Kabanata 16
Sana nga.
Erin Lo's POV
"Erin Lo. Mag-isa ka lang yata?" Si Jak yan. Naka upo na sya sa tapat ko. Mag-isa lang ako sa Food Court kasi may meeting kanina about sa MMG.
"Secret. Walang clue." Para mainis sya at umalis. Sila ni CJ, Billy at etong si Jak. Palaging naka aligid. Hindi ako sanay kasi ngayon lang nangyayare 'to. Last Year hindi naman.
"Ay, sasabay na lang ako sayo. Mag-isa ka lang naman."
Pumayag na'ko. Hindi ko naman binili yung buong Food Court para mag inarte. Baka ma 'ganda ka teh?' Ako ni Jak nang wala sa oras.
"Kamusta yung mga meetings mo sa MMG?" Kumagat sya sa manok bago nagsalita ulit. "Kasali pala si Bea sa MMG pati yung isang lalaki sa WAO."
"Si Chase."
"Hindi siya. May isa pa. Ayun! Hahaha naalala ko na. Si Lil Wayne. Swaggy!!"
Inirapan ko lang sya. Last Section yun e. Sya pala Representative nila. WAYNE ang pangalan nya hindi LIL WAYNE!
Ang bali-balita sa School hindi masyadong pumapasok 'yon. At kung papasok man sya, yun ay kung may Event sa school para kumanta sila.
Busog na busog ang mga taong nagpapantasya sa kanila. Syempre kasama na'ko dun.
Pa'no ba naman! Habang tumatagal sila sa School mas lalo silang nakikilala. Mas lalo silang sumisikat sa Megadrillente. Hindi tulad nang iba na nalalaos na.
"Alam kong kaya mo yan. Kung hindi ka man manalo atleast nab-"
"Mananalo ako."
"Woahh!! Palaban!"
"Stop using that word again. PLEASE?" With conviction para dama.
"What Word?"
"Edi yung 'palaban' word." Sabay irap ko. Naaalala ko si Bry sa Word na yun e. Nakakaines kaya. Lalo na si hmmpp!! Nako Bea. Napupuno ako sayo.
"Ok, Basta hahanap kami nang mga babaeng sisigaw sa tuwing rarampa ka. Supportive Friend mo 'ko."
"Kahit wala nang sumigaw. Ok lang naman 'yun e."
"De wala, Kailangan mo 'yon. Pampagana. Basta! Dapat galingan mo."
"Syempre naman! Ano pa nga ba gagawin ko? Magsasayang lang ako nang pera kung hindi ako mananalo."
"Yan! Palab-"
"Sige! Jak! Ituloy mo. Tutuluyan talaga kita dyan."
"Biro lang."
Ang dami pa nyang kinukwento sa'kin pero hindi ko na lang pinapansin. Gutom rin ako. Plus nandito ako para kumain hindi para makipag usap sa mga bagay-bagay.
Minsan naiisip ko rin na sana ano. Sana si Chase na lang 'tong lumalapit lapit sa'kin.
At minsan naiisip ko rin na may galit sa'kin 'tong sumusulat nang LoveStory ko.
Myghad!! Sino ba talaga bida sa Story na 'to? Ako at sino? Si Chase ba? Bakit ganun? Mas feel ko pa 'tong sila CJ, BILLY, JAK kesa ditong kay Chase. Minsan naman nakakausap ko si Brixs at si ART. Lalong lalo na si ART.
Si ART ba?
Si Brixs?
Ayoko dun sa tatlo. Hindi ko matanggap na Hanggang ngayon, Hanggang Tingin parin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Teen FictionHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018