawi nya yung buhok papuntang likudan. "Parehas kaming ampon. Ok?"
"So? Ano ngayon kung ampon kayong dalawa?" Mabilis na tanong ko.
"Sino? Si Bea o Si Zy?" Tanong naman ni Trish.
"Teka lang. Patapusin nyo muna kasi ako. Excited much?"
Nagtawanan kami. Para kaming mga ewan dito dahil ang lakas nang tawa ni Trish.
"Eto na kasi. Totohanan na. Ayaw nyo yata eh!"
"Sige. Go girllll."
Umirap sya nang magawi ang tingin kila Bea at Bry.
"Ang Dad ko at Dad ni Bea ay magpinsan. Bumibisita sila sa bahay kaya magkaibigan kami pero hindi close. Eto namang si Zyreen. Ampon sya nang Lola at Lolo ko,Magulang ni Mommy. Ampon din naman ako nila Mommy e. Kaya kahit na sabihin nilang magka mag anak kami, Hindi ko tatanggapin."
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Teen FictionHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018