Kabanata 28
Bwisit na daga!
Erin Lo's POV
May ibinigay na list sa'min kung ano ang mga dapat bayaran. Nakapag pictorial na rin kami. I di-display kasi 'yon sa labas nang school pati sa Court. Syempre may votings din 'yon.
"Erin!!"
Hindi pa 'ko lumilingon sa likod ko. Alam kong si Billy 'yon. Hinayaan ko na lang syang abutan ako sa paglalakad.
"Uy! San si Trish? Pabigay naman oh." Uhm. Nakabalot sa plastic bag na maganda 'yung ipinabibigay nya.
"Hindi kami aakyat ngayon sa room. Busy kami sa practice."
Can you imagine that? Nakikipag usap na ako sa iba. I mean. Dati pagtaas nang kilay, Tango at iling lang ang ginagawa ko pero ngayon. Amazing!!
Introvert ika nga.
"Okay. Pero pag nakita mo sya. Pabigay nalang." Kinuha nya ang kamay ko at ikinawit ang plastic bag. Hindi ako sporty person kaya nang tumakbo sya hindi ko na hinabol.
Inirapan ko sya kahit na alam kong hindi naman nya makikita. Umupo na lang ako sa gilid nang stage. Wala naman akong masyadong close.
"Oh, Bat mag-isa ka lang?"
Nataasan ko nang isang kilay si ART. May klase ah. Bakit nandito sya? Cutting?
"Walang teacher sa taas kaya nandito kami." Tinuro nya 'yung foodcourt kung saan nandoon ang halos kalahati kong mga kaklase at iilan ay pagala gala lang.
Tumango tango ako. "Ok."
"Nasaan si Chase?" Tumabi sya sa'kin. Tinaggal nya 'yung earphone tapos nilagay sa bulsa nya.
"Birthday ni ate mamaya. Naipagpa-alam na kita sa parents mo. Pumayag naman. Basta daw si Trish at Isha ang mag uuwi sayo." Nagtaas baba ang kilay nya sa'kin.
"Dapat sa'kin mo muna sinabi." Umirap ako nang pabiro habang natatawa.
"Syempre alam naman natin kung ano linya mo. 'Tanong ko muna kila mama at papa' kaya nauna na ako." Tumawa pa sya sa pagkaka immitate sa'kin. Gayang gaya nya 'yung ekspresyon pati 'yung boses ko.
"Basta. Pumayag na parents mo ka-"
"Pa'no mo napapayag? Tsaka ikaw lang mag-isa pumunta sa bahay? Kailan?"
"Daming tanong ah!"
"Malamang! Baka nagbibiro ka lang. Kunware pinayagan pero hindi pala."
"Tuwang tuwa nga sila nang makita kami ni Chase. Pag daw kumanta kami ulit i-dedicate daw namin sa kanila. Sabi namin sige po basta ipapaalam po namin si Chai na sumama sa birthday ni ate. Nung nakaraan. Mga gabi na rin 'yun kakatapos lang namin mag practice para sa BOTB."ngumiti pa sya sa'kin pagtapos mag explaine.
"Gabi na pala 'yun. Dapat tumawag na lang kayo sa kanila."
"Si Chase e. Mapilit. Kala nga namin gising kapa."
"Si Chase? Ah, Oo."
"Speaking of Chase. Umamin na ba sya sayo? Ang hina talaga nang isang 'yun. D naman ganun dati 'yun eh!"
"Pa'nong hindi ganon?"
"Hindi kaba naki-"
"ART!" Medyo inis 'yung mukha ni Chase. Parang wala sa mood. Nakatingin ako sa kanya at inilipat ang tingin kay ART.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Teen FictionHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018