Kabanata 11
Ang taas mo...
Erin Lo's POV
Hindi madali. Aral tapos palaging ine-excuse sa klase. Kailangan kong maging Valedictorian. Kaso priority ang MMG. Although medyo malayo pa inaasikaso na nila. Yun kasi yung pinaka inaabangan nang lahat. Kung sino ang manalo dun sya rin ang ilalaban sa Bulprisa.
At mukhang may kumakalaban pa sa'ken sa klase. Hindi ko na mabilang ang pag tingin ko nang masama kay Chase.
Oo. Si Chase nga! To the point na hindi pa tapos ang sagot nang teacher naka taas na yung kamay ko para hindi nya maunahan.
Lucky talaga ako. Laging tama ang sagot ko. Sa tuwing ginagawa ko 'yon titingin ako sa kanya nang may pagka mayabang. Akala nya ah! Tapos pag nagtatama yung tingin namin simple lang syang ngingiti. Ganon. Palagi. Makokonsensya ka tuloy sa kanya.
Hindi ko alam kung ganon lang talaga sya. Matalino sya at gusto nyang i share ang alam nya. Hindi ko gusto yun! Oo na matalino sya pero hindi pwedeng maging Valedictorian sya. Ako dapat. Kasi.. kasi.. yun ang gusto nang magulang ko.
Aish!! Lahat na lang nakabase sa gusto nila. Puro gusto nila.
Tapos na ang Recess. Lunch na pero hindi parin ako bumababa. Nasan si Trish at Isha? Ayun. Nasa baba. Nakatutok lang ako sa notebook ko. Hindi ko pinapansin ang mga taong labas pasok sa room. Naka focus lang ako.
Nag rereview ako. Hindi ko kasi malaman sa Teacher ko kung ano trip niya. Sa Filipino 'to. El fili pa more!
Nung nakaraan kasi ay nag discuss lang sya. 5 or 6 chapters minsan sa isang araw tapos kinabukasan may Quiz sa kanya. About sa mga kinuwento nya.
Self study.
Nag lecture ako pero hindi ko parin gets. Kung ano-ano pumapasok sa utak ko.
"Erin. Baka gutom kana." Tinignan ko lang yung Sandwich na hawak ni ART sa'kin. Inaalok nya pero humindi ako.
"Sige na. Tanggapin mo na. Minsan lang ako mag-alok."
"Sige. Salamat." Mapilit e. Pagbigyan na natin.
"Upo ako sa tabi mo. Ok lang?"
Tumango ako sa kanya. Matatagalan pa yata yung dalawa sa baba. Hindi ko sya pinansin pero naiilang ako. Nakikita ko sya sa Peripheral Vission ko. Oo. Nakatingin sya sa'ken?
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Akala ko mag iiwas sya nang tingin pero ngumiti lang sya. "Ang creepy mo." Bakas sa mukha ko yung pagka irita pero hindi talaga ako naiirita. Ewan ko ba sa features ko bat ganto.
"Ang bilis mo ma irita noh. Bat ganun?" Hindi sya nagpatinag. Hindi man lang sya lumayo sa'kin tapos eto pa. Tumatawa pa sya.
Ang saya nya noh. Ganon ba ako kasayang pag laruan? Char. Natutuwa sa itsura ko? Pag naiines. Wow magiiiic!
"Hindi ako naiines ART. Salamat sa Sandwich mo, May kailangan kaba?"
"Wala naman. I just want to be friends with you."
Itinuro ko yung sarili ko. "Saken? At bakit naman?"
"Pag ba nakikipag kaibigan dapat may dahilan?"
"Curious. Ang daming mga babae dyan oh. Dun may mapapala ka. Kay Trish o kaya kay Isha. Wag sa'kin."
"Hahahaha." Ang gwapo nang tawa. Umirap na lang ako sa kanya tapos tumingin ulit sa notebook ko. Pumikit ako para tumatak sa isip ko yung bawat names nang mga Characters.
"Ano yang ginagawa mo?"
"Nag re-revieeeewwww!!" Halos pa sigaw na pagkakasabi ko. Napatingin sila sa'min tapos ibinalik yung ginagawa nila.
"Easy." Hands up!
"Huwag mo muna akong guluhin. Next time na lang ah. Kailangan mataas makuha kong score. Kailangan ko ART." Pagmamaka-awa ko.
"Ok. Sige, Sige. Sabay na tayo mag review. Hindi ko masyadong gets si Ma'am e."
Iginitna ko yung notebook para share kami. Nakikita ko parin yung pag sulyap-sulyap nya sa'kin. Hindi ko na lang pinapansin. Kaso, nawawala na ako nang focus.
"ART. Can you stop?" Pabulong na pagkakasabi ko.
"Stop what?" Yan na naman yung ngisi nya.
"Stop starring at me." Iritado na yung boses ko. This time totoo na 'to.
"I appreciate the art work."
Sinamaan ko sya nang tingin. Seryoso ako makipag-usap pero parang niloloko loko nya lang ang pag sagot sa'kin.
"Gusto kong patunayan sa kanila na hindi totoo ang tsismis nila sayo. That's why i am here." Kumindat pa sya sa'ken bago umalis.
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya. Marami pa'kong dapat asikasuhin.
"Umabot nang 100 items yung Quiz kanina! Quiz pa ba yun? Myghaaaad!!!" Sigaw ni Trish.
Hindi ko alam kung sa'min.lang ba sya nagbibigay nang ganong ka kalala na Quiz. 100 hahahha.
Since nag review ako. Napasigaw pa ako kanina at hindi ako nakapag Lunch. Worth it naman. 97/100. Thank you Lord..
Kanina pa sila nagtatanungan kong ilan ba yung Scores nila pero wala akong pake. Ang hinihintay kong malaman ay yung Score ni Chase.
Hindi naman yata sya nag review. Wala sya sa room. Baka nasa Library?
"Chase! Score mo?" Dahil malakas ang pagkakatanong ko lahat ay naghihintay din sa pag sagot niya.
"96/100. Ikaw?" Tumango tango ako sa sagot niya sa'ken.
Isa lang lamang nya! Shems! Paano nangyare 'yon? May tutor kaya siya? Mukhang hindi naman sya na stress.
"Ako Erin. Hindi mo ba ako tatanungin?" Biro ni ART. Alam kong biro 'yon. Tumatawa na naman sya e.
"Hindi naman kayo Close noh!" Sabat ni Brixs. Kung sa bagay. Tama si Brixs. Hindi naman kami close e. Eh.. Kami ba ni Chase ha Close?
"92/100 ako kahit hindi mo tanungin! Haha" kumindat na naman si ART sa'ken. Ganun ba talaga sya? Palagi?
Although nakaka dagdag sa gwapo nya pero.. hindi ko sya type haha. Siguro kung type ko 'yon kinikilig na 'ko o kaya ay namumula.
"Uyy. Ikaw ah. Bakit tinatanong mo score ni Chase." Mang-aasar pa talaga 'tong si Isha.
"Gusto ko lang mataasan." Simpleng sagot ko.
"Halos natanong ko na silang lahat. Ikaw pinaka mataas. 97/100! Award! Pakain kana!" Halakhak na naman nya. Si Trish talaga.
Natapos yung klase na puro ako laman nang kwentuhan sa room. Ako daw highest at natutuwa ako.
Sumulyap ako kay Chase. Saktong nakatingin sya sa'kin. Hindi nya agad naiwas yunh tingin nya kaya namula na naman yung tenga nya.
Next time talaga itatanong ko kung ano yung sakit nya.
Lahat sila ay naka uwi na. Ako na ang huling taong lumabas sa classroom. Dumaretso na 'ko sa Parking Lot.
Unexpected.
Kumpleto ang WAO kasama si Bea, Zy, Trish at Isha. Parang may hinihintay sila kaya lumapit na 'ko.
"Oh? Hindi pa kayo uuwi?" Tanong ko.
"Hindi pa. Gagala muna tayo." Hinila na 'ko ni Trish papasok nang kotse.
"Teka lang, Hindi ko alam ngayon matutuloy yon?"
"Pumayag kana! Highest ka naman sa Quiz eh!" Sigaw ni Isha sa kabila.
"Oo nga. Ang taas mo Chai." Hinanap ko kaninong boses yun para makapag pa salamat. "Ang taas mo..."
Nahagip nang mata ko si Chase na inosenteng nakatingin sa'min.
Sya kaya?
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Teen FictionHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018