Kabanata 19

157 8 0
                                    

Kabanata 19

Pa accept naman.

Erin Lo's POV

Nagpagulong gulong na ako sa kama pero wala parin. Paano ba naman kase! Inadd ko ang We Are One sa fb. Si ART palang ang nag a-accept sa friend request ko!!!

Chase Emmanuel Martin? Online online rin 'no?

Ok lang. Kaka add ko palang naman kay Chase kanina. Syempre nandun parin yung hiya ko kaya nga matagal ko nang pinag iisipan 'to e. So eto na yung right time. Inadd ko na si CHASE.

Maghihintay ako nang kahit anong oras. So for now. Mag rereview muna ako.

Nilabas ko yung nga books at iilang lectures na nagawa ko. The rest puro picture na lang ang pinag rereviewhan ko. Special thanks to you Trish and Isha!

Yung mga na missed ko kasing subjects mga nag papa lectures since wala ako the're here para i send sa'kin lahat 'yun.

Bukas. First day of examination na namin. Three days ang exam namin. Ganon palagi kase 8 ang subjects naming lahat.

3 subjects sa first day. 3 subjects ulit sa second day at para sa Third day 2 subjects na lang. Yun ang Science at Math. Yas gurl. Medyo madugo nga ang Third day. Aware kami dyan.

Hindi ko na nga ni mute yung messenger ko kasi baka naman diba! Baka naman Chase. Nakakahiya naman sayo classmate tayo tapos ako yung Vice President sa Room. Kaya mahiya ka talaga.

"Chai." Boses ni mama sa labas nang kwarto. "Kakain na. Hindi ka pa ba bababa dyan? Buksan mo yung pinto." Kumatok katok sya at pinipihit na yung door knob.

"Wait lang po ma! Saglit. Nandyan na. Ma, tatapusin ko lang lahat 'to." Pinakita ko yung 2 subjects na hindi ko pa na rereview dahil nag aabang ako sa facebook. "Tapos. Susunod na agad ako. Promise!" Tinaas ko yung isang kamay ko para manumpa sa kanya.

Naglakad lakad si mama sa kwarto ko. Ano kaya tinitignan nya?

"Naglilinis kaba nang kwarto mo. Chai?"

"Opkors!" Pagbibiro ko, pero seryoso naglilinis ako nang kwarto ko noh. Hindi ko na pinalilinis sa mga kasambahay sa bahay para alam ko kung saan ko hahanapin yung mga gamit ko.

"May bisita kaba?"

"Ngayon? Wala naman po. Bakit Ma?"

"May nakapasok na ba dito bukod kay Trish, Isha at Ella?"

"Po? O-opo."

Magagalit kaya sya? Hindi ko kasi nasabi na may nag sleepover dito kasi pag dating nila Mama at Papa. Naka alis na sila.

"Okay. As long as hindi lalaki yan, Okay lang sa'kin. Ok? Anyway. Para gumana yung utak mo sa pag rereview. Tara na at kumain na tayo. Ituloy mo na lang yan pagtapos mo." Ibinaba nya yung frame na hawak hawak nya.

Nataranta pa nga 'ko nang konti kasi medyo napalapit sya sa kama ko. Nandun yung laptop kong naka bukas tapos sa fb pa 'yun. Bungad na bungad. Tapos yung phone ko naka bukas din at nandun pa talaga ako sa wall ni Chase.

"Nag rereview kaba talaga? Bat naka bukas yang mga Gadgets mo?"

"Y-yung ibang reviewer po kasi Ma, Ano. Sinend sa'kin kasi.. diba. Lagi akong excuse sa klase dahil sa MMG."

"Ah, Okay. Basta pag tapos kumain mag review kana agad para makapag pahinga kapa. Tara na."

Umakbay si Mama sa'kin pababa nang kwarto. Hindi ko na rin napatay yung phone at laptop. Basta iniwan ko lang sila doon. Baka mapansin pa 'ko ni Mama sa ginagawa ko.

Tahimik lang kami habang kumakain. Minsan nag kukwento si kuya about sa mga students nya kaya nagkakaroon nang small talks nang saglit.

Nag she-share nang mga ganap sa buhay buhay. Palaging ganito samantalang ako. Bukod kay Trish at Isha wala na 'kong makwento. Sa kanila lang naman umiikot ang mundo ko sa school noon at hanggang ngayon.

Wala namang bago.

Nagkaroon nang kaka piranggot na friends. Na lalaki? Oo. Yun lang yata yung nabago sa 'kin. Nakikipag usap na 'ko sa mga lalaki nang kaka unti. Nakakahiya naman kasi na isnabin ko sila diba? Ganda ka teh? Ganda ka? Jusme.

"Bukod sa Mama nyo may makakapag pa humaling pa pala sa'kin."

Sabay halakhakan nila Mama at Kuya. Yun lang ang huling narinig ko kay Papa. Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy nya.

"Hindi naman ako uma-attend sa mga ganon pero dahil magaling e. Kahit sino naman hahanga sa kanila." Dagdag pa ni Papa.

"Dyan sa Guineverre nag-aaral yung lima na 'yon. We Are One. Right?" Patanong na pagkakasabi ni Kuya. Sus! Kunware pa! Usap usapan na sa school 'yon e. Syempre alam nya yun.

"Oo! Talaga? Dyan lang ba 'yon? Chai. Ikaw? Nakikita mo ba sa school 'yun?" Naghihintay si Mama sa sagot ko. Hindi nya talaga inaalis ang titig sa'kin hanggat walang nakukuhang sagot.

Sahihin ko rin bang naging Lucky Girl nila ako?

"Opo Ma. Actually ka-"

"Hindi naman pala kaibigan yung lima na 'yon. Hindi nakiki halubilo." Pag singit ni kuya. Nakikihalubilo kaya sila!!! Hindi mo kasi kilala masyado kuya!!

"Ganon. Mababait na bata 'yon e. Sa magulang at sa mga humahanga sa kanila."

"Syempre! Para mas lalo silang sumikat."

Epal talaga 'tong si kuya!

"Sa stage naman. Pag alam nilang may sobrang nag a-admire sa kanila at kahit pa may deperensya papa akyatin nila nang stage para masolo sila. Ang swerte." Si mama? Nangangarap din ba sya na maging ganun?

"Malamang! Nasa stage sila. Dapat mag mukha silang mabait." Kuya? Isang isa kana lang sa'kin!

"Basta. Erick kahit na Basher at hater ka nila. Fan na nila kami."

"Pffftt!!"

"Chai. Bat ka tumatawa dyan?"

Bat ang cute pag si papa nagsasabi nang line na yun? Fan na sya nang WAO? Seryoso?

"Wala Pa. Natutuwa lang ako."

"Fan ka din ba nang WAO?" Lumingon ako kay Mama. Hindi ako Fan Ma!

"Super Faaaann!!!" Pero hindi ako pabibo. Hindi ko sinabi yan. Syempre.

Matapos kumain dumaretso na 'ko sa kwarto ko. Sana lang friends na kami. Sana lang inaccept na nya ako.

Sya ang motivation ko.

Nakakatuwa. Hindi naman ako pala fb kaya nag accept accept muna ako sa mga nag add sa'kin tapos nagtingin tingin na rin ako sa mga nag accept sa'kin.

So 'yun. Inaccept na nga AKO NANG WAOOOO!!! MYGHAAAD!! So eto na nga!!

Ang swerte mo pag inaccept ka nila. Ilan lang ba friends nila sa fb?

Ahh.. hindi sila pala accept. Mga 800 plus lang friends nila. Siguro mga kakilala lang nila? Baka hindi rin pala fb?

Wait. Inaccept na ako. So it means na inaccept na rin ako ni CHASE??? Okay.

Inhale. Exhale.

Sinearch ko sya sa fb. Hindi ko kasi napansin kanina e. Baka ma perfect ko pa yung exam pag nagkataon.

Ouch! Hindeeee!!! Apat ang nag accept sa'kin at hindi sya kasama dun. Sya na lang ang hindi ko friends.

Ayaw nya yatang ma perfect ko ang exam.

Chase Emmanuel Martin, Pa accept namaaaaan!!!!

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon