Kabanata 4

235 8 0
                                    

Kabanata 04

Sa wakas!

Erin Lo's POV

Malapit na mag-uwian. Sana lang hindi malaman nila Mama at Papa na gagala kami ngayon. Malapit pa naman yung bahay namin dito.

"Ang tahimik mo ah. Ano iniisip?" Tanong ni Isha.

"Buti hindi ako susunduin ngayon. May kotse ba tayong gagamitin?" Ang gara kase. Gusto kong sumama pero hindi pwedeng hindi kami magko-kotse. May makakakita sa'ken tapos magsusumbong sila.

"No problem. I got this." Tinaasan ko nang isang kilay si Isha.

"May driver?" Tanong ko.

"Kaya ko. Madali lang naman e. Hahaha tinuruan ako. Gusto mo turuan din kita?" Ngumiti sya nang malaki kaya naningkit yung mata nya.

"Next time." Bulong ko.

"Gwapo nila oh! Tignan mo." Sabay kalabit ni Trish sa'kin. Hindi ko 'yon pinansin. Inirapan ko lang si Trish. Oo. Gwapo sila pero hindi ako pwedeng magka gusto. Hindi pwede. Mawawala na naman ako sa ulirat tulad dati. Nung na inlove ako kay Bry. Palaging sya. Puro sya na lang iniisip ko tapos nahihiya ako.

Kaya hindi pwede.

Hanggat kaya kong iwasan. Iiwasan ko. Madali lang naman eh!

Madali lang.

Madali lang talaga.

Nag bell na hudyat na tapos na ang klase. Inayos ko na yung gamit ko. Ganon rin sila Trish at Isha.

"Ready?" Pang-aasar ni Trish. Umirap lang ako sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.

Ready saan?

Mapagalitan pag tapos gumala? Tss!

"Isha! May pupuntahan kaba?" Tanong ni Brixs. Napalingon si Trish. Kasing bilis nang kidlat at naniningkit ang mata nya kay Isha.

"Actually, Kaming tatlo. Meron." Isinarado na nya yung bag bago humarap kay Brixs. "Why?"

"Gusto kasi naming igala mo kami dito sa Megadrillente, pwede ba?"

"Ayy!! Oo! Pwedeng pwede. Ano nga e. Yun yung plano namin ngayon." Napatingin naman sila kay Trish na nakisabat sa kanila. Hindi halatang bet nya si Brixs noh.

"Kung ganon. Pwede ba? Okay lang sayo?" Ngumiti si Art sa'kin. Ngumiti rin ako pabalik.

"Kung okay sa kanila. Okay na rin sa'kin. Pero.." tumingin ako sa relo ko. "2:30 pm na. Hanggang 4:00 lang ako." Sabay tingin ko kay Isha.

Tumango lang si Isha sakin.

"San kaba nakatira?" Napatingin kaming lahat kay Chase. Bigla syang namula. "I mean. Ako kasi magda drive. Para alam ko kung saan ka ihahatid." Namumula parin sya.

"Ituturo ko na lang. Madadaanan naman natin e." Sagot ko pero hindi ako nakatingin sa kanya.

Lumabas na ako nang room. Naiwan ko na sila sa loob. May grupo nang mga lalaki sa gilid. Lumapit sila sa'kin.

"Hi, Diba ikaw si Erin?"

Tumango lang ako. Sabay taas nang isang kilay ko. "Bakit?"

"May hindi kasi kami maintindihan sa Math. Baka pwede paturo? Ako si Billy." Inilahad nya yung kamay pero hindi ko tinanggap.

"Bukas. Hindi ako available ngayon e. May pupuntahan kami." Sagot ko.

Tumango sya. "Ah.. ganon. Sige. San kayo pupunta? Kasama mo ba sila Trish?"

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon