Kabanata 08
Loveteam?
Erin Lo's POV
"Eto ba yung ibig sabihin nang Lucky Girl? Isang babae lang para sa kanila? Sayang naman! Edi ikaw na talaga yung swerte!!" Hinampas ni Trish yung braso ko pero yung mata nya parang may nangingilid na luha.
"Ang OA ah! Ano naman ngayon kung walang next time? Iiyak ka ganon?" Pagtataray ko sa kanya.
"Eh ano ngayon kung iiyak ako? Oo. Iiyak talaga ako! Grabe! I can't believe this! Hindi man lang ako nakantahan. Nung nakaraan kasi dapat tayong dalawa yun eh!" Parang bata! Nag mamaktol sya.
"Edi hindi na Lucky Girl yun! Lucky Girls na." Pagbibiro ko.
Natawa naman sya sa sinabi ko. Nabaling naman yung tingin ko kay Isha na busy sa phone.
Lately kasi puro phone ang hawak nya. Iniisip ko na baka kausap nya yung parents nya.
"Mag-iisang buwan na tayo dito sa School. Hindi ba talaga magbabago isip nyo?" Eto na naman yung mga babaeng nakapalibot kay ART, Brixs at Chase.
Tawag nga sa kanila sa room ABC dahil sa names nila.
Napaka creative nila masyado pagdating sa mga ganitong bagay.
"Isa lang eh." Tipid na sagot ni Brixs habang tumatawa.
"Ikaw Chase. Ikaw yata yung Leader nang WAO eh. Baka naman oh." Nagmamaka-awa na yung boses nang babae.
Mahiyain si Chase. Halata naman diba. Tapos palagi syang concern sa mga tao sa paligid nya. Masyado syang mabait. Ine-expect ko na yung sagot nya.
"Nakita ko kasi kung pa'no magtulakan at siksikan ang mga Students. Ayokong nakakakita nang ganon.." napatingin ako sa kanya. "Pati umiiyak."
Umirap ako para ibaling sa iba ang atensyon ko. Sa ayaw at guzto nila may iiyak at masasaktan na fans. Fans?
Ganun talaga. Dapat sanay na syang may naiipit para mapanood sila. Masyadong mabait.
Ang dami pa nilang mga tanong sa ABC pero hindi ko na inusisa pa. Hindi naman ako ganon ka tsismosa at interesado sa kanila.
"Good Afternoon Class." Bati nang Mapeh Teacher namin.
"Good Afternoon Sir D.R!"
Pagka upo at pagka upo palang namin ay umupo sya saglit sa upuan at inilibot ang tingin nya sa'min.
"Kamusta naman kayo?" Ngumiti si Sir D.R habang inaayos ang laptop nya.
"Okay naman po" halos sabay-sabay na pagkakasabi nang iilan. As usual tamad ako magsalita kaya hindi ako sumagot. Depende na lang kung mahalaga.
"Gusto ko kasi malaman yung mga talents nyo." Tumingin siya sa pwesto nang ABC. "May ibang talents paba kayo?"
Walang sumagot maliban kay ART na naka ngisi. "Stick to one kami Sir!" Tinawanan sya nang iilan naming kaklase.
Itinuon ko na lang yung atensyon ko sa notebook. Actually. Passion ko talaga 'to. Maging isang sikat na Author. Maging isang Script Writers balang araw.
Ako. Nasa'kin ang desisyon. Nasa'kin yung takbo nang lahat. Lahat naayon sa gusto ko.
Lahat nang imposible.. nagkakatotoo. Dito. May naging boyfriend ako.
Aish!!! Bakit may mga tao naman may karelasyon pero ang galing galing sa pagaaral. Talent rin ba 'yun?
Ginulo ko nang kaunti yung buhok ko dahil naiines ako. Pa'no ba kasi yun?
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Teen FictionHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018