Kabanata 46

150 6 0
                                    

Kabanata 46

Wild Child.

Erin Lo's POV

"Malapit na magbakasyooon!!" Sigaw ni Lopez. Surename nya 'yon. Hahaha mas trip ko syang tawagin sa surename kesa sa Patrixia.

"Wala yata akong natutunan. Pagiging Wild Child lang." Nagtaas baba ang kilay ko sa kanya.

"Same. Oo nga pala! Since graduating na tayo. Inuman session naman tayo sa dorm nyo!" Suggestion ba 'yan?

"Sige. G kami dyan!" Pag singit ni Ella sa usapan. Uwian na at medyo mag gagabi na rin kaya nauna na kami sa dorm.

Sila na daw bahala sa lahat basta may pagtambayan lang daw ngayong gabi. Mga grounded sila ngayon kaya hindi pwedeng gumamit nang bahay.

"Bakla. Sino nag uwi sayo nung lasing ka sa party nila Lopez?" Tanong ko.

Nakapameywang sya habang nakatingin sa itaas na parang nag-iisip. "Si Mikky, Bakit aber?"

"Mikky? Pambihira, hanggang ngayon friends parin kayo?"

"Yes girl, Mabait naman 'yun eh. 'Yun nga lang kung may gusto sya, kahit magmukha syang desperada gagawin nya."

"Ah, baka pinaplastik kalang nun!" Napaka mapanira kong puri.

"Hindi ah, Sumusunod naman sya sa mga payo ko. Kailangan mo lang ulit-ulitin at ipa-realize sa kanya 'yung mga mali niya."

"Pinagtatanggol mo lang, Bakla!" Sigaw ni Ella mula sa kusina. Naglakad sya papalapit sa'min. "Baka sinasabutahe mo na kami ah!"

"Nako girl. Ayan na naman tayo eh. As far as i know, kasama sa inuman session natin ngayon si Mikky." Umirap sya sa kawalan sabay hawi ulit sa imaginary hair nya.

"Weh? Edi kasama nya si Chase?" Nagtatanong si Ella kay Leo pero sa'kin sya nakatingin.

Pero. . . Wtf? Hindi parin nga 'ko makamove on sa kanya tapos magpapakita sya ulit?

"I don't know. Pero! Alam ni Mikky na kasama kita dito sa dorm so. . Dadalhin nya ba si Chase para magkita kayo?" Leo's referring to me.

"Oo! Balak nyang mang-asar at ipainggit si Chase kase ginawa muna nila akong tanga bago naging sila. Bullshit!"

"Easy lang teh." Pinapakalma ako ni Ella sabay tingin kay Leo. "Bakit kase kasama pa 'yang si Mikky. Pag yan nang-gulo dito sisipain ko yan una pwet!"

"Ang harsh momshie! Mabait naman 'yun!"

"Mabait my ass!" Bulong ko.

Natigil ang pagtatalo talo namin nang may kumatok sa pintuan. Sa labas palang nagkakagulo na sila sa ingay. Kaya nandyan na sila.

Totoo nga at nandyan si Mikky. Ngumiti sya sa'kin. Nawala tuloy ako sa mood.

"Oh, Nasa'n si Chase?" Bungad ni Ella kay Mikky.

"You know what. Let's all move on. Enjoy lang tayo tonight. Spread love not hate!" Ngumiti sya at itinaas pa ang kamay.

Sumang-ayon naman ang lahat sa kanya. Ok. Spread love not hate. Mag e-enjoy ako ngayong gabi kahit nandyan pa sya.

"Mikky. Diba dito kana rin nag-aaral? Saang Univ. Ka?" Pagtapos magtanong ni Lopez ay lumagok sya sa bote.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon