Kabanata 47
I'm Home.
Erin Lo's POV
"Teh, Anong meron at kahit gupitin nang paulit-ulit 'yang buhok mo, mahaba paren." Hinawakan ni Leo at buhok ko.
"Kaya nga! Alam mo 'yun! Crush sya ni Chase simula nang Elem. Tapos hinintay sya nang Highschool tapos 5years later sya parin. Ano beh? 'Yung totoo?" Hinila hila naman ni Ella 'yung buhok ko.
"Swerte talaga! Si Chase Emmanuel Martin na 'yan ah! Ang haba nang pasensya sayo, kahit na wala syang kasiguraduhan kung babalik kapa ba o hindi na, Naghihintay parin." Umiling-iling si Leo.
"Wala na, May nanalo na!"
Kumamot na lang ako sa ulo ko. Ang tagal naman kasi ni Mikky eh. Sabi pa eh malapit na sya pero hanggang ngayon wala parin.
"Baka talkshit 'yang si Mikky. Ulol kamo sya!" Sigaw ko kay Leo. Close nya 'yun eh. Baka nagpapa-asa na naman. "Bihis na bihis pa man din ako ah."
"Nandyan na daw sya." Sabay sabay pa kaming lumapit sa pinto nang may marinig kaming makina nang kotse.
Bumaba sya agad tsaka lumapit sa'min.
"Uy, sorry. Na late ako ah. Tara na?"
Nasa front seat kami ni Mikky at sila Ella at Leo ay nasa likod. Nagpapatugtog sila nang non stop music nang BTS. Medyo malakas ang music kaya hindi nila marinig ang pinag-uusapan namin ni Mikky.
"Kinukulit ako ni Chase. Sabi niya 'san mo hinatid si Chai? Safe ba sya naka uwi? Ok lang daw ba sya?' Pero sinabi ko na ka dorm nya ang naghatid kahit ako naman talaga ang naghatid sayo. Gusto ko kasi syang i-surprise ngayon. Birthday nya kase at ito ang gift ko."
"Ano gift mo?"
"Etong moment na 'to. Moment nyo ni Chase mamaya."
"April 30 nga pala. I april fools ko kaya sya. Hmm.." tumingin ako sa itaas.
"Erin, ano ba! Alam kong naging slight na wild ka pero wag naman kay Chase. Please?" Mag puppy eyes pa!
"Hindi bagay sayo. Siguro kung i pa flush kita sa inidoro isusuka ka lang pabalik." Inirapan nya lang ako sa sinabi ko.
"Naniniwala naman akong safe si Chase sayo. Diba? May tiwala ako sayo."
"Mukhang masisira tiwala mo. Dadalhin ko sya sa mundo ko para happy happy lang."
Sa totoo lang. Iniinis ko lang sya. Syempre naman! Hahayaan ko bang mapahamak 'tong si Chase? Syempre hindi. May mga kalokohan kaming buwis buhay at ayokong maranasan nya 'yun.
Medyo maaga naman kami. Sa bandang gitna kami na pwesto at hindi sa unahan. Tahimik lahat nang mga tao. Parang nakahanda na silang lahat para sumenti.
Lumabas na 'yung lima. Agad namang nagkagulo nang makita nila 'yung lima. Parang ganon parin ang ingay pero mas maingay nga lang ang sigawan nang mga tao. Sobrang dami na agad tao.
May nagbago sa kanila, 'yun ay naging matured ang katawan nila at mas lumabas ang pagiging gwapo nila. Nagtatalo naman ang tuwa at lungkot ko nang makita si Chase.
Habang nagkakagulo ang lahat. Umupo sya sa gitna habang nakatingin sa malayo. Nag strum sya tsaka pumikit. May band aid pa sya sa bandang pisnge.
"Anong nangyare kay Chase?" Bulong ko kay Mikky.
"Nakuha nya 'yan nung nakipag away sya para sayo. Actually." Tumingin sya kay chase at naglagay nang kaunting buhok sa tenga nya. "Madami nga syang natamong sugat at pasa eh. Buti magaling na sya."
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Novela JuvenilHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018