Kabanata 6

220 8 0
                                    

Kabanata 06

Lucky Girl.

Erin Lo's POV

Monday. Hindi ako na late nung Friday kasi First day of being grade 10.

Hindi ko maipapangako na palaging ganon ang pasok ko. Pumasok na ako sa banyo at naligo.

Mabilis lang naman akong naka pag-ayos nang sarili. Grade 10 na ako pero hindi sanay na maglagay nang mga cosmetics o kahit ano.

Pulbos at konting liptint lang.

Time check!

6:40 AM.

Hindi ko alam kung anong oras ang biyahe ko papunta sa School pero ang alam ko lang. Late na 'ko kahit anong pagmamadali ko.

Late na rin naman kaya bahala na. Buti nga hindi absent!

"Na late po yata kayo nang gising?" Tanong ni Mang Kanor. Yung Driver na palaging sumusundo at naghahatid sa'kin.

"Mang Kanor, Palagi naman po 'kong late. Hahaha nung Friday lang po hindi."

Tumawa lang sya sabay bukas nang makina. Hindi masyadong ma traffic sa Megadrillente. Bibihira lang ang nakakabili nang sasakyan dito at isa pa. Karamihan sa mga Estudyante rito ay nilalakad lang ang pag pasok sa School.

"Thank you po Mang Kanor. Ite-text ko na lang po kayo pag magpapasundo na ako."

"Oh sige. Ingat po Madam."

Late na ako. Tatakbo pa ba ako? Hindi ko ni tap yung I.D sa RFID. Maka count na late ako at baka unang buwan palang nang pasukan ay may CS na ako.

Nasa tapat na 'ko nang room. Hindi ko alam kung ano una kong sasabihin. Sumilip muna ako sa bintana at nakita ko yung Math Teacher naming may kausap sa phone.

7:35 AM.

Napa iling iling na lang ako. Bakit kasi palagi akong late magising kahit maaga akong natutulog?

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto kaya lahat sila nakatingin sa'kin ngayon.

"Hindi ako late!" Pagsisinungaling ko. Para hindi masyadong awkward hahaha.

"May future kaba?"

"Late na naman sya!"

"Girl Late!"

Hindi ko na sila pinansin at agad akong lumapit kay Ma'am. Sana hindi sya magalit? Natulog lang naman ako e.

"Ma'am." Natatakot ako.

"Late ka Ms. Lo" nag pout ako sa kanya.

"Anong oras na? Malapit na mag 7:40. Ayan. 7:40 na." Sabay pakita sa'kin.

"Ano pong meron?"

"Pumila na kayo. May event sa baba. Tsk! Ayoko nang may na le-late sa klase ko ah. Ikaw Ms. Lo. Ayaw ko nang mauulit to. Okay?"

Tumango ako at ibinaba ang gamit ko sa upuan. Linggo nang hating gabi umuwi yung mga nakipag sleepover sa'kin. Kaya mas lalong tinanghali ako nang gising.

"Puyat ah!" Pang-aasar ni Isha sa'kin.

"Sleepover ulit kami, uhm.. baka Friday ulit." Tapos nagtaas baba nang kilay si Trish.

"Sana payagan." Sabay irap ko.

Sanay na sila. Ekspresyon ko naman palagi yon. Kapag sumasang-ayon ako. Itinataas ko yung isang kilay ko. Pagnagtataka or nagtatanong ganon rin. Kapag wala sa mood naka irap.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon