Kabanata 26

155 6 0
                                    

Kabanata 26

Whut???

Erin Lo's POV

Sabado ngayon! Sabado! Sabado! Sabadoooo!!! Bakit may rehearsal? Bakit?! Anong trip nila? Nananadya ba kayo, Ha!

"Tadhana na naglalapit sa inyo ah. Wag na maarte ate girl!"

"Ano ngayon?" Umismid ako kay Trisha.

"Oo nga pala, Hindi pa pala pwede. BATA kapa kasi."

Inirapan ko na lang si Trish. Kaunti palang yung mga tao dito. Medyo maaga kami. Hindi naman kasi excited 'yung dalawang kasama ko e noh.

"Wag mong iparamdam na, na o awkwardan ka sa kanya. Huwag mo ipahalata para hindi kayo mahiya sa isa't-isa. Okay?" Nag thumbs up pa si Isha.

Napabuntong hininga na lang ako. Kung akin lang syempre tatanggihan ko ba 'tong si Chase. Syempre hindi. Ayoko lang na malapit pa nang husto. Hindi naman masamang makipag friends pero diba lahat naman nag uumpisa sa 'Friends'.

Dahil halos kumpleto na kami, Si Chase wala pa. Okay? Hinahanap ko siya kasi partner kami okay.

Bago ako pumunta sa stage kung saan magpapractice lumapit muna ako kila Isha at Trish.

"Huwag nyo na muna ako aasarin kay Chase ngayon. Please? Thank you!"

Hindi ko na sila hinayaang sumagot sa'kin. Basta tumakbo na 'ko sa backstage.

Nag e-explaine palang naman nang mga basic steps e. Kaya sa tuwing napapatingin ako sa dalawa ngingiti lang sila sa'kin at minsan ay nag ta thumbs up lang.

Buti naman.. hindi mahirap kausapin ang mga besties ko!

"Sorry po Ma'am. Sorry. Nagkaproblema lang po hahaha sorry." Eto na naman ako.

Nabato na naman ako sa kinatatayuan ko. Hindi naman mainit pero pinagpapawisan ako. Basta marinig ko lang boses nya nawawala ako sa sarili.

Tulad ngayon!

"Ms. Lo? Kanina pa kita tinatawag. Okay ka lang?"

"O-opo Ma'am."

"Ok! Nandyan na 'yung partner mo Ms. Lo kaya pwede na tayong mag umpisa."

Wth?! Hinintay lang pala nila na dumating si Chase at ngayon, Nandito na sya eto na. This is pancit. Goodluck!

Ako na sana 'yung lalapit sa kanya pero pag harap ako eto na sya, Naglalakad papunta sa'kin. Act Normal Erin!! Ngumiti ako sa kanya.

"Late kana Chase ah!" Bungad ko sa kanya. Ayokong ma feel ang awkwardness sa pagitan namin. Mahirap. Partner kasi kami!!!!

"Ah, Oo. Tara na?"

Shet.. nilahad nya 'yung kamay nya. May pag aalangan pa 'ko kung tatanggapin ko 'yun pero no Choice. Tinanggap ko 'yung kamay nya. Naglakad kaming magkahawak ang kamay. Walang isyu! Lahat kami ganon ang ginawa kasi kasama sa Steps 'yun!

Bat ka galit?

Eye to eye ang labanan. Halos lumuwa na 'yung mata ko kakatitig sa kanya with a beautiful smile. Sa tuwing may kakausap sa kanya doon lang ulit ako kukuha nang madaming madaming hangin para hindi ako maubusan nang oxygen sa katawan! Chase papatayin mo ba ako!!!

Magaling na yata sya sa ganito. Yung mag panggap na akala mo walang nangyare pero meron.

Talent?

Sa tuwing may break time o kaya pahinga saglit minsan lumalapit si ART sa'kin. Natutuwa daw sya sa step namin. Kabisado daw nya 'yung steps nang boys kaya gusto nya i try daw naming sumayaw.

"Sana ako na lang representatuve nang boys! Tsk! Sayang!"

Natawa ako sa itsura ni ART. Nanghihinayang kasi talaga sya nang sobra. Kung tutuusin sana sya na lang para d ako nakakaranas nang awkwardness gaya na lang kanina sa'min ni Chase.

"Pa'nong si Chase ba ang napili sa room naten?"

"Hindi ko din alam e. Siguro dahil mas maingay 'yung pangalan nya kumpara sa'min."

"Weh? Di nga!"

"De joke! Tinanong kaming tatlo kung sino may interest. Magsasalita palang ako si Chase nakasagot na agad."

Napatingin si Chase sa'min. Hindi ko alam kung narinig ba nya o hindi. Ngumiti ako sa kanya kahit pilit na pilit tsaka yumuko.

"May napapansin ako sa inyo ni Chase. Ok lang ba kayo?"

"Okay lang, Walang kami." Pagbibiro ko.

Napatingin na naman ulit si Chase sa'min. Naririnig ba nya? Medyo katabi niya 'yung speaker pa'nong maririnig yon?

"Talaga naman oh!" Tumawa rin sya. Nagtawanan kaming dalawa. Napaka daming camera sa paligid. Shit!!! Kumalas ako sa pagsasayaw namin ni ART. Nakalimutan kong isa sa pinaka sikat sa Guineverre si ART. Baka ma isyu ako!

Hindi parin sila tumitigil sa pagkuha nang pictures. Ang OA ha!!! Dapat may flash!

Since break naman na. Pumunta ako sa pwesto ni Isha at Trish. Mukhang wala sa mood si Isha. Hindi nya man lang ako pinansin.

Pareparehas kaming wala sa mood. Hindi magandang ideya ang pumasok sa sabado para magpractice.

"Bukas, baka sa susunod na bukas." Bulong ni Trish nang wala sa sarili.

Kung ano ang right term na dapat gamitin para ma describe kaming tatlo. BANGAG. Mga wala sa sarili.

Yumuko na lang ako sa lamesa. Nasa foodcourt kasi kami. Gusto ko na lang matulog at makapag pahinga. Pwede ba 'yon?!

Tutulugan ko na lang lahat nang dapat hindi ko iniisip.

"Erin."

May tumatawag sa'kin. Wari ko nasa harap ko na sya. Naka upo katabi si Isha.

Dahil sa gulo gulo pa ang buhok ko mula sa pagkakayuko. Hinawi ko lahat sa gilid nang ulo at tumingin nang daretso sa kanya.

'Yung akala ko wala na.. meron pa pala.

"Erin." Ngumiti si Bry pagtapos nyang banggitin ang pangalan ko. Akala ko wala na 'kong feelings sa kanya pero meron pa pala, Dahil do'n napatulala na naman ako sa kanya.

"E-Erin? Okay ka lang?" Nag thumbs up sya habang nagtatanong sa'kin.

Umiling iling ako para maging maayos ang pag iisip ko. Myghaaad!!! Okay na 'ko e! Hindi na nga kita masyadong naiisip tapos bigla kang lalapit ulit sa'kin!

"Oo." Tumingin tingin ako sa paligid. Hinahanap ko si Bea nang mapagtulakan ko na sya sa babaeng 'yun para umalis na 'ting si Bry sa pwesto namin. "Si Bea? Baka hinahanap kana nun." Seryoso ang mukha ko. Hindi mo mababahiran nang kahit anong feelings.

"Ikaw nga 'tong hinahanap ko e. Kakausapin sana kita." Tumingin sya kila Trish at Isha. "Okay lang?"

Pagtapos ngumiti at tumango nang dalawa. Sinundan ko si Bry. Nakayuko ako. Kahit wala 'kong ideya kung ano ang gusto nyang pag usapan namin.

"Ano ba sasabihin mo?" Base sa boses ko parang naiines ako pero deep inside hindi. Ayokong ma feel nang isang tao na gusto ko sya. Basta ayoko lang. Kahit mabait ako ayokong ipakita 'yung side ko na 'yun. Baka maabuso. Kaya lagi nalang nakataas ang isang kilay ko.

"Gusto ko kasing ipanalo mo 'yung MMG."

Automatic na namang tumaas ang kilay ko. Hindi ko maiiwasan!

"Sinong may sabing magpapatalo ako?" Sabay irap ko. Akala ko ba tatalunin ako ni Bea?! Diba yun yung narinig ko sa library? Mali ba ako nang rinig?

Hinawi nya nang kaunti ang buhok ko at inilagay sa gilid nang tenga. "Para pwede nang maging tayo."

Whut???

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon